Intoy laban kay Axel

485 23 2
                                    


"Sa sandaling ito! Ang inyong labanan ay magsisimula na!"

"Tubig Ahas! Labas!" Mula sa palad ni Axel lumabas ang tubig ahas na kanyang nilikha, agad itong nagtungo sa kinatatayuan ni Intoy.

"Bolang apoy!" Agad ibinato ni Intoy ang kanyang mga bolang apoy papunta sa tubig ahas na pasugod na sana sa kanya.

Kung mapapansin, muling bumalik sa dating anyo si Axel, bumalik ang pagiging kalmado ng itsura niya dahilan para lalong kabahan si Intoy, halos kanina kasi... kung ngitian siya nito ay nakakatakot at halos nais na siyang tapusin.

"Kagaya ng ginawa ko sa mayabang na tikbalang kanina... hindi ko padadaliin ang katapusan mo, tagapagtangol" Wika ni Axel

"H-hindi mo ako matatakot sa mga banta m-mong ganyan!" Sagot ni Intoy

"Talaga? Eh bakit nanginginig ang buo mong katawan? Diba iyan ang patunay na kinakabahan ka?"

Naikuyom ni Intoy ang kanyang kamao "Ano ba tong katawan na ito! Huminto ka na nga!"

"Edi yan ang paniwalaan mo! Pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo! Hinding hindi ako magpapatalo sa laban na ito!"

"O sige, magmatigas ka... Siguraduhin mo lang na magagawa mong iwasan ang mga susunod kong atake dahil may halong galit ang bawat atakeng iyon!"

"Teka!" Wika ni intoy "Ano bang ginawa ko sa'yo at mainit ang dugo mo sa akin?!"

"Huwag mo kong kausapin ng ganyan! Walang wala ka sa kalingkingan ko!"

"Tch! Nakalimutan mo yata... ako ang tagapagtangol! at matatalo kita gamit ang mga apoy ko!"

"Baka nakalimutan mo din na tubig ang kapangyarihan ko, kayang tapusin ng tubig ang apoy na sinasabi mo"

"Kayang pakuluin ng naglalagablab na apoy ang tubig mo axel... baka nakalimutan mo"

Napangiti si axel sa kanyang narinig "Matapang.... Pero sana hindi lang puro salita!"

Nagpalabas ng tubig si axel mula sa dalawang palad niya at gumawa ng malaking alon ng tubig. Mabilis itong rumagasa patungo sa kinatatayuan ni Intoy. Sinubukan niya pang tumakbo palayo subalit naabutan siya ng alon at patuloy ng nadala nito.

Ikinuyom ni axel ang kanyang kamao at inihampas sa ere. Kasabay nito naging bilog ang tubig kung saan nakakulong si intoy sa loob at biglang humampas sa dingding.

"GUAAAALLHH!" Singhal ng Intoy

Agad siyang bumagsak sa lupa ng naghahabol ng hininga. Muling lumikha ng dalawang kamao si axel mula sa tubig na nasa likod niya, ito'y kanyang kinontrol at akmang sinusuntok si intoy.

Mabilis naman siyang gumapang upang maiwasan ang mga atakeng iyon subalit sa kasamaang palad ay nasuntok siya.

"INTOY!!!" Sigaw ng mga kaibigan niya

"Tch, sabi na nga ba e... magiging mabilis lang ang laban na ito" Bulong ni Dugong sa sarilil.

Dahan dahan namang tumayo si Intoy at pilit iniinda ang sakit. "H-hindi ako pwedeng matalo!" Sigaw ni Intoy

"Wag ka ng magsalita pa! Tubig ahas!" Muli, umatake na naman si Axel at sa ikatlong pagkakataon ay natamaan ulit si Intoy "WAAAAHHH!!!"

"Kawawang bata" Wika ni Axel, lumingon siya sa kinauupuan ng kanyang ina.

"Ngayon niyo sabihin ina'y na matatalo ako ng dayong ito? Kitang kita niyo naman hindi ba? Ako ang nakakalamang! At siya ang nanghihina, isa lang ang ibig sabihin nito... hindi nagkatotoo ang hula ng manghuhula niyo. Walang makakatalo sa akin! Wala!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now