Ang Ikatlong Pagsubok

423 20 1
                                    

Ito na ang huling parte at huling pagsubok na hinihintay ng lahat. Sa loob ng dalawang pagsubok na hinarap ng bawat manlalaro. Walo lamang ang natira at nanatiling matatag.

Ito'y walang iba kundi sila.

Intoy, Lucas, Amao, at Torlax na nagmula sa bayan ng Amadeus.

Si Ramuel na mula sa maliit na bayan ng Grodus.

Sila Axel, Lily at karlo ang tatlong bata na mula sa bayan ng Perla.

Silang walo ang naging matatag at maghaharap harap sa huli at pinaka importanteng parte ng Odus Battle Exam.

Sa loob ng isang bilog at malaking arena, naka-pwesto ang iba't-ibang engkanto na masaya na manunuod sa labang ito. Bawat isa ay may kanya-kanyang pusta kung sino ba sa walo ang aangat at magtatagumpay. Kanya kanya silang manok at hindi na magkamayaw pa sa kasisigaw.

Samantala, naka-pwesto naman sa taas ng arena ang dalawang mahalagang engkanto na magbibigay gantimpala sa kung sino man ang magtatagumpay sa labang ito.

Ito'y walang iba kundi si Haring Laurel kasama si Professor David at si Reyna Isabela na hangang ngayon ay balot na balot pa din ang katawan kasama si Dugong.

"Katahimikan!" Natigil ang lahat ng sumigaw sa gitna ang binatang lobo na si Artemyo.

"Ako nga pala ang magiging taga-awat sa laban na ito... Ako pala si Artemyo! Pero bago ang lahat. Nais ko munang ipakilala ang walong manlalaro na naging matatag at umabot hangang dulo!"

Isa isang lumabas ang walong bata sa pasilyo at nagtungo sa gitna kasama si Artemyo.

Subalit si Lucas, hindi naging maganda ang pakiramdam ng muli niyang nakita ang binatang lobo matapos siyang kagatin nito sa loob ng gubat ng kamatayan.

Lalong naghiyawan ang lahat ng makita nila ang batang tagapagtangol. "Intoy! Intoy!" sunod sunod na pagsigaw ang umalingawngaw ng sandaling iyon.

Pero nabali lamang ang kaingayan ng tumunog ang Gong.

"Sa sandaling ito. Mahahati sa tatlong parte ang laban. Sa unang parte, ang walong manlalaro ay mahahati sa apat na pares na kung saan sila ay maglalaban laban at matapos ang labanan Magiging dalawang pares nalamang at sila muli ay muling magtutuos at maglalaban, yun ang ikalawang parte ng laban at sa huli. May dalawang matitirang manlalaro na kung saan kung sino man ang magwawagi ay ihihirang na kampiyon na kung saan magbibigay karangalan sa bayan na pinagmulan niya! Ngayon klaro na ba ang lahat?!" Humiyaw ang mga manunuod bilang sagot.

"K-Kinakabahan ako Amao" Bulong ni Intoy dito.

"Shhs. Wag kang kakabahan" Wika nito. "Dapat nga mas maging positibo ka eh. Ang dami mong taga suporta! Kaya mo yan!" Tinapik nito si Intoy upang mapalakas ang loob nito.

Hinanap ni Intoy si Professor david at kanyang nakasalubong ang titig nito sa kanya. Nabawasan ang kanyang kaba ng siya'y nginitian nito at pinalakpakan.

"Ngayon! Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa! Ang unang parte ng laban  ay magsisimula na!" Sigaw ni Artemyo

Muling bumalik ang mga bata sa pasilyo at hinintay ang magiging anunsiyo kung sino ang unang pares na maglalaban.

"Intoy" Nahinto ang pagmumuni muni ni Intoy ng siya ay kausapin ni Axel.

"Hindi ako magbibigay ng awa kapag ikaw ang nakalaban ko. Hindi ibig sabihin na hindi mo pa kabisado ang kapangyarihan mo at ikaw pa ang tagapagtangol ay papalagpasin kita. Kung yun sa tingin mo ang gagawin ko, nagkakamali ka. May personal pa akong galit sa'yo" Agad din niyang iniwan si Intoy matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon. Bakas naman sa pagmumukha ni Intoy at kaba matapos niyang marinig ang sinabi ni Axel sa kanya.

"Personal na galit? Bakit? Papaano?"

Tinapik naman siya ni Ramuel upang pagaanin ang loob nito. Agad naman siyang gumanti ng ngiti at pilit binura ang mga sinabi ni axel sa kanya.

Muling bumalik ang kaba ni Intoy ng magkasalubong ang titig niya mula sa titig ni Torlax na masamang nakatingin sa kanya. Agad niyang pinutol ang tinginang iyon dahil sa kakaibang tingin na naipapakita ni Torlax sa kanya.

Samantala. Agad namang bumunot ng dalawang patpat sa isang baso ang binatang si Axel. Nakalagay sa ilalim ng patpat ang pangalan ng dalawang unang engkanto na maglalaban.

"Eto na! Nabunot ko na ang pangalan ng unang engkanto na maglalaban! Ito'y walang iba kundi sila......





"Intoy at Lucas!"

Agad nanginig ang batang tagapagtangol ng malaman niya ang pangalan ng magiging kalaban niya, halos nawalan siya ng lakas ng malaman niya na si Lucas pala ang makakalaban niya.

"Kaya mo yan Intoy! Tiwala lang!" Wika nila Amao upang palakasin ang loob ng kaibigan. "Kaya mo yan Intoy!" Sabi ni Ramuel.

Agad namang lumabas sa pasilyo ang batang dalakitnon na si Lucas na hindi man lang tumingin sa kinapwepwestuhan nila Intoy. Tanging malamig na hangin lang ang iniwan niya mula sa mga engkantong nadaanan niya.

"K-Kinakabahan ako" Wika niya sa sarili niya.

"Lumabas ka na! Kaya mo yan!" Agad namang tinulak ni Amao ang kaibigang si Intoy upang maka-alis na sa pasilyo. Agad nagsipaghiyawan ang lahat ng mga engkanto ng kanilang muling nasulyapan ang batang tagapagtangol.

"Kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon na gagamitin ko sa tunay na laban ang mga natutunan ko. Hindi ako makakapayag na madismaya ko ang mga engkanto na naniniwala sa akin, pero... Magagawa ko ba? Sapat ba ang oras na nailaan ko para mailabas ang kapangyarihan ko?" Bulong ng isang maliit na boses sa utak ni Intoy.

Kanyang tinitigan sila Haring Laurel na abot tenga ang ngiti para lang maipakita ang kanilang suporta.

Samantalang si Lucas naman ay nakatitig sa kanyang ama na walang kaguhit guhit ang ekspresyon ng pagmumukha. Hindi mo mawari kung ito ba ay kinakakabahan, masaya o di kaya galit.

"Papatunayan ko sa'yo ama na hindi lang ako basta isang dalakitnon. Isa akong mahusay na dalakitnon at mas mahusay ako sa iyo!" Naikuyom ni Lucas ang kamao niya ng makita niya ang mga engkantong masaya na sumusuporta kay Intoy. Nakaramdam siya ng inis at galit.

"Bakit ganito? Bakit ang isang dayo na kagaya niya ay hinahangaan niyo? Pero samantalang ako? Kinatatakutan niyo? Bakit?! Porket isa akong dalakitnon? O dahil mula ako sa angkan ng ama ko?!"

Nahalata ni Artemyo ang gslit na namumutawi ngayon sa dibdib ni Lucas kaya kanya niya itong nilapitan at tinapik ang braso. "Kumalma ka lang" Bulong niya sa tenga nito.

Halatang nabigla si Lucas sa biglang paglapit ni Artemyo sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. Muli niyang naalala ang pagkakataon na siya ay nakagat nito sa gubat ng kamatayan.

"Huwag kang lumapit sa akin!" Wika niya dito. Halata namang nagulat si artemyo.

Minabuti niya nalang na huwag pansinin ito at simulan na ang unang labanan sa parteng iyon.

"Ang unang labanan! Intoy laban kay Lucas!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon