Pagka-ulila

1.6K 59 1
                                    

"SIYA SI TORLAX, ang aking apprentice..." sabi ni heneral tunying.

"Ah... Intoy, si Tarlox" sabi ni professor David kay intoy.

"Ah-- hi!" Sabi ni intoy, pero hindi siya pinansin ni torlax.

"Torlax, kinakamusta ka ng tagapagtangol" sabi ni heneral tunying. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni torlax.

"Huy?" Sabi ng heneral

"...."

"Nako! Ayos lang tunying! Siguro masyado Lang mahiyain yang si torlax mo, sa susunod na lang" sabi ni professor david.

"O sige, mauna na kami" sabi ng heneral

"O sige paalam"

"Paalam"

Niliban nila heneral tunying at ni torlax ang training room.

Pinaupo ni Professor david si Intoy sa isang mahabang upuan.

"Intoy... dapat ikaw, matuto ka na... na gamitin ang kapangyarihan mo, naalala mo ba yung nagtanong sayo tungkol sa kapangyarihan mo?"

Tumango si intoy bilang pagsagot. "Kung ganon, para maprotektahan mo ang lahat... dapat matuto kang kumausap sa mundo ng mga espirito" napakunot ang nuo ni intoy sa sobrang pagtataka "huh? Mundo ng espirito? Eh akala ko ba, itong mundo ng engkanto lang ang meroon sa mundo?" Tanong ni intoy.

"Nako bata! Diyan ka nag kakamali! Itong klase ng ituturo ko sayo ay klase ng pag-aaral na dapat lang ituro sa mga karapat dapat... at yon ang mga tagapagtangol" pagpapaliwanag ng propesor.

"E bakit ko po kaylangan aralin yan? Eh diba po ang dapat kong simulang aralin ay yung kapangyarihan ko at yun ang pag gamit ng apoy?" Bumuntong hininga si propessor david. "Bata... kaylangan mo munang maka usap ang dati mong buhay para malaman mo ang mga proseso na gagawin mo... nasa kamay kasi ng dati mong buhay kong ibibigay niya na sayo ang pinaka malakas na kapangyarihan ng mga tagapagtangol"

"Kung ganon po... paano po ako magsisimula?"

"Simple lang Intoy" umupo muna si Propessor David ng pa-angel sit. Ginaya naman siya ni intoy. "Sumunod, kaylangan mo lang pumikit... kaylangan mo lang isipin ang kapayapaan sa utak mo, hindi lamang sa utak mo... kundi rin sa buong katawan mo"

Huminga ng malalim si Intoy, pumikit siya... at pinili niyang maging payapa ang buo niyang kaisipan.

"Anak.... bakit mo kami iniwan? Hindi mo ba kami mahal?"

Napadilat bigla si Intoy ng marinig niya ang boses ng kanyang ina sa utak niya.

"Oh? Bakit Intoy?" Tanong ni Professor David.

"Wa-Wala po..." sagot ni Intoy, pinilit niya na lang na huwag sabihin ang totoo kay professor david. Mahigit na tatlong araw na pala siya dito sa isla ng odus at tatlong araw na hindi kapiling ang kanyang ina. Namimiss niya na pala ito.

******

Nasa palaruan si Intoy, nakaupo siya sa isang bangko habang pinapanuod ang isang pamilya ng mga aswang.

Pagalit na nagsalita yung batang aswang sa nanay niya.

"Mama! Nakakainis na talaga yang kapatid mo ah!" Sabi ng batang aswang

"Hayaan mo na, ang mahalaga na paki-usapan natin siya... na huwag muna tayong papalayasin..." sabi nung nanay

"At gagawa naman ng paraan si papa para makahanap ng trabaho" sabi ng tatay

"Pano kaya ma tyaka pa na wag nalang ako pumasok?" Mukhang nagulat yung magulang sa sinabi ng anak, at mukhang may na-alala si Intoy sa senaryong tulad ng napapanood niya.

"Pano kaya ma, kung wag na kong mag-aral? Kung maghugas nalang ako kila aling pepay? Magaling naman akong maghugas diba? Sigurado baka babaan niya po yung utang natin"

Biglang bumuhos ang ulan galing sa kalangitan kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ni Intoy galing sa kanyang mga mata

"Miss ko na kayo..." sabi ni Intoy habang humihikbi.

Pinanuod niya yung pamilya ng aswang na nagpalit anyo bilang mga uwak para mabilis na makauwi.

"Ma... Pa..." kahit napakalakas na ng buhos ng ulan ay hindi parin umaalis si intoy sa kinauupuan niya.

"Pati ulan, nakikisabay sa drama ko" sabi ni Intoy sa kanyang isip.

Makalipas ang ilang minuto. Naramdaman ni intoy na hindi na siya nababasa, kaya naman tumingala siya, tiningnan niya kung ano yung nasa ibabaw ng ulo niya.

Nakita niya ang isang malaking dahon ng gabi na pumapayong sa kanya, tiningnan niya kung sino ang nagpapayong sa kanya.
Paglingon niya, Yung babaeng nakabanga niya sa unang araw na pagpasok niya sa eskwelahan.

"Baka magkasakit ka" sabi nito habang nakayuko.

"Nahihiya ba siya?" Tanong ni Intoy sa sarili.

"Tara, huwag ka diyan... duon nalang tayo sa amin, baka mapakano ka" sabi nito.

Sumama nalang si intoy kahit na hindi niya kilala yung engkanto na yon.

Habang naglalakad sila ay natanong ni intoy kung ano ang pangalan niya.

"Ako pala si Teri" simple niyang sagot.

"Bakit mo pala ako pinayungan?" Tanong ni intoy

"Simple, kasi nababasa ka" sagot nito.

Huminga ng malalim si intoy at nag-isip ng maitatanong kay Teri.

"Anong uri ka pala ng engkanto?" Biglang sabi ni Intoy

"Di pa ba halata? Edi tikbalang" sagot nito

Tumingin si intoy kay teri, simula ulo hangang paa. Duon niya lang napansin ang buntot nito.

Tahimik silang naglakad, walang usap at ramdam mo ang ilangan.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu