Paalam Anak

2K 77 1
                                    

PINUNTAHAN NI INTOY ang ina niya na nasa bahay ng kapit bahay nila na si Aling susan.

"Ma?"

"Marisa, nandiyan ang anak mo... Intoy pasok ka... Maiwan ko muna kayo a" sabi ni Aling susan sabay labas.

"Ma, galit ka ba sa akin?" Bungad na tanong ni intoy habang lumalapit sa ina. "Galit ka ba sa akin ma, kasi pinilit ko alamin kung sino ba talaga yung tunay kong ama?"

Pinunasan ni Marisa yung luha niya at ngumiti.

"Hindi anak, hindi ako galit sayo... sa totoo nga, dapat ikaw ang magalit sa akin dahil sinikreto ko ang tungkol sa katauhan mo... dapat maaga pa lang ay sinabi ko na sa'yo yung totoo" sabi ni marisa habang hinahawakan ang kamay ng anak.

"Patawad ma, kasi pinilit kong i-alam yung bagay na kinakatakutan mo, pinilit kong pina-alala sayo yung troma mo, patawad ma"

"Pinapatawad mo na ba si mama, intoy?"

"Opo mama"

Niyakap ni marisa ang anak.

"Pero ma... may sasabihin ako sa iyo"

"Ano iyon anak?"

"Sasama po ako kay professor david" nagulat si marisa sa sinabi ng anak.

"Ba-bakit?" Naguguluhang tanong ni marisa "dahil ba gusto mong lumayo sa akin anak dahil may kinikimkim ka pa ring galit sa akin? Bakit intoy"

"Ma, hindi po ito tungkol sa inyo... nais ko lang pong makikilala ang tunay na ako"

"Pero anak..."

"Ma, please... pumayag na po si papa, ikaw na lang po?"

"Intoy.... Sigurado ka ba?"

Tumango si intoy. "Hindi kita pipigilan anak..." Niyakap ni Marisa si Intoy.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama at papa ah... lagi mo yang tatandaan" sabi ni marisa.

"Ma?"

"Bakit?"

"Hinihintay na po ako ni professor david"

"Ganun ba? Tara, umuwi na tayo"

******

NANG MAKAUWI NA sila intoy at marisa ay inasikaso na nito ang mga damit na dadalhin ng anak samantalang si ramon naman ay nagbibigay payo dito.

"Eto na ang gamit mo anak" sabi ni marisa habang bitbit-bitbit ang mga damit at gamit ni intoy na nasa isang bag at maleta. "Parang andami naman niyan marisa?" Tanong ni ramon.

"Oo nga, kung magpadala ka naman ng gamit sa anak mo e akala mo naman mangingibang-bansa ito" sabi naman ni professor david.
"Ayoko kasing mailang yung anak ko duon sa lugar niyo, duon sa---- ano nga ba yung?"

"Sa isla ng odus, Sa bayan ng Amadeus"

"Ah, oo tama! Ayoko na... kapag nandon na si intoy ay paulit-ulit lang yung mga damit na isusuot niya... gusto ko na yung mga bago niyang mga damit ay maisuot niya na... oh intoy, mga bago yung mga damit mo dito ha... ingatan mo... dahil mahal ang mga damit na ito!" Sabi ni marisa na halata parin sa mukha na naluluha at nalulungkot sa paglisan ng anak. "Ikaw! prof ah! Alagaan mo mabuti ang anak ko! Huwag mo siyang pababayaan, lalo na't wala na kami sa tabi niya, nais ko na kahit wala na kami sa tabi niya ay maramdaman niya pa rin yung pagmamahal namin, wag na wag mo siyang papagurin don ah!" Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni marisa sa kanyang mga pisngi, kaya naman nilapitan siya ng mag-ama.

"Marisa huwag ka nang umiyak... makokensiya si intoy kapag umalis na yan at baka lumabas na panget itong anak natin na nasa sinapupunan mo, bahala ka" sabi ni ramon habang yakap yakap ang asawa

"Tama po ma, baka maging mabigat pa sa loob ko ang pag-alis ko" sabi ni intoy.

Napalitan ng ngiti ang pagmumukha ni marisa.

"Hehehe! Nako anak! Ano ba kayo! Ayos lang ako! Para hindi mo kami makalimutan ni papa mo, dito sa bag, may family picture tayong tatlo diyan. Kaya kapag nalulungkot ka, tumingin ka diyan... para maalala mo kami, para maalala mo kung gaano ka namin kamahal"

Niyakap na ni marisa ang anak, nakiyap niya rin si ramon.

"Ehem ehem..." pagpaparinig ni Professor David. "Aalis na kami" sabi nito

"Uy! Hehehe! Sorry! Nadala Lang" sabi ni marisa.

"Oh anak, sumama ka na sa kanya" sabi ni ramon.

Kinuha ni professor david ang mga gamit ni intoy at nauna nang lumabas .

"Ma... Pa... paalam na po"

"Tara na intoy, hatid ka na namin" sumunod na silang lumabas at ipinasok na si intoy sa kotse ni professor David.

"Paalam anak" sabi ni marisa

"Paalam po ma"

"Marisa... paalam na sa inyo, paalam na rin sayo ramon! Makakaasa kayo na aalagaan ko ang anak niyo"

Nagsimula nang tumunog ang makina ng kotse at tuluyan na silang umalis.
Habang umaalis sila ay muling umiyak si marisa sa dibdib ng asawa. "Wala na si Intoy" Hinimas himas nalang ni ramon ang likod ng asawa para gumaan ang loob.

"Paalam anak...." sabi ni ramon

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now