Chapter 14

96 19 1
                                    

Kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone ko. Tinatadtad na ako ng text ng mga kaibigan ko. Paano? May usapan kaming manood ng sine ngayon. At guess what? Kumpleto kami.

Since that day, totoong bumawi na si Steve sa amin. Actually nagulat nga ako noong isang beses na kinwento niya sa akin ang nangyari bago ko siya nakitang bumalik noon sa likod ng school kung saan nabasa kami na parang sisiw.

"Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa iyo ang dahilan kaso kasi ayaw ko namang mapaisip ka kung bakit?" panimula ni Steve. Nandito kami ngayon sa wood bench malapit sa field area. Sinabihan niya akong mag-usap muna kami habang lunch break pa.

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong ko. Nagtataka ako sa tono ng pananalita niya.

"About what happened last time, noong para tayong basang sisiw," paalala niya. "Feeling ko kasi nagtataka ka noon kung paano ko nalamang nandoon ka pa and at the same time, kung bakit binilhan kita ng damit?" dugtong pa niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. Sapagka't tugmang tugma iyon sa mga isiping ilang araw na din akong binubulabog. Sa wakas, eto na yung araw na iyon.

"Kasi, naisip ko na sobrang tigas ng ulo mo at hindi mo ako susundin. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto doon para subaybayan ka pero para ka namang naging estatwa doon sa kinauupuan mo. Tapos nagkataon pang umulan kaya kumaripas agad ako ng takbo at ayon nga, nang makabalik sa classroom ay nagpaalam ako sa teacher natin na lalabas para bilhan ka ng damit. Nagdahilan akong nagsuka ka kaya pinayagan naman ako," patuloy niya sa pagkwento.

"Bakit mo ba ginawa iyon?" tanong ko.

"Hindi ko din alam. Basta ang alam ko, nag-alala ako sa'yo," napakibit balikat na tugon niya. Hindi ko din alam kung anong dapat kong maramdaman. Kasi sa muling pagkakataon, nakita ko ang vocal na side ni Steve na minsan lang niyang ibigay sa ibang tao.

Napangiti ako ng maalala ang tagpong iyon.

Sa tutuusin, mas lalo kaming naging masaya nang lagi na namin siyang nakakasabay kapag breaktime, nakaka-kwentuhan at kapag may group activity, kami lagi ang magkaka-grupo. Halos isang buwan na din kaming back to normal at mas naging solid ang friendship namin. Hindi na din namin inungkat ang tungkol sa pagkakatawag sa kaniya sa guidance. Mahirap na, baka mamaya hindi na naman siya sumama sa amin.

🎶Lunes ng tayo'y magkakilala. Martes ng tayo'y muling magkita. 🎶

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig na ringtone mula sa cellphone ko. Kailan pa naging Isang Linggong Pag-ibig ang ringtone ko? Saka wala naman ang kantang ito sa playlist ko. Inis na sinagot ko ang tawag. Malakas na tawa ang ibinungad ng tumawag sa akin. Hindi pa man din ako nakakapagsalita, inunahan na ko ng pang-asar niyang tawa.

"Tingin dito sa kaliwa! Nandito kami!" ani Steve sa kabilang linya. Lumingon nga ako sa bandang kaliwa. Kakababa ko lang ng MRT sa North Ave. Station. Nandoon nga silang lima. Kitang kita nila ang reaksiyon ko nang marinig ko ang ringtone. Malalaki ang hakbang na sumugod ako sa kanila, or rather sa kausap ko sa kabilang linya.

"Hoy! Ikaw nagpalit ng ringtone ko ano? Ako na naman trip mo! Umayos ayos ka Steve Gutierrez, ka-apelido mo lang si Richard pero di kayo magkamukha! Hindi mo ikaka-gwapo ang pagpapalit ng ringtone ko!" sunod sunod na sabi ko kay Steve pagkalapit dito. Natatawang tingin lang ang ibinigay niya sa akin pati na ng iba naming kasama. Feeling ko tuloy pinagkakaisahan nila ako, porket late ako.

Naglakad na nga kami at pumunta na sa SM North Edsa. Dumayo pa kami dito sa Quezon City, para naman daw maiba 'yung venue namin. Sawang sawa na daw kasi sila sa sinehan sa mall malapit sa amin.

Halos walang nagsasalita sa amin noong nagsimula na ang palabas. Maririnig lang namin ang boses ng isa't-isa kapag tawang tawa na kami sa mga banat ni Vice Ganda. First movie kasi ng komedyanteng umi-ere ngayon sa It's Showtime kaya na-curious kami. Lalo pa at patok sa amin ang mga joke ni Vice.

Lahat halos kami na nasa loob ng sinehan ay hindi mawala ang ngiti sa labi ng lumabas sa Cinema 1 - kung saan ito ipinalabas. Naglakad lakad naman kaming magkakaibigan.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Althea na halatang halata na sa itsura ang gutom. Paano, hindi na maipinta ang mukha. Dagdag pang bumabagal na ang lakad nito at nakalingkis pa sa braso ko. Napakibit balikat lang ako. Sinusundan lang namin ang mga kasama namin kung saan pupunta.

"Mag-Jollibee nalang kaya tayo?" suhestiyon naman ni Althea. Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Noong nakaraang araw pa kasi ako kaing kain ng Yum Burger.

"Guys!" tawag ko sa kanila. Nakaagaw ata ng pansin ang pagtawag ko sa kanila. May napalingon kasing tao sa amin. Nagmamadaling lumapit naman ako sa kanila habang hatak hatak si Althea.

"Anong nangyayari sa iyo? Bakit sumisigaw ka diyan?" nakakunot noong tanong ni Jhela ng makalapit kami.

"Ehh. Mamaya na tayo pumunta diyan. Nagugutom na kami eh! Mag-Jollibee tayo, please?" nakangusong suhestiyon ko.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Nakalagpas na tayo sa Jollibee eh! Nasa baba pa yun," protesta naman ni Julie. Paano? Nandito na kami ngayon malapit sa exit ng Sky Garden kung saan napakadaming nakatambay sa labas.

"Sorry na kasi. Please?" pakiusap naman ni Althea. Naiiling naman si Julie. Sa huli ay wala din silang nagawa. Pumihit na kami pabalik at pumunta na sa naturang fast food.

--

A/N: May pabor lang po ako. After kong i-post ang susunod na chapter, can you please help me decide who should be the partner of our very own Alisha? I am really having a hard time to choose between Steve and Kevin po eh. As time passed by po kasi, nagiging bet ko ang dalawa sa ating bida pero parang di naman akma kung dalawa sila di ba? Sabi nga, ang ganitong ugnayan ay para sa dalawa lang. Kung baga sa bike, di matatawag na bike kung may third wheel! Hahaha. Ehh. Sige napahaba na po! Salamat in advance. Happy readings! 😊

Date: Feb. 20, 2017
Time: 2:41am

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon