Sa Klasrum

1.5K 56 4
                                    

Dedicated this Chapter kay: LeeRima. ;) Salamat. Hihihi

-------------

NAKAUPO SA iSANG Sofa ang batang si Intoy ng dumating si Professor David.

"Mabuti naman po't nakarating na kayo" bungad na sabi ni Intoy sa propesor.

"Mabuti na rin at nakita kita Intoy? Saan ka ba galing?" Tanong ng Propesor

"Eh napaaway po ako, tapos tinulungan ako ni Laura eh mukhang pong nasaktan siya, kaya po dinala ko agad siya dito"  paliwanag ni Intoy
"Ah, Ganon ba? Ngayon pumasok ka na sa klase mo, mahigit isang oras ka nang late! Terror pa naman yung first teacher mo! Dalian mo! Ako nang bahala dito!"

Agad kinuha ni intoy ang gamit niya at tumakbo palabas ng clinic. Duon niya lang muli naalala na may klase pala siya.

Agad niyang nahanap ang klasrom niya kaya naman mabilis siyang lumitaw sa may pinto na ikinagulat ng lahat.

"Sino ka?" Tanong ng guro na nasa loob

"Siya po ang bagong tagapagtangol maestro" sabi ng isang estudyante

"Hindi kita kinakausap!" Sagot ng guro "muli, ano ang pangalan mo?" Seryosong tanong ng guro

"A-ako po si intoy trinidad" tipid na sagot ni intoy

"Tama ba ang narinig ko na ikaw ang tagapagtangol?" Mukhang nagulat si intoy sa narinig kasi halos lahat ng makikita niyang engkanto ay kilala na siya subalit itong guro na ito ay parang bago lang ipinangak sa amadeus kaya hindi siya kilala.

"Opo ako nga po"

"Kung ganon, ano ang maipaglilingkod ko?" Tipid na tanong ng guro

"Dito po kasi yung klase ko" sabi ni Intoy, sobra siyang kinakabahan dahil napakatahimik talaga ng paligid.

"Talaga? Napaka-aga mo sa susunod mong klase!" Sabi ng guro, pagkatapos niyang sabihin yon ay tinalikuran niya si intoy, nakahinga na ng maluwag si intoy, siguro pinapasok na siya dito. Pero papasok palang siya ng pigilan muli siya ng Guro

"Sinong nagbigay ng pahintulot sa'yo na pumasok dito sa loob?" Nanlaki ang mata ni intoy at hindi alam ang isasagot "Lumabas ka! Wala akong pake kahit na tagapagtangol ka o Diyos ka man! Nasa klase kita! Ang trato ko sa mga estudyante ay pantay-pantay! Kung ramdam mo na may special treatment ka sa iba, nako! ibahin mo ko!" Sinunod ni intoy ang sabi ng kanyang Guro ay mabilis na lumabas.

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay ni intoy sa labas ng silid aralan ay natapos na rin ang oras ng kanyang unang guro.

Mabilis itong lumabas, at sinundan siya ni intoy.

"Sir!" Pagtatawag ni intoy dito subalit hindi siya pinapansin nito "Sir!" Sa ikalawang pagkakataon ay huminto na ito at humarap sa kanya.

"Anong kailangan mo?"

"Sir---" naputol ang pagsasalita niya.

"Maestro, hindi Sir! Maestro Mayan"

"Ah, maestro mayan.... Pasensiya po kasi na-late po ako sa klase niyo kanina, may mangyari lang po kasing emergency e"

"Emergency? Lagi naman, yan na lang ba lagi ang palusot niyo. Utang na loob! Kung magsisinungaling ka e galing galingan mo naman, gamit na gamit na yang rason na yan, kaya naman, pakiusap!"

"Maestro, Totoo po ang sinasabi ko, itanong niya pa po kay professor David"  napahinto si maestro mayan

"Sigurado ka?"

"Opo"

"Ngayon, ayoko nang maulit ang pagiging late mo sa klase ko, ayos ba?"

"Opo"

"Pumasok ka na sa klasrum"
Sabi ni maestro Mayan, sabay alis. Pagka-alis ng maestro ay mabilis siyang pumasok sa loob ng klasrum pero pagkapasok niya ay may nakabungo siyang isang babae, lahat ng hawak hawak nitong notebook at libro ay nahulog.

"Ay!" Sabi nung babae
"Ay! Sorry!" Mabilis na tinulungan ni Intoy ang babae sa pagkuha ng gamit nito.

Nakuha na nung babae at ni Intoy yung ibang gamit na nahulog nito, may isa na lamang na natitira. Nag-alangan si intoy sa pagkuha dito dahil baka kasi magkahawakan sila ng kamay. Pero dahil kasalanan naman niya ang lahat ay kinuha niya na ang kwaderno, pero katulad ng inaasahan, nagkahawakan sila ng kamay nung babae. May naramdaman ng konting hiya si Intoy, mabilis na binawi nung babae ang kamay niya at kinuha ang notebook niya.

"Pasensiya na" sabi ni Intoy
"Pasensiya na din" sabi nito sabay alis.

Pinanuod ni Intoy yung babae habang naglalakad papaalis, nagtaka si intoy kung bakit parang naiihi ito maglakad?

Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob, nakaramdan siya ng kakaiba. Lahat ng mga nasa loob ay nakatitig lang sa kanya, pinilit niyang ngumiti kahit kinakabahan siya at umupo siya sa bakanteng upuan na nasa likuran.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang matabang bata, meron itong matutulis na taenga, na bilugang mukha.

"Kamusta? Ako pala si JekJek, ikaw daw yung tagapagtangol?" Sabi nito

"Oo, ako nga. Ako pala si Intoy, Nice to meet you" sabi nito. Mukhang naguluhan si jekjek sa mga huling salitang binangit nito.

"Ano yung---- bi Yu? Ano ba yon?! Yung sinabi mo kanina?" Naguguluhang tanong ni Jekjek.

"Nice to meet you, ibig sabihin non, ikinagagalak ko na ikaw ay makilala" pagpapaliwanag nito.

"Ahhhhh" sabi ni Jekjek na manghang manghang.

Yung iba na rin niyang kaklase ay unti unting nagsilapit sa kanya, halos pinaligiran na siya ng lahat.

Ramdam ni intoy ang mga pawis na tumutulo sa kanyang nuo, at hindi niya na alam ang kanyang sasabihin.

"Kamusta?" Yun na lamang ang nasabi ni Intoy.

"ANONG MERON DIYAN?!" nagsibalikan ang lahat ng mga estudyante sa kanya kanya nilang mga pwesto.

"Bakit kayo nagkukumpol-kumpol? Anong pinag-uusapan niyo?!" Tanong ng isang babae mistulang susunod nilang guro.

Itinuro ng lahat ang pwesto ni Intoy. Sinundan naman ng tingin ng guro ang itinuturo ng mga estudyante.
Nanlaki ang mata nito ng makita niya si Intoy.

"Woah! Ang tagapagtangol! Nasa klase ko! Hindi kapani-paniwala!" Sabi nito, mabilis siyang lumapit dito at hinawakan sa kamay si intoy.
"Ako pala si Maestra Luna, isa akong mananangal"

Natakot ng bahagya si Intoy sa narinig.

"Wag kang matakot, hindi ako pumapatay... hinding hindi ko papatayin ang tagapagtangol ng isla ng odus"

"Hehehe..." natawa nalang si intoy sa halos mala-roller coaster na pangyayari

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon