Chapter 17

78 17 0
                                    

🎶Lunes ng tayo'y magkakilala. Martes ng tayo'y muling magkita. Miyerkules nagtapat ka ng iyong pag-ibig...🎶

Urgh! Stop that crap! Naiinis na bumangon ako sa kinahihigaan ko. Tinignan ko ang wall clock na nasa kwarto ko. Alas-otso palang ng umaga, gusto ko pang matulog. Walang pasok ngayong araw kaya gusto kong magpahinga.

"Why are you calling?" bungad ko sa taong nasa kabilang linya. Siya ang dahilan kung bakit bitin na bitin ang tulog ko. Not to mention that I get annoyed hearing that ringtone again. Well, still my fault. I didn't bother myself to change it.

"Whoa. You amazed me again, Althea. You're not going to say hello first?"

"Aba, demanding. FYI, you disturbed me. I am supposedly sleeping right now but you ruined it. Now tell me, why did you call?"

"Just want to ask if you are available today. Remember what I said the last time we met? I want you to go with me. I will show you something," paalala nito. Napatampal lang ako sa noo ko. Hanggang kailan ko ba papanindigan ang kasinungalingang ito?

"Are you sure that it's for me? Baka kasi ibang Althea ang tinutukoy mo."

"I am very sure that it's you."

"How sure are you that it's me? Did you even bother yourself asking other or clarify that you're not mistaken me from different person?"

"Oh, just tell me if you're available today. So that, I can tell you the whole story. For now, just tell."

"Okay. I got it. But promise me, that after this. Everything that I might know will be worth it."

"Rest assured."

"Okay. Just text me the place. I prefer us to meet 10 in the morning. Bye."

Instead of going back again to my tempting bed, I went to my closet and look for a clothes that I can use to.

CafeVeans ang lugar na sinabi niya sa akin. Saktong alas-dies ng umaga ay nandoon na ako sa naturang lugar. Agad ko naman siyang nakita nang pumasok ako doon. Nakaupo siya sa isang sulok malapit sa board kung saan madaming naka-pin na sticky notes.

Kumaway siya sa akin nang makita niya ako. Sumenyas siya na lumapit na sa kaniya at umupo. Ganoon nga ang ginawa ko.

"Why here?" tanong ko pagkaupo sa upuang nasa tapat niya.

"Sa tingin ko peaceful ang place na ito. Mas makakapag-usap tayo ng maayos," sagot niya. Maya-maya ay may dumating na waiter at inilapag ang dalawang nachos, red tea na drinks at fried chicken with rice sa lamesang okupado namin. "I hope you don't mind. Nag-order na kasi ako for us," dugtong niya.

"It's okay. Actually, I am craving for it," sabi ko at pigil na pigil na ang sarili sa pagkuha ng nachos. For sure, busog na busog ako mamaya pagkatapos kumain.

"Ito kasi ang best selling nilang pagkain. I want you to experience it, you know."

"I see."

"Let's eat."

"Wait. I thought you will tell and show me something."

"Later. I am starving, and I can't help myself but eat," he asked me to lead the prayer. Ilang segundo din akong natulala sa sinabi niya and after matauhan ay nagdasal na nga ako.

Hindi ako makapaniwala na may isang tao pang katulad niya na nag-eexist. Sa panahon kasi ngayon, bibihira nalang ang taong nagdadasal bago kumain. At guilty ako sa isiping iyon.

After I lead the prayer, wala ng kemeng nilantakan ko ang nachos. Not minding that there's chicken and rice.

"Akala ko ako ang gutom, ikaw ata."

Napatingin ako sa kaniya na kasalukuyang tinitignan ang bawat subong ginagawa ko. Naiiling lang ito at natatawa sa akin.

"Huwag mo akong intindihin. Kumain ka lang diyan," sabi ko sabay subo ulit ng nachos. Sarap talaga!

"Pansinin mo naman 'yung kanin at manok, baka magtampo."

"Mamaya na, okay?" sabi ko sa pagitan ng pagnguya.

"Magtira ka ng nachos para mamaya, ano ka ba."

"Why would I?"

"Ewan ko," aniya at nagkibit balikat. Sumubo ito ng kanin. "Naniniwala kasi ako na minsan kinakailangan mong magtira ng isang napakahalagang bagay sa'yo, para kahit ubos na at walang wala na 'yung mga bagay na minsang naging bahagi sa buhay mo, sa huli ay may maasahan ka pa ding napakahalagang bagay sa'yo. Bakit? Kasi, kahit hindi na 'yun buo o nasa orihinal nitong anyo, at least masasabi mong may natira sa'yo," mahabang dugtong niya at uminom ng red tea.

"Whoa!" sabi ko makalipas ang halos isang minuto. Ang tagal kong naka-get over sa sinabi niya. "Nasaang tuktok ka ba ng bundok at parang ang lalim ng pinaghugutan mo? Hindi ako nakapaghanda doon ah!"

"Thank you sa papuri," nakakalokong tugon naman nito sa reaksiyon ko. Pagak na napatawa ako.

"Wow, tingin mo compliment 'yun? Tinutuya kita ano! Grabe ka," aniko at sinimulan ng lantakin ang kanin at manok.

"Haha. Kakainin mo din pala eh, pinaghuhugot mo pa ako."

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na humugot ka ng ganiyan 'di ba?" matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

"Shadap, just eat."

Makautos wagas! Daig pa parents ko! Grabe, hindi talaga lahat ng akala ay tama. Lalo pa noong naisip ko na napakabuting tao niya. Tipong hindi makabasag pinggan. Nagkamali pala ako!

Ano bang mali sa ginawa niya? I just shook my head after I hear myself again talking to me.

"Problem?" tanong sa akin ni Kevin. Marahil ay napansin ang pag-iling ko.

"Wala naman. Kumain ka nalang diyan."

"Okay. By the way, naisip ko na after we eat, sa isang importanteng lugar nalang pala tayo pumunta. Doon sa gusto kong ipakita sa'yo."

Napatango nalang ako. Ayaw kong mapansin niya na parang naiilang na naman ako. Feeling ko kasi lagi, nadadagdagan ang kasalanan ko. Hindi ako komportableng malaman ang mga bagay na sa unang banda ay hindi naman para sa akin talaga. Pero may magagawa ba ako? Nandito na eh.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now