Chapter 49

70 9 0
                                    

Graduation day na namin bukas. Hindi ko ma-explain 'yung nararamdaman ko. Nae-excite ako at the same time ay kinakabahan. May parte rin sa akin na nalulungkot kasi ayon na nga ang hudyat para lisanin ko 'yung paaralan na apat na taong kumupkop sa akin at nag-pa-realize na hindi dapat natatapos sa isang pahina lang ang lahat.

"Ali!" matinis na sigaw nang tumawag sa akin. Napalingon naman ako sa gawi na 'yun at ganoon na lang ang sayang naramdaman ko nang makita sila.

Walang anu-ano'y napatayo ako mula sa kinauupuan ko at sinalubong sila.

"Bakit kayo nandito?" naluluhang tanong ko habang nakakulong sa mahigpit nilang yakap.

"We missed you! Alam mo bang last week pa kating-kati 'yung isa diyan na pumunta dito. Hindi lang makasibat kasi nga may demo!" tuloy-tuloy naman na pagkukwento ni Jhela.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pasimpleng pagsiko ni Jules kay Jhela. Napahawak tuloy siya bigla sa bibig niya at late nang na-realize 'yung sinabi niya. Dahan-dahan siyang lumingon kay Steve at nag-peace sign.

"Kumusta pala 'yung demo?" sa halip ay baling ko kay Steve. Halata kasing hindi niya malaman ang gagawin dahil nga sa panlalaglag ni Jhela.

Ngumiti pa muna siya nang masalubong ang tingin ko bago sumagot, "it was good. I mean great."

I'm happy, Steve. That you're actually doing a great job 'though I was not around to notice it myself.

"Mabuti naman," sabi ko bago ibinaling ang atensiyon sa lahat. "Pupunta ba kayo sa graduation bukas?"

"Oo naman. Kaya nga kami nandito. Kahit na wala kami sa loob, basta masuportahan ka lang namin. Alam mo na, one thing we didn't fulfilled when we were high school," sagot naman ni Althea.

May parte naman sa akin na nalungkot dahil sa sinabi niya.

"Hep, don't get it wrong! Of course, you'll attend our graduation as well. Sakto may ticket pa kay Steve, hindi raw kasi makakauwi 'yung daddy niya kaya sa'yo na lang daw ilalaan 'yung isa," sabi naman ni Jhela.

Nabalik muli 'yung tingin ko kay Steve at napatango ito. Sobra talaga akong nao-overwhelm sa kung paano niya ako tignan. Muli ko na namang nakita 'yung mga emosyong iyon noong formal dinner namin sa school.

I miss you. Isang piping sigaw na naman ng isip at puso ko.

Halo-halong emosyon ang nasaksihan ko kanina habang on-going 'yung graduation ceremony. Marami ang natutuwa kasi finally nakaraos na rin sa mga katakot-takot na requirements at thesis, mayroon namang iba na nalulungkot kasi mahihiwalay na sa mga kaibigan. Mayroon namang iba na mararamdaman mong naglu-look forward nang makausad sa totoong hamon ng buhay.

"Ali, let's take a picture!" nangingilid ang mga matang request ni Keighla na siyang ipinagtaka ko.

"Bakit para ka namang iiyak diyan?" kunot-noong baling ko sa kaniya.

"Gagang 'to! Malamang magkakahiwalay na tayo. No more group project, no more bonding sa classroom, no more gala sa mall kasi nag-aabang ng next subject. Ma-mi-miss ko talaga," tuloy-tuloy na paliwanag niya.

"Ang daming hanash!" sabi ko sabay batok sa kaniya.

"Aray naman! Mapanakit ka talaga!"

"Makapagdrama kasi parang hindi tayo magtatrabaho sa isang kompanya ah!" paalala ko sa kaniya. Para kasing timang.

"Ay oo nga pala. Sige, 'wag na tayong mag-picture."

Tignan mo talaga 'tong bruha na 'to. Graduate na't lahat, ganyan pa rin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sabay pa kaming nag-apply sa isang radio station at natanggap.

Halos kalahating araw rin ang itinagal ng graduation rites. Magaling din 'yung guest speaker na nakuha ng school. Nakaka-inspire to the point na mapapa-look forward ka talaga to face another phase of our journey.

"Pagkalabas na pagkalabas ninyo sa bulwagang ito, iyon na ang pinaka-magiging hudyat na nagsimula na ang pagharap ninyo sa totoong buhay. At sinasabi ko sa inyo, hindi ito magiging madali. The reality will shock you the way you never expect it to be; but be still courageous to face it. Do not be afraid to the possibility of failure for it will determine your strength and makes you even tougher; which also makes you a human. Do not let your success define you as someone who does not know how to bend knees nor wear the shoes of those who's under your provision. Be a better version in whatever circumstances you might face. And let your experience taught you lessons that will serve as an inspiration to others..."

Nang matapos ang ceremony ay naghiwalay na rin kami ni Keighla. Gustuhin ko mang hindi pa muna kami maghiwalay ay wala na rin akong nagawa. Nagkumustahan na lamang ang kaniya-kaniya naming pamilya at pumunta na rin sa kaniya-kaniyang celebration.

"Usod," utos ni Julie sa kakambal. Wala namang nagawa si Jules nang pumagitna sa kanila ni Jhela ang kapatid.

"Tsk, papansin ka masiyado. Dapat talaga iniwan ka na namin."

"Tse, manahimik ka kung ayaw mong makatikim ng mag-asawang sapak."

"Pssh, dragonesa ka talaga eh," naiiling na sabi ni Jules. Wala na rin naman itong magawa dahil kilala nito ang kapatid, baka imbes na makaalis na kami ay magkaroon muna ng WW3.

Puno na rin pala 'yung loob ng sasakyan na dala nila Steve. Makakasakay na kasi sana ako kaso bigla naman akong siningitan ni Althea kaya no choice na gumawi ako sa bandang unahan, sa tabi mismo ni Steve.

"H-hi, dito na ako pupwesto ha? Nagsisiksikan na sila eh" bati ko sa kaniya.

Shocks, ba't nauutal?

Narinig ko namang tumawa ng bahagya si Steve. Nawiwirduhan malamang sa akin.

"Hindi mo na kailangang mag-explain. Expected naman na 'yun," magiliw na sabi ni Steve. Mukhang pinaghandaan na niya 'yung magiging reaksiyon ko. Hindi ko naman mahagilap 'yung boses ko. Napipipi ako at tila nabibingi na rin dahil sa mabilis at malakas na tibok ng puso ko. Nandoon na muli ko na namang naramdamang malunod sa tinging ipinupukol niya sa akin.

"Hoy, ano. Magtititigan na lang kayo riyan?" basag ni Althea sa katahimikan. Para naman kaming natauhan at bumaha muna nang tawanan sa loob ng sasakyan bago pinaandar ni Steve ang sasakyan.

"Oh giliw ko! Miss na miss kita!" biglang kanta ni Jhela.

Siniko naman ito ni Julie. No wonder, nairita na naman ang babaeng 'to.

"Ano ba, ang kj naman nito!" palag naman ni Jhela. Ambang kakanta na naman siya nang biglang takpan ni Julie ang bibig niya.

"Maawa ka sa mga kasama mo!"

"Grabe ka! Bakit ba pakiramdam ko ang malas-malas ko na ikaw 'yung kapatid ni Jules!"

"Lugi ka pa?" ani Julie at nakataas pa ang kilay.

"Sa'yo, oo. Kay Jules naman wagi."

Ambang kakaltukan na ni Julie si Jhela nang magsalita naman si Jules.

"Julie Ann, subukan mong kaltukan si Jhela. Ihahagis kita sa labas," nakakatakot ang tonong sabi ni Jules, dahilan para matigilan si Julie. Kilala kasi niya ang kakambal, kung matigas na ang impresyon sa kaniya ng mga tao sa paligid niya pero 'pag ganitong tono na ang pinapairal ng kakambal ay tumitiklop na siya.

Napahigikgik naman si Jhela sa ginawa ng kasintahan niya. Ambang kakanta ulit siya pero si Jules na mismo ang nag-extend ng kamay nito at tinakpan ang bibig niya.

"Hays! Kambal talaga kayo. Napaka-supportive ninyo sa talent ko!" pagmamaktol ni Jhela at napanguso na lang.

Bumaha nang tawanan sa loob ng sasakyan lalo na at parang mga bata kung mag-asaran 'yung tatlo. Hindi ko tuloy maiwasang magdrama na naman. Ito kasi 'yung sobrang na-miss ko sa kanila, 'yung masaya lang. At handang basagin ang trip ng isa basta maging totoo lang.

Mayamaya ay napagawing muli ang tingin ko kay Steve na kanina ko pang nahuhuli na napapatingin sa gawi ko. Minimal man ang mga pagpapalitan namin ng salita ay hindi ko pa rin maiwasang ma-overwhelm.

Kung sana lamang ay sobrang vocal siya katulad ni Keighla. Minsan nga magpapaturo ako sa bruhang iyon.

Oh giliw ko, miss na miss kita! Napakanta na lamang ako sa isip ko at pasimpleng kinikilig sa tuwing ngingitian ako ni Steve.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon