Intoy laban kay Lucas

472 24 2
                                    


Hindi magkahiyawan ang lahat ng mga engkanto na sumusuporta sa dalawang unang manlalaro.

"Intoy. Sa laban na ito, papatunayan ko na hinding hindi matatalo ang angkan ng mga dalakitnon kahit humarap pa ang tagapagtangol na kagaya mo" Wika ni Lucas dito.

"Papatunayan ko din sa'yo lucas na, ako ang itinakda na tagapagtangol. Kaya itatatak ko sa diyan sa kokote mo na kaya ko ng ipagtangol ang sarili ko" Sagot ni Intoy dito. Napaismid naman si Lucas sa narinig.

"Sa huling pagkakatanda ko, halos hindi ka na makatayo sa lupa dahil sa bugbog na natamo mo sa akin"

"Pwes sa pagkakataong ito. Ikaw naman ang babagsak sa lupa. At ipapakain ko sa'yo ang naglalagablab na apoy na ibabato ko sa'yo"

Halatang napikon si Lucas sa nga sinasagot ni Intoy sa kanya.

"Matapang ka na ah, yan ang gusto ko. Para hindi na ako makaramdam ng konting awa kapag winasak ko ang pagmumukha mo!"

Agad ng sumenyas si Artemyo at sabay sabing

"Ang inyong laban ay magsisimula na!"

Agad pinadami ni Lucas ang sarili niya. Nakagawa siya ng mga kamukha niya ng mga anim na piraso. Samantalang si Intoy ay lumikha ng apat na apoy sa ibabaw ng palad niya.

"Intoy" Napapikit si Teri ng biglang sumugod ang mga clone ni lucas sa kinapwepwestuhan ni Intoy.

Agad na umatras si Intoy at ibinato ang mga apoy sa mga clone na lumalapit sa kanya.

Muli namang gumawa ng apat pang apoy si Intoy ng muling sumugod ang dalawang clone ni Lucas sa kabilaang gilid niya.

"Humarap ka sa kalaban mo!" Agad napabalikwas sa pagkakatayo si Intoy ng biglang sumulpot sa harap niya ang orihinal na katawan ni Lucas.

Muling nagtangkang suntukin at sipain ni Lucas ang umiiwas na si Intoy. Agad siyang nasipa nito ng mahawakan siya ng dalawang clone ni Lucas.

Napatalsik si Intoy dahil sa ginawa ni Lucas, agad din naman siyang tumayo at bumuga ng isang napakalakas na apoy. Agad namang lumundag si lucas ng napakataas upang maka-iwas.

Hindi pa man natatapos ang pagbuga ni Intoy ng apoy ay lumikha siya ng bilog na apoy na inihagis naman sa ere kung saan nakatalon si Lucas. Hindi niya na ito naiwasan kaya naman napatumba siya.

Agad napabalikwas si Lucas ng makita niyang masama ang tingin ng ama niya sa kanya. "Hindi" Bulong niya sa sarili niya.

Agad namang sumugod si Intoy sa kinapwepwestuhan ni Lucas at pina-apoy ang kamao niya. Sunod sunod na pagsuntok ang ibinato niya dito, subalit mabilis itong naiwasan ni Lucas.

Gamit ang kapangyarihan niya sa pagkontrol ng mga bagay. Sinubukang kontrolin ni Lucas ang alikabok ng lupa upang mapuwing si Intoy. Nang tumalab ang ginawa niya, agad siyang sumugod at sinipa si Intoy.

Napaluhod si Intoy sa tindi ng pagkakasipa ni axel sa kanya. "Tikman mo ang kayang gawin ng isang dalakitnon sa kagaya mo Intoy!" Muli niyang sinips si Intoy sa pagmumukha dahilan para magdugo ang labi nito.

"Hindi!" Maraming engkanto ang nagulat sa hindi pag-iwas ni Intoy. "Tumayo ka Intoy! Bilis!" wika ni Laura na katabi ni Teri.

Kinapa ni Intoy ang nagdudugo niyang pisngi.

"A-ang unang dugo sa unang laban" Wika niya sa sarili niya. Agad siyang tumayo upang bumalik sa laban.

Muling nagpalabas ng apat na bolang apoy si Intoy at ibinato sa pwesto ni Lucas, mabilis niya itong naiwasan at agad ding sumugod upang suntukin ang sikmura ni Intoy.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang