Chapter 54

45 10 0
                                    

Inakay ako ni Steve papasok ng apartment. Patuloy akong naliliyo sa sensasyong dulot ng paglalapat ng mga palad naming dalawa. Pakiramdam ko nga mahihirapan akong makaahon kasi lunod na lunod na talaga ako.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi ko inasahan ang madadatnan ko. Masayang mukha nina Mommy at Daddy ang sumalubong sa akin. Nandoon din si Ate Jasmin na lalong gumanda, para siyang buhay na diyosa na itinakwil na sa kanilang kaharian dahil sa sobrang kagandahan. Lahat sila, masaya ang mga itsura habang nakamasid sa aming dalawa ni Steve.

Inalis naman ni Steve 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko at lumapit sa mga magulang ko. Mas lalo ko siyang hinangaan nang mapagkumbaba niyang inabot ang kamay nila Mommy at Daddy para magmano. Mayamaya pa'y lumapit siya sa isang magandang ginang na malaki ang pagkakahawig sa kaniya. Batid kong ito ang unang beses na nakita ko siya, pero parang ang gaan na kaagad ng loob ko. Steve kissed her forehead and took her hand to make mano.

Matapos ang pagpapakita ng respeto ni Steve sa mga ito ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at inakay ako palapit doon sa ginang na kahawig niya.

"Mom, I'd like you to meet Alisha. Siya 'yung palagi ko sa inyong kinukwento kapag magkakausap tayo," pakilala sa akin ni Steve. Ngayon alam ko na kung bakit may resemblance sila, siya pala ang nanay ni Steve.

Bumitaw muna ako sa pagkakahawak ni Steve at yumukod sa tapat ng nanay niya bago nagmano rito. Sa halip na bitawan niya ang kamay ko ay hinatak niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako.

"Finally, na-meet ka na rin namin. Ang tagal ka na naming gustong makita. Naiinggit na nga lang kami kay Jasmin kapag kinukwento niyang siya ang nakasama n'yo ni Steve noong prom ninyo," kwento sa akin ng Mommy ni Steve habang yakap pa rin ako. Kinagat ko 'yung labi ko para pigilan 'yung nakalulunod na emosyong nagbabadya na naman.

Hay, alam ko namang hindi ako perpektong tao pero bakit parang sobra-sobra naman itong mga blessings na natatanggap ko ngayon?

Matapos akong yakapin ni Tita Alex ay nilapitan ko naman ang parents ko para magmano sa kanila.

"Sus, akala ko nakalimutan mo na kami," sabi ni Mommy na akala mo naman talagang nagtatampo.

"Pwede ba naman 'yun? Saka 'my, huwag mo tangkaing magtampo kasi ako po dapat ang makaramdam niyan," sabi ko at parang batang lumabi sa kanilang dalawa ni Daddy. Wala akong pakialam kung magmukha pa akong immature.

"Sorry na, baby. Ayaw lang naman talaga naming pangunahan si Steve saka nandito naman kami 'di ba? Hindi naman kami nawala sa celebration," paliwanag naman niya sa akin. Syempre nagbibiro lang naman talaga ako sa pagtatampo ko kuno. Sa totoo lang, natutuwa nga ako kasi mas lalo kong naramdaman 'yung suporta nila at malinaw na malinaw sa aking approve sila kay Steve.

Bakit nga ba hindi? Mas may alam pa nga yata sila sa mga mangyayari kesa sa akin. Sabagay, kailan nga ba matatawag na surprise 'yung isang bagay kung alam naman ng taong susurpresahin mo 'di ba?

Hindi rin naman nagtagal at magkakasama na rin kami ngayong nasa kitchen at kaniya-kaniyang pwesto na. Pamilyar naman sa akin 'yung ibang pagkain na nasa hapagkainan, hindi ako pwedeng magkamali. Ito kasi 'yung mga pinamili ko kanina. Isa-isa ko tuloy silang tinignan at iisang reaksiyon lang ang ibinigay nila sa akin. As if they were saying sorry for what they did earlier.

Pero infairness ha, hindi man lang ako nagkaroon talaga ng hint na may ganito pa lang plano. Akala ko talaga kanina pinapahirapan na nila ako kasi nga alam nilang halos lahat gagawin ko para makabawi sa kanila, but in the end, it turns out that they are doing it for my own happiness.

Ang dami ko na talagang utang sa kanila at saka ko na lang siguro iisipin kung paano ako makakabayad. Sa ngayon, i-e-enjoy ko muna 'yung moment. Marami pa namang time para magtuos kaming lahat.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now