Chapter 2

240 36 4
                                    

August 2010

Kanina pa kami nakatunghay ni Althea sa bintana ng classroom namin. Tinitignan lang namin 'yong mga pangyayari sa labas. Lahat sila halos ay busy o abala sa kaniya kaniyang programs na mayroon ngayon dito sa school. Yeah, it's our foundation week kasi. 25th year to be exact. Madaming booth ngayon at may mga banda pang tumutugtog sa stage. Actually, kanina lang ay isa rin kami ni Althea sa mga estudyanteng ini-enjoy ang mga programs sa labas. Kaso nga lang, dahil sa lintik na jail booth na 'yan na pakulo ng section namin, nandito kami ngayon at nakakulong. Malay ko ba kasing kasama pala kami sa mga pwedeng makulong. As far as I remember kasi, hindi naman napag-usapan iyon. Ni hindi man lang sila naawa sa amin ni Althea.

"Sino ba kasing nag-drawing ng bilog na iyon malapit sa girl's washroom? Wala naman iyon kanina noong nag-CR kami ni Ali ah! Sana naman pinalabas niyo muna kami bago niyo ginuhitan doon!" pagmamaktol ni Althea. May punto siya. Wala naman kasi talagang drawing kanina.

Malakas na tawa lang ang isinagot sa amin ni Jhela, ang acting warden ng booth.

"Magkano ba ang kailangang ibayad natin para makalabas na tayo?" nakasimangot na tanong ni Althea sa akin. Halatang lungkot na lungkot din sa naging kapalaran namin. Humalukipkip naman ako at nag-isip ng posibleng paraan para makaalis kami dito.

"As far as I remember, we are not allowed to pay for ourselves. Kung baga, ang isa sa mga main purpose kung bakit in-impliment iyon kasi gustong makita ng klase natin kung may mga estudyante bang magki-care sa kapwa estudyante whether a stranger or not," paliwanag ko kay Althea.

"Psh. Oo nga pala. Sino ba kasing nakaisip ng rule na iyon? I want to regret tuloy why I agree to it."

"Me," maikling sagot ko sa kaniya.

"Oh, you! Alisha, bakit kasi nag-suggest ka pa ng ganoon? Look oh! We already wasted our three hours of time here!"

"Pero nangyari na. And even us were not exempted from that rule. Siguro nga mas tamang mag-antay nalang tayo na may tutubos sa atin dito. O kaya, mag-antay nalang tayo na maawa sila sa atin," nawawalan na ng pag-asang sambit ko. Sino nga naman ba ang magtatangkang iligtas kami mula dito? Eh sa tutuusin, kami nga ang pasimuno nito. To think na ultimo mga kaklase namin ay parang natutuwa pang nahuli kami.

Minsan talaga mahuhuli ka ng sarili mong patibong. How sad! saad ng kung saang bahagi ng utak ko. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip. Siguro nga, this is what we called KARMA.

"Althea," maya maya ay sabi ni Jhela pagkalapit sa pwesto namin. Sabay naman kaming napalingon dito at inalis ang tingin sa labas bintana.

"Bakit?" tanong ni Althea.

"Pwede ka ng lumabas," nakangiting sabi ni Jhela. Nanlalaki naman ang mga mata kong napatingin kay Althea. Nagtataka lang ako, sino ang nagmagandang loob na iligtas siya mula sa aming booth? As far as I know, wala siyang masiyadong kakilala sa school. Transferee kasi siya ngayong school year. At kahit ako na matagal ng nag-aaral dito ay wala din masiyadong kakilala. Siya pa kaya? Isipin pang napakadaming estudyante ang nag-aaral dito.

"Tama ba ang rinig ko?" nagtatakang tanong niya sa akin. Halatang hindi din siya makapaniwala na may nagmagandang loob sa kaniya. Napakibit balikat nalang ako.

"Oo, nga. Ayaw mo ba?" sabat naman ni Jhela. Napanguso naman si Althea sa sagot nito. Bahagya akong natawa sa gesture na iyon.

"Eh, ayaw kong umalis."

Nagkatinginan kami ni Jhela sa sinabi ni Althea. Hindi ba at reklamo siya ng reklamo kanina? Tapos ngayong may nagmagandang loob na sa kaniya ay aayaw pa? Aba choosy pa siya.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now