Chapter 60

73 11 0
                                    

Alas onse na ng gabi nung makarating kami sa bahay. Nagulat pa nga sina Mommy na dumating kami, hindi na kasi nila kami inasahan pa dahil nga masyado ng gabi, balak ko pa nga sanang bilhan si Daddy ng cake kaso hindi na rin kami nakabili. Mula kasi nung bumyahe kami after bumili ni Steve kanina sa gasoline station ay hindi niya na rin ako pinansin. Kung hindi pa nga kami nakarating sa tapat ng bahay namin ay baka mas lalong napanis siguro 'yung laway namin.

Alam ko namang ang petty lang ng reason kung bakit nasa ganito ang drama namin pero ganoon yata talaga. Habang tumatagal 'yung kagustuhan na kilalanin ang isa't isa ay unti-unti mo ring makikita 'yung mga bagay na hindi mo naman napapansin noon. Kahit paano ay pinipilit ko pa ring masanay at matutunan kung paano ba i-deal 'yung ganito, kahit petty lang. Kasi feeling ko naman once I learned the exact routine of this, mas makakapag-compromise kami.

Ganoon naman yata talaga, hindi lang naman feelings ang puhunan once we enter another stage or level of relationship, we also commit to the person we chose to be with. And as we commit, we need to learn how to compromise and communicate as well. Siguro 'yung dalawang ito ang nakikita kong kailangan ko pang gamayin pagdating sa aming dalawa ni Steve. Hindi pa rin kasi namin maiwasan ang namisinterpret ang ginagawa o inaakto ng isa't isa.

Ito rin siguro 'yung struggle ng ibang partner na super close noon bilang magkaibigan tapos biglang nag-decide na tawirin 'yung friendship. Once pala pumasok na ang romantic aspects sa pagitan ng dalawang tao ay biglang may pagbabago na kailangan mong mag-adjust. Akala ko noon sapat ng magkakilala kami, na magkaibigan kami, na alam na namin ang trip ng isa't isa pero hindi pala. Mas marami pa pala kaming matututunan at madi-discover pa sa isa't isa.

"Ali, asikasuhin mo na si Steve." Ganoon na nga ang ginawa ko, sinamahan ko siya papunta sa guest room para makapagpahinga na rin siya.

Gustuhin man naming magkwentuhan pa ay naaawa na rin ako kay Steve, halata kasi sa kaniya kanina pa na pagod din siya sa maghapon. Nakokonsensya tuloy ako na nag-inarte pa ako kanina.

Bago pumasok sa guest room ay sinubukan ko ulit siyang kausapin.

"Steve."

"Hmm?"

"Sorry talaga kanina, ah. Nainis lang talaga ako pero okay na ako."

Tumango lamang siya at humalik sa noo ko bago tuluyang pumasok sa kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa rin kami okay. Ang casual niya kasi kanina pa kahit nung nagkukumustahan na kami nina Daddy kanina. Magalang pa rin naman siya at bibong nakipag-usap sa parents ko kanina pero ramdam kong may mali pa rin. Magso-sorry na lang siguro ulit ako sa kaniya bukas.

Pagkapasok sa kwarto ay hindi rin naman ako kaagad nakatulog. May kulang pa kasi sa ginagawa ko kanina at hindi ko naman maituloy-tuloy sa sasakyan kasi sumasakit na 'yung mata ko. Nang makuntento na ako sa kinalabasan nito ay saka naman ako tumawag kina Keighla.

"Girl, ano kumusta si loverboy?" ani Keighla. Narinig ko naman ang mumunting tawa ng ibang kasama namin. Naka-conference call nga pala kami.

"Ali, excited na talaga ako! Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" boses naman iyon ni Althea. Hindi maikakaila 'yung kilig sa kaniya.

Napangiti tuloy ako at biglang napalis 'yung pangamba at inis na nararamdaman ko kanina. "Yes," matamis ang ngiting sabi ko.

Nailayo ko naman bigla 'yung cellphone sa tainga ko nang marinig ko 'yung nakakabinging tili mula sa kabilang linya.

"Hoy ano ba! Sakit sa eardrums, sino ba yun?!"

"Ay, sorry guys."

"Julie?! Ikaw 'yun?" hindi makapaniwalang sabi ko. Kailan pa natutong tumili ang isang 'to? Nako kaunti na lang talaga ipapa-background check ko na mga kaibigan ko. Mukhang marami pa akong hindi nalalaman sa kanila. Chos!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now