Prologue

475 41 1
                                    

Parang kahapon lang nangyari. Parang kanina ko lang narinig. Parang sariwa pa rin ang sakit. Sakit na hindi ko mabigyan ng deadline. Sakit na hindi ko mawari kung mananahan na ba sa sistema ko nang permanente o hindi. Ganito ba talaga kahirap mag-move on? 'Yong tipong hindi ko na malaman kung kakailanganin ko pa nga ba talaga? O nanamnamin ko nalang hanggang sa matanggap ng aking sistema?

Alam ko magiging okay rin ako. Alam ko magiging ayos din ako. Alam ko na hihilom din ang mga sugat at sakit sa puso ko. Alam ko masasagot din ang mga katanungang naiwan sa akin noong nawala siya sa buhay ko. Alam ko, makikita ko rin ang gamot sa mga kumikirot na damdaming dinadala ko.

Hindi ko nga lang alam kung kailan? Ano? Saan? At paano? Pero 'di lalaon makakamit ko rin iyon, saka ko malalaman ang mga sagot sa paulit ulit kong katanungan na Bakit ko nga ba ito kailangang pagdaanan?

Pero siyempre umaasa ako na sana nalalapit na ang oras na iyon. Lalo pa ngayon na may isang napakagandang dahilan at pagkakataon na para unti unti ay masagot ko iyon. Siguro nga tama ang naiisip ko, Maybe this time will be the right time.

MAYBE THIS TIME.

--
Hope that you'll support my first ever on going story in this account. If you enjoyed reading it, kindly add to your library so that you'll get a notification once there is updated chapter. Happy readings! 😘

Sincerely yours,
xarisagape 😍

--

Dedicated to 30muniflaciste 💞💞💞

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now