Chapter 23

75 16 0
                                    


"Look who's coming. May gusto ba kayong aminin sa amin ha?" pang-aasar ni Althea ng makalapit na kami sa pwesto nila. They reserved a seat na kasi for our group.

"Excuse me, baka ikaw ang may gustong aminin. Hindi ba sabi mo aayain mo si Steve? Anong nangyari?" sabi ko at umupo na sa isang bakanteng upuan.

"Naniwala ka talaga na aayain ko siya? Of course, I didn't. I just encourage him. You know," aniya at tumawa na akala mo nanalo sa lotto.

"Tse. Nasaan ang partner mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Nandoon oh," ani Althea at itinuro ang isang lalaki na nakatalikod. Halatang masayang nakikipagkwentuhan sa ibang estudyante ang lalaking ka-partner ng kaibigan ko. Hindi naman nakalagpas sa akin ang pagtapik nito sa balikat ng isang estudyanteng lalaki.

"By the way, where is Jhela?" tanong ko ng mapansing wala ito sa table namin. Naabutan lang namin silang tatlo pero si Jhela, wala.

"Edi, ayon. Nasa kanila pa din," sagot naman ni Julie na iniisa isa ata ang pagkain ng fruit cocktail na kinakain nito.

"Anong oras na, ah? Bakit 'di pa siya pumunta dito?" tanong ko.

"Sus, itanong mo diyan kay Jules. Kanina pa namin sinabing sunduin eh," sagot naman ni Althea.

"Paano? LQ na naman sila," singit naman ni Julie dahilan para mas lalong malukot ang mukha ni Jules.

"Pare, kayo na?" may pang-aasar naman sa tonong tanong ni Steve.

"Walang kami, Steve. Baka kayo," ganting asar naman ni Jules at bumaling sa akin.

"Thea, do you want this?" matikas na tanong naman ng isang lalaking hindi ko kilala. Kakalapit lang nito at may dala itong pinggan na may lamang pagkain. More of desserts to be exact. Pasimple itong tumingin kay Jules at Steve. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nitong paglunok.

"Couz Nico, can you please stop that crap? Hindi bagay na magpaka-straight ka. Nakaka-alam mo yun? Kadiri!" maarteng sabi naman ni Althea at umirap dito.

Got it! He's gay. Haha!

"Oh, bakit ngumingiti ka diyan?" mataray na baling naman sa akin ng pinsan ni Althea. Feeling close din eh.

"Na-confirmed lang ang naisip ko. You're a gay, akala ko katulad mo ang taste nitong kaibigan ko eh."

He rolled his eyes. Really? A handsome one could really gave me that look and gesture? Guy nowadays! Hindi ko na alam kung sino na ba ang straight sa hindi.

"Well, correction! Hindi ako ang tipo ng pinsan ko. Wiz siya na-inlove sa isang diwatang katulad ko. May taste ang pinsan ko ah!" maarteng sabi naman nito. The way he talks? He's undeniably gay. "Nabingwit niya nga ang ultimate crush kong si J -"

Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil pinigilan ito ni Althea.

"Couz, can you please stop? And don't dare mention the name of that jerk!" may iritang sambit naman ni Althea at walang anu-ano ay isinubo ang cake na kasama sa dalang desserts ng pinsan niya.

Nanahimik naman si Nico sa sinabi ni Althea at hindi na nag-attempt pang magsalita.

"Do you want cake?" bulong sa akin ni Steve. Muntik ko ng makalimutang nasa tabi ko lang pala siya. Bigla akong naestatwa sa mainit na hininga niyang hanggang ngayon ay damang dama ng balat ko. Kinikilabutan ako at unti unting nabibingi na naman ako at walang ibang marinig kundi ang mga nag-uunahang daga at kabayo sa puso ko.

"Ali?" tawag ulit niya sa akin. Nilingon ko siya at bigla siyang natawa sa akin. What the? Anong ginawa ko? Bakit bigla siyang tatawa? Anong nakakatawa? Mayamaya ay tumayo na siya at gumawi na sa buffet.

"Grabe, ang gwapo naman ng boylet mo sis," kausap sa akin ni Nico na sinusundan naman ng tingin ang papalayong si Steve. Namula naman ako sa sinabi nito.

"Couz, can you please stop giving him that kind of look?" naiiritang sabi na naman ni Althea sa pinsan niya. "Bakit kasi ikaw pa ang pinasama sa akin ni Mommy eh? Ang kire kire mo!" pagmamaktol pa ni Althea at sumubo ulit ng cake.

"Pasalamat ka nga diyan, I still manage to wear this," maarteng sabi ni Nico at tinignan ang suot nitong coat and tie. "This horrible costume!" nakataas ang kilay na dagdag nito.

"Excuse me? That's not a costume!" pagtatama ni Althea sa pinsan.

Wala akong ibang ginawa kundi magpalipat lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa habang nagtatalo. Para silang aso at pusa kung magbatuhan ng mga salita. Mabuti nalang at hindi nakikialam si Julie. Knowing her attitude.

Sabay sabay kaming napalingon matapos magbounce ng mga plato, kubyertos at baso na nasa table namin. Paano? Speaking of Julie, mukhang tinamaan na siya ng pagkakarindi.

"Can you please, stop arguing about nonsense things! You're making me annoyed!" nanggigil na sabi ni Julie. "And you!" sabi pa niya at dinuro si Nico na halatang nagulat sa inasal niya. Napalunok pa ito. "Tigil tigilan mo iyang kabaklaan mo! Ang gwapo mong tao, sinasayang mo lahi mo!" aniya pa sabay walk out. Teka, ano bang nangyayari sa mundo?

Sumunod namang umalis si Jules at sinabing susunduin niya na si Jhela. Kaming tatlo nalang ang naiwan at nagkatinginan kami. Para kaming mga baliw ng sabay sabay kaming tumawa.

"Oh, enjoy the night ha? Come on," sabi ko sa pagitan ng pagtawa.

"Okay, back to the first question. Baka may gusto kayong aminin ni Steve?" ani Althea.

Para naman akong naestatwa ng makitang papalapit na ang taong tinutukoy niya. Nandito na naman ang kakaibang kaba na nararamdaman ko these past few days.

"Here, tara kain na tayo!" masiglang sabi ni Steve habang nilalagyan ng juice ang baso ko.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon