Chapter 22

69 14 0
                                    

Alas nueve ng umaga na ako nagising kanina. Napahaba ang tulog ko. Inaasar nga ako ng parents ko kanina. Nilubos ko naman daw ang beauty rest. Hindi lang nila alam, alas tres na ako nakatulog. Ang dami dami kasing tumatakbo sa isip ko. Dagdag pang hindi ako makapaniwalang sa halos huling oras na natitira, nagkaroon na din ako ng partner. Mabuti nalang talaga at wala kaming pasok. Para naman daw makapaghanda kami ng bongga sa event na ito.

"Ali, make it fast! Nandito na 'yung escort mo!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Mag a-alas singko palang naman ng hapon. Ang aga naman atang dumating ng sundo ko.

"Okay po! Coming!" ganting sigaw ko. Bago tuluyang lumabas ay pinasadahan ko pa ng tingin ang itsura ko sa salamin. Mabuti nalang talaga at nakuha ng baklang parlorista kanina ang make up na gusto ko.

Isang magandang ngiti muna ang ibinigay ko sa replika ko sa salamin bago tuluyang lumabas.

Pababa na ako sa sala ng bigla akong matigilan. Napako lang ang tingin ko sa iisang tao. Bakit ganoon? Bakit parang hindi siya ang taong matagal na matagal ko ng nakilala? Bakit parang ngayon ko lang na-appreciate ang kagwapuhang taglay niya?

Ngumiti siya sa akin ng mapansin niyang papalapit na ako sa gawi nila ni Mommy. Napalunok nalang ako at nagbigay din sa kaniya ng isang ngiting hindi ko alam kung kababakasan ba ng kung anong emosyon. Basta ang alam ko lang, hindi normal ang inaakto ng sistema ko ngayon.

"U-uy, kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Sinisikap kong umakto ng normal kahit pa parang kanina pa ako gustong ipagkanulo ng tuhod ko dahil sa panlalambot. Sabayan pa ng nakakabinging tambol ng puso ko.

"Wow! Ali, ikaw ba talaga iyan?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay iyan ang sinabi niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. Oo, alam kong maganda ako ngayon pero sana naman huwag niya akong tignan ng ganiyan. Naiilang ako sobra.

"Oo naman!" aniko at tumawa ng malakas.

"Ano ba yan Ali. Kaganda ng ayos mo, kung tumawa ka naman diyan para kang bruha. Umalis na nga kayo niyang kasama mo. Baka ma-late pa kayo," singit naman ni Mommy. Natawa naman siya sa sinabi ng aking ina. Nakitawa na din ako para happy. Chos.

Maya-maya ay nagpaalam na din kami kay Mommy at umalis na. Paglabas ng bahay ay may nakita akong isang puting sasakyan. Napalingon ako sa kaniya at tinanong kung kaninong sasakyan iyon.

"Sa pinsan ko 'yan. Alam mo na, wala naman akong sasakyan. Nandiyan siya sa loob as our driver. Wala kasi akong lisensiya," paliwanag niya dahilan para kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"A-akala ko ba wala ka ng kamag-anak na nakatira dito sa Pilipinas?"

"Wala nga. Bakit, bawal bang umuwi? Taga dito pa din naman sila ah!"

"Okay, sabi ko nga."

Nauna na akong sumakay sa sasakyan at bumalik naman siya sa loob ng bahay. May nakalimutan daw siya. Doon ako pumuwesto sa bandang likuran. Alangan naman kasing tabihan ko pa ang pinsan niya. Di pa kami close. Magiging close palang. Keme!

Umayos na ako sa pagkakaupo at pasimpleng tumingin sa driver's seat. Babae pala ang pinsan niya. Maganda siya, bagay sa kaniya ang ayos ng buhok niya. Messy look kung baga pero nakadagdag sa magagandang mata niya, matangos na ilong, maliit na mukha at manipis na labi. Napansin ko namang tumingin siya sa akin mula sa salaming nasa harapan kung saan ko siya tinitignan. Ngumiti siya at sa gulat ko ay napayuko ako.
Narinig ko ang tawa niya na parang natutuwa sa naging reaction ko.

"So, you are Alisha. I am glad that we finally met! Ang tagal tagal na kitang gustong makita," kausap sa akin ng babaeng driver namin. Or rather, may ari ng sasakyan. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"H-ha? Matagal na po? Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong ko.

"Ah stop that, huwag mo na akong i-Po. Kaunti lang naman ang agwat ng edad ko sa'yo."

Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan sa kabilang side ng pwesto ko. Pumasok doon ang lalaking partner ko ngayon. Nawala na ang atensiyon ko sa pinsan niya na kasalukuyan ng nakangiti ng pagkatamis tamis.

Natuon na ang pansin ko sa katabi ko. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang coat and tie. Ang linis linis niyang tignan. Malayong malayo sa imahe niyang parang rugged at cool. Halata din ang pagiging maiksi ng buhok niya, clean cut kung baga. His eyes, his nose, his cheeks, his lips, parang naging isang napakagandang puzzle na pinagtagpo tagpo at match na match sa isa't-isa. I can say that he's undeniably handsome now.

"Are you done scanning me?" aniya at bigla akong namula.

Shems! Halata bang tinitignan ko siya? Kahiya!

"A-ah. Naninibago lang ako sa'yo," kinakabahang sabi ko.

"You too. You look more gorgeous now than before," puri niya sa akin.

More? Ibig sabihin?

Napailing nalang ako sa naisip. Instead, I grinned and slapped his shoulder.

"Thank you, ah."

"Welcome."

Wala pang twenty minutes ay nakarating na kami sa school. Inalalayan niya pa ako sa pagbaba. Feeling ko tuloy isa akong prinsesa.

"Steve and Ali, text niyo nalang ako kapag susunduin ko na kayo ha? Enjoy the night!" nakangiting bilin ni Ate Jasmine.

"Okay po!" masiglang tugon ko.

Bago tuluyang pumunta sa venue ng prom ay inalok pa muna ni Steve ang braso niya. Ikinawit ko nga doon ang kamay ko at sabay na kaming gumawi sa gym na siyang napiling venue for tonight.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now