Chapter 40

60 10 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin pumapasok si Alisha. Panay na ang tanong adviser namin maging ng ilang subject teacher namin. Sinasabi nalang naming masama ang pakiramdam niya kahit pa alam naming kami ang dahilan ng pag-absent niya.

Hanggang sa isang araw, nabalitaan nalang namin na nag-request daw ang parents niyang ipa-homeschool siya. Nagsubmit pa ang mga ito ng medical records ni Alisha at sinabing hindi makakatulong ang araw-araw na biyahe para makarecover siya sa sakit.

"Sabi sa inyo eh! Dapat talaga mag-reach out na tayo sa kaniya!" sabi ni Jhela. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kakatapos lang naming kumain ng lunch.

"At talagang naniwala ka sa medical records na 'yon? She's only making excuses. Naalala mo ba 'yong fake medical records na pinresent ng parents niya noong study tour natin? Gustong-gustong sumama ni Ali no'n pero ayaw siyang payagan ng parents niya. At dahil required tayo nang time na 'yon na sumama, they forged the medical record just to stop Ali," sabi naman ni Julie. Naalala niya ang araw na iyon. Kinwento iyon sa kanila ni Alisha at inggit na inggit pa nga ito dahil nakasama kami. Iyon lang naman ang tanging study tour na ni-require ang lahat. Paano? Katakut-takot na reklamo ang natanggap ng admin nang hindi inaasahang magkaroon ng maraming casualty.

"Baka talagang umiiwas na siya sa atin," nawawalan na ng pag-asang sabi ni Jhela. Alam kong nahihirapan na siya. Sobrang malapit si Ali sa kaniya at alam kong nami-miss na rin niya si Ali.

"Well, kung iyon ang gusto niyang mangyari. Respetuhin nalang natin siya. Isa pa, kung si Althea at Steve lang naman ang involve dito. Bakit kailangang pati tayo ay hindi na rin niya contact-in 'di ba? Ni hindi nga niya tayo makamusta man lang at hindi siya nagmi-message sa facebook katulad ng ginagawa niya noon," ani Julie.

"Teka, ma-check nga ang facebook niya!"

Ganoon nalang ang pagkadismaya ni Jhela nang hindi makita ang account ni Alisha.

"Guys, tignan ninyo 'yong facebook ninyo. Binlock ba tayo ni Ali?" malungkot na sabi nito.

Kaagad nga naming tinignan ang facebook account namin at ganoon nalang ang pagkadismaya ng pare-pareho naming hindi makita ang account niya.

Jhela even tried to call her but it's out of coverage area now.

"I think you guys were right. Ayaw na nga siguro tayong makita ni Ali ngayon. Hay, I can't wait for our graduation. Siguro naman pupunta siya ano? Excited na excited pa naman 'yon na magmartsa sa graduation natin! Hay, one month pa. Ang tagal nating magtitiis na huwag siyang makita!" nalulungkot na sabi ni Jhela sa amin.

Kahit may galit pa rin akong nararamdaman para sa kaniya, hindi ko maiwasang umasa ulit na makikita ko siya dahil sa sinabi ni Jhela. Siguro naman sapat na ang isang buwan para magpakita siya ulit at makapag-usap na kami ng maayos. Alam kong magiging maayos na iyon dahil pipilitin kong pakinggan siya at kukumbinsihin si Althea na gawin din ang dapat.

Sa paglipas naman ng mga araw, nakatanggap ako ng tawag mula sa pamilya ko. Sinabi nilang uuwi sila ng Pilipinas. Hindi na rin kami magkasama ngayon ni Althea sa bahay at tama nga ang sinabi ni Kevin na pinagsisihan na ng Daddy niya ang nagawa sa amin. Unti-unti nang naging maayos ang lahat. Isa nalang ang kulang --- iyon ay si Alisha.

Dalawang araw nalang at graduation na namin! Mas excited pa yata ako sa ideyang makikita ko ulit si Alisha kumpara sa pamilya kong bukas ay makakasama ko na.

Pero ganoon nalang ang disappointment na naramdaman ko ng wala man lang kahit na anino ni Alisha ang nagpakita. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang tuluyan niya na kaming iiwan. Sobrang gusto na namin siyang makita. Alam ko, kahit ano pa mang dahilan ni Ali, kayang kayang palampasin iyon ng lahat. Even Althea? I knew her. Sa ilang buwan naming nagkasama sa iisang bahay at naging magkaibigan, alam ko mapapatawad niya si Ali.

"Steve?" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. "Where's Alisha?"

Hindi ko napigilan ang galit na biglang nabuhay sa sistema ko. How dare he went here and seek for her? Hindi ba niya alam na isa siya sa mga mga dahilan kung bakit nagka-letse letse ang lahat! Agad ko siyang kinwelyuhan at ambang susuntukin na ng matigilan ako.

"Steve, stop! I think it's about time na marinig natin ang side niya about Ali. Alam ko nahihirapan din siya. Kaya please lang, kumalma ka."

Pasalamat talaga ang lalaking ito at dumating si Althea. Kung hindi ko lang nirerespeto ang opinyon ng mga kaibigan ko, baka matagal na siyang pinaglalalamayan. Akala ko ay tumigil na rin ito ng tuluyan sa pangungulit tungkol kay Alisha. Pero nagkamali ako. Bakit nga ba hindi namin naisip na pwede ang outsider tuwing dinaraos ang graduation rights?

"I know a place. May alak din doon kaya mas makakapaglabas tayo ng sama ng loob. I think, it's a celebration na rin siguro," suhestiyon naman ni Jules na sinang-ayunan naming lahat.

Ano pa nga bang magagawa ko 'di ba? I'm just part of this circle of friends. I was never the boss here. And that shouldn't happen. Never.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now