Chapter 7

121 29 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal ba akong nakatulog. Feeling ko kasi, umabot ng isang araw. Para kasing bawing bawi ang lahat ng pagod ko sa maghapon. Naramdaman kong nakasandal ang ulo ko, hindi sa bintana o anumang parte ng jeep na sinasakyan ko kundi sa balikat ng isang tao.

Jeez! This can't be. Nakakahiya! sigaw ko sa isip ko. Tinanggal ko na nga ang ulo ko sa pagkakasandal at umayos ng upo. Pasimpleng hinawakan ko naman ang paligid ng labi ko. Mabuti nalang at hindi ako nagtulo laway. Tinignan ko naman kung sino ang nagmamay-ari ng balikat na pinahiram sa akin habang natutulog ako. I mean, ang balikat na naabuso ko. Hindi ako maaaring magkamali at mas lalong hindi ako namamalikmata. Siya si Kuya! Si Kuyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nginitian niya ako. Ngiting parang sinasabi na, Hey you're awake. Give me all your money and property as a payment. You abused my shoulder, you're heavy ha!?

Napangiwi ako sa naisip. I am really imagining too much. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. And to my surprise, mukhang lumagpas na sa barangay namin ang jeep na sinasakyan ko. What the!? Puro nalang ba talaga kamalasan ang susuungin ko?

"Para po!" malakas na pagkakasabi ko. Wala sa sariling bumaba ako. Tumingin ako sa langit na unti unti nang kinakain ng dilim ang mga liwanag. Hudyat na paparating na ang Reynang nagsisilbing liwanag sa dilim at ang mga tagapangalaga nitong maliliit na bituin. Mangiyak ngiyak ako sa isiping, hindi mawala wala ang takot sa dibdib ko dahil uuwi akong madilim na mag-isa. Tiyak papagalitan ako ni Mama at hindi papayagang magbasa ng libro. Excited pa naman akong tapusin ang librong binili ko noong nakaraan.

Matamlay na tumawid ako sa kalsada at nag-abang ng jeep pabalik. Wala pa naman akong tatlong minuto nag-antay at nakasakay din ako. Mag-aalas sais y media na ng makauwi ako. At tama nga ang iniisip ko kanina, pinagalitan ako ni Mama at hindi pinayagang magbasa. Kinuha pa niya ang cellphone ko at pinatay ang wifi sa bahay. Baka daw kasi, magbasa pa ako online.

Umakyat ako sa kwarto ko at bumaba lang noong tawagin ako para kumain ng hapunan. Pinaakyat agad nila ako pagkatapos kong kumain. Wala akong ibang nagawa kundi sundin sila. Among all the people I have encountered, parents ko lang ang never kong sinuway. I hate to think that they will get disappointed of me or even get mad because I disobeyed them. Ganito lang naman sila kapag may nalalabag akong rule nila, but after this, go back to normal again ang lahat.

Dahil boring, humiga nalang ako sa kama ko kahit hindi pa naman talaga ako inaantok. Nakatingin lang ako sa kisame at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong isipin. Hanggang sa maalala ko ang nangyari sa jeep kanina. Napapikit ako, nakakahiya talaga. At bakit sa dinami-rami ng pagkakataong makikita ko ulit ang lalaking iyon ay ngayon pa? At bakit ba kasi kailangan pa naming magkita ulit? I don't know him, even his name. Why do we need to cross our paths? Nah, no. Supposedly, that should be him and Althea.

Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Nagbabakasakaling mawala ang lalaking iyon sa isip ko. Napasabunot na rin ako sa buhok ko at parang baliw na bumangon. Umupo ako sa kama at nakaharap sa cabinet ko. Nakasabit doon ang bag ko. Tumayo ako at kinalkal ang gamit ko. Hindi sadyang nahulog naman ang group picture naming anim.

Naka-school uniform kaming anim. If I'm not mistaken, this was taken last July. Nasa mall kami noon at nagkaayaan pagkatapos ng madugo naming chapter quiz. Ang sasaya ng itsura namin. Magkakaakbay pa kaming lahat. Napako naman ang tingin ko sa lalaking katabi ko sa picture - kay Steve.

Hay, kailan ka kaya ulit tatawa ng ganiyan? I miss how you smile that way, Steve.

Ibinalik ko na ang picture sa bag ko at kinuha na ang notebook ko. May assignment nga pala kami sa Physics. I need to do it now.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon