Chapter 24

75 11 2
                                    

Isang oras lang ang nakalipas ay kumpleto na din kami. Bale pito lang kami ngayon kasi kung titignan, si Althea lang naman talaga ang nagkaroon ng partner na hindi kasama sa group of friends namin. Si Julie naman, ayaw ng abalahin ang sarili. Makikihati nalang daw siya kay Jhela kahit labag sa loob niya.

"Ang boring naman ng event niyo, wala man lang cuttilion. Seriously, JS ba talaga ito?" maarteng puna ni Nico.

"Formal dinner to be exact," pagtatama ni Althea dito. Umirap naman ito.

"Para din pala itong iyong international school na pinapasukan ng pinsan natin eh. Boring," ani pa nito at umirap.

"Who told you that it's boring ha?" tanong ni Jhela at tumingin sa gitna. May mga magkakapareha ng sumasayaw ng sweet dance sa gitna.

"Boring pala ha?" ani Althea. "Oh, baka kasi hindi lang talaga effective iyang charm mo sa mga boys couz? Mas gwapo ka kasi sa kanila, wake up," pang-aasar pa ni Thea dahilan para magtawanan kami.

Sorry nalang si Nico, hindi ubra ang kaartehan niya sa amin.

"Come on, Steve. Dance with me," aya naman nito kay Steve dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Excuse me?" tanong ko dito. Napahagikhik naman ito sa reaction ko.

"Stop acting like a jealous girlfriend. Kayo ba?" nanghahamong tanong nito sa akin. Aba at sinusubukan ata nito ang pasensiya ko.

"Nico!" saway naman ni Althea. Sabay sabay naman kaming nagulantang ng lumapit si Julie kay Nico at binigyan ito ng mag-asawang sampal.

"This one is for treating my friends that way," ani Julie at malakas na sinampal si Nico sa kanang pisngi. "This one is for you to wake up, you're not a girl. So, stop acting like one," dagdag niya at sinampal naman ito sa kaliwang pisngi.

"By the way, you're too handsome. Don't waste it," may panunuyang pahabol naman ni Julie bago bumalik ulit sa pwesto niya kanina.

Halata namang sa aming lahat, si Nico ang pinaka-gulantang. Hawak hawak nito ngayon ang magkabilang pisngi habang sinusundan ng tingin si Julie.

"Why did you slapped me huh?!" maktol ni Nico matapos maka-get over sa pagkakasampal sa kaniya.

"Isn't it obvious?! And hey, hindi ka ba nakinig sa sinabi ko kanina? You're impossible, Nico!" asik naman ni Julie.

"Excuse me?" nakataas ang kilay na sagot ni Nico. "Don't call me using my name, we're not friend. Not even close," anito at umirap. He crossed his arms and go back to his seat.

"Oh, really? Okay. I will rather call you, HANDSOME," asar ni Julie.

"Yuck!" maarteng sambit naman ni Nico.

Hay, anong klaseng gabi ba ito? Nakakaloka. Oo, alam ko dapat enjoy ngayon. Though enjoy naman, hindi ito yung bagay na ini-enjoy namin ngayon. Maya-maya, may lumapit kay Althea na isang senior student na tulad din namin. He's from the other section. Inaya nito si Althea at sumama naman ang kaibigan ko. Sunod namang pumunta si Jules at Jhela sa gitna.

Apat nalang kaming natitira dito ngayon.

"Hello? May dumaang anghel?" basag ko sa katahimikan. Ang sama lang ng tinginan nila Nico at Julie. Si Steve naman? Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isipan niya.

"Walang anghel. Baklang gwapo lang," ani Julie.

"Like duh?! Kung ako gwapong bakla, ikaw naman gwapong babae! Daig mo pa mga Papa hunks sa pagiging siga mo!" ani Nico kay Julie.

"Oh, really? Gwapong babae ako? Don't tell me..." pabiting sabi ni Julie at inilapit ang mukha nito kay Nico. Agad namang napaatras si Nico sa ginawa nito.

"E-excuse me! You're not my type!" nakairap na sabi ni Nico and he crossed his arms.

Isang matunog na halakhak naman ang pinakawalan ni Julie. Habang ako? Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong i-react.

"Hey, Steve! I've been looking at you since you came here. Kanina pa talaga kita gustong ayaing sumayaw. Okay lang ba?" sabi ng isang babaeng estudyante na hindi mawari kung saang lupalop nanggaling. Napatigil sa pagtatalo ang dalawa at halos nakatuon lang ang pansin namin sa babaeng sumulpot nalang bigla. Nagpapa-cute pa. Sarap tirisin.

"Ah. Eh," sabi ni Steve na halatang hindi alam kung ano ang sasabihin. Nahalata naman ng babae na parang nagdadalwang isip si Steve. Mangiyak ngiyak na ang babae nang unti unting lumilinaw dito ang isang napakalabong tugon ni Steve.

"Okay. Let's dance!" sambit muli ni Steve sa babae at agad kinuha ng babae ang kamay ni Steve. Bago tuluyang makalayo sa amin ay lumingon pa siya sa amin. Nagkatitigan kami. Tapos ako? Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko habang palayo sila at papunta sa gitna.

Shems naman eh! Hindi ba, escort ko siya? Dapat parehas naming first dance ang isa't-isa!, ngumangawang sambit ng isip ko.

"Uy, okay lang yan girl! Halata namang napilitan at naawa lang si Papa Steve," kausap sa akin ni Nico matapos akong sikuhin. "Tara, tayo nalang magsayaw. Nang ma-experience ko naman ang may kasayaw na girlalu!"

"Psh," ani Julie at masama pa din ang tingin kay Nico. "Don't tell me, type mo si Alisha?"

"Excuse me! Mas okay ng siya ang isayaw ko ano? Kesa naman sa'yo!" sagot ni Nico dito at nakipagsukatan din ng tingin. "Tara na nga girl! Baka makasabunot lang ako dito eh!" sabay hatak sa akin ni Nico papunta sa gitna.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now