Si Tigre

517 25 3
                                    

"MAKARYOOOOO!!!!" Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa loob ng kweba, mabilis na pumasok si makaryo dala-dala ang katawan ng isang tikbalang.

"Paumanhin dahil ako'y nahuli!" Agad inabot ni makaryo ang katawan ng tikbalang kay Valu at agad niya itong nilamutak at nilamon, napa-yuko nalang si makaryo dahil hindi niya naatim pagmasdan ang ginagawa ni Valu sa katawan ng tikbalang na dala dala niya

Parang isang pagod at gutom na gutom na estranghero ang nangyayari kay Valu kung papaano niya kainin ang lamang loob ng tikbalang at inumin ang dugo nito. Pagkatapos niyang kainin ito ay agad niya itong tinapon. "W-walang nangyari Makaryo, gutom pa rin ako! Ang lakas ko ay hindi pa rin bumabalik!!!" Galit na tugon nito. Hinampas hampas niya ang binti niya na dahil sa pamamanhid nito.

"Kasalan to ni Laurel! Dahil sa ginawa niya sa akin, hindi ko magawang igalaw ang mga hita ko! Isinusumpa ko ang kaluluwa niya!!"

"Napakalat" Yun na lamang ang naging wika ni makaryo matapos niyang makita ang kalat na ginawa ni Valu.

"Makaryo, kailangan mong maghanap ng lunas para magamot itong nararamdaman ko!" Wika niya na pilit inaayos ang pagkaka-upo sa higaan.

"Huwag kang mag-alala, sinisikap kong hanapin ang pinaka-espesyal na dugo na maaring makapag-pagamot sa nararamdaman mo, pero sa sandaling ito bigyan mo muna ako ng oras" Wika nito

"Hindi mo na kailangan pang mag-hanap. Dahil may kakilala ako na siguradong kayang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng katawan ko"

Halos mag-dikit naman ang kilay ni makaryo sa pag-iisip "Kung ganon? Sino naman ang nilalang na ito?"

"Ang dati kong kaibigan... Si Amaya"

"Si Prinsesa Amaya? Ang pinaka-mahusay na babaylan na nabuhay sa panahon natin ngayon" Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Makaryo "Iniidolo ko siya sa larangan ng pang-gagamot"

"Tama ka, siya ang kilala ko na kayang gamutin ang sakit na nararamdam ko, pero matagal na akong walang balita tungkol sa kanya" Natawa si makaryo matapos marinig ang sinabi ni Valu "Huwag kang mag-alala master Valu, alam ko kung nasaan si prinsesa amaya"

"Papaano mo nalaman?"

"Sabihin nalang natin, isa niya akong masugid na tagahanga"

"Tagahanga ba kamo? Kung ganon nasaan siya?"

Kinuha muna ni makaryo ang basahan at pinunasan ang mga dugong nag-kalat sa sahig "Si prinsesa amaya ay naninirahan ngayon sa isa sa pinaka-mahigpit at segurista na bayan sa lahat ng bayan dito sa isla ng odus. Walang iba kundi sa bayan ng Purra"

Biglang napahampas si Valu sa mesa matapos niyang marinig ang kinaroroonan ni Amaya "Duon pa talaga sa bayang iyon!" Napailing si makaryo sa naging reaksiyon nito.

"Alam naman natin na isa sila sa pinaka-kinamumuhian mong bayan sa lahat at ganon din sila sa'yo pero master valu, isang siglo na ang nakakalipas kaya sigurado ako na nakalimutan na nila ang tungkol sa'yo, ang tungkol kay mariko"

"Pwes ipapaalala ko sa kanila na hindi namatay si mariko, sawa na ako sa pag-gamit ng maskara. Kailangan ko ng ipakita ang aking tunay na mukha"

"Bilib din talaga ako sa'yo master valu. Kahit sa sitwasiyon na ganito, nakikita ko ang isang nilalang na merong naglalagablab na adhikain"

"Hindi ko kailangan ng pambobola makaryo" Seryosong sagot nito dahilan para matawa si makaryo "Masiyado kang mainit, mukhang kailangan mo munang mag-palamig"

"Kailangan ko muli ng--- Pagkain!" Napapikit nalang si makaryo matapos marinig ang utos ni Valu "Nako, kalat na naman. Hindi pa nga ako nakakapag-linis dito ay nais niya na namang magkalat" Bulong niya sa sarili niya.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now