Chapter 3

197 33 2
                                    

"Ma, para po!" sigaw ko. Nasa pinakadulong parte kasi ako ng jeep nakasakay. 'Yung malayo sa driver. Saktong sakto naman ang pagkakahinto nito sa tapat ng school namin.

Bago tuluyang bumaba ay tinignan ko muna ang wrist watch ko. Dalawang minuto nalang at magsisimula na ang flag ceremony. Ayoko ma-late. Nang makapasok sa gate ay lakad takbo ang ginawa ko. Inilapag ko muna ang bag ko malapit sa field area ng school. Naglakad na nga ako papunta sa field at hinanap ang pila ng aming section. Napakadaming estudyante ang nakapila. Minsan nga nagtataka ako kung paano kami nagkakasya dito, sa dami ba naman ng mga estudyante. Actually, every Monday lang naman kami nagpa-flag ceremony. Ewan ko ba sa admin ng school, siguro para hindi hassle sa lahat.

Nakita kong kumaway sa akin si Jhela. Gumawi na nga ako doon at pumila na.

"Muntik ka ng ma-late ah," kausap sa akin ni Jhela.

"Oo nga eh. Nagpalit pa kasi ako ng skirt. Nasira 'yung butones."

"Mag-diet ka na kasi. Tumataba ka na," natatawang sabi ni Jhela. Madami ngang nagsasabi na parang tumataba ako. Na-conscious tuloy ako. Ilang sandali lang ay nagsimula na ngang tumugtog ang pinaka-popular na beat tuwing lunes. Sabay sabay naming inilagay ang aming kanang kamay sa aming kaliwang dibdib. Sabay sabay din kaming kumanta ng Lupang Hinirang. Matapos ang pagkanta ay sabay sabay din naming itinaas ang aming kanang kamay at nanumpa gamit ang Panatang Makabayan.

"Good morning students! Thank you for your great participation in our foundation week. According to our board member, this year was the best celebration, so far. Around of applause for that," boses iyon ng aming principal. Nagpalakpakan na nga ang lahat. Nakipalakpak din ako. Ganiyan talaga every monday, mag-aappear ang aming principal after the flag ceremony and of course prayer. Mag-aannounce lang naman siya at magpapaalala ng mga usual rules and regulation na every other day atang kina-campaign ng aming mga guidance counselors. Speaking of guidance counselor, ano na kayang nangyari kay Steve? Ang alam ko kasi naka-received siya ng counselling slip noong nakaraan before our foundation week. Bakit kaya?

After magsalita ng aming principal ay nagpunta na nga kami sa kanya kanyang classroom. Bago tuluyang sumunod sa pila ng aming klase ay binalikan ko muna ang bag ko at kinuha ito.

"Ali," tawag sa akin ng aming adviser bago ako tuluyang makapasok sa classroom. Nilingon ko ito na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Yes po, cher?" magalang na sabi ko. Yumuko ako tanda ng paggalang sa kaniya. Ganito kasi sa school namin, instead of saying good morning, good afternoon, and the likes sa mga teachers and staffs ay magbow nalang daw kami. Minsan nga para pa kaming tanga kapag sunod sunod na dumadating ang mga teacher. Yuko kami ng yuko. Ang awkward lang.

"Go with me to the faculty," sabi ni Ms. Perez.

"Okay po, cher."

Pumasok ako saglit sa classroom para ibaba ang bag ko. Nagbigay naman ng activity si Ms. Perez sa mga kaklase ko bago kami tuluyang lumabas at pumunta sa faculty. Kinakabahang sumunod ako kay Ms. Perez. Mabuti na nga lang at wala kaming teacher na naabutan ng makarating kami sa faculty. Umupo si Ms. Perez sa upuang malapit sa table niya at pinaupo naman niya ako sa upuang nasa tapat ng kaniyang table. May kabang tumingin ako sa kaniya. Sino ba namang hindi kakabahan? Tatawagin ka ng adviser niyo ng hindi mo alam ang dahilan?

"Why are you looking at me that way? We're not in the guidance office, okay?" nakangiting sabi sa akin ni Ms. Perez. Kahit paano ay nabawasan ang kaba ko. Pero nagtataka pa din talaga ako kung bakit kami nandito?

"Eh, sorry po. Clueless lang po talaga ako kung bakit tayo nandito?" kausap ko sa kaniya. I finally found my voice. Pinagpawisan ako ah, mga isang butil. Natawa naman si Ms. Perez sa akin ng makita niyang pasimple kong pinunasan ang pawis sa noo ko.

"Huwag ka mag-alala. May sasabihin lang naman ako sa iyo," nakangiti pa ding sabi niya. Alam ko namang mabait si Ms. Perez pero siyempre, iba pa din kasi ang feeling kapag teacher ang kaharap. I know naman that we're far different.

"Tungkol saan po, cher?"

"About Steve," sagot niya. Napalis ang ngiti niya pagkasabi noon at sumeryoso ang mukha niya. Bumalik na naman ang kaba ko. Bakit ako? Bakit sa dinami dami ng pwedeng kausapin ni Ms. Perez about him ay ako pa? Pwede namang ang kambal na sila Julie at Jules, may mas alam sila kay Steve. Bakit ako pa?

--

Gonna dedicate this to my new found friends here in wattpad Aitante and NylNed20. Gracias! 😊😍😘

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon