Chapter 25

76 11 0
                                    

Minabuti ko nalang na sumama kay Nico sa gitna at sumayaw. Sakto naman kasing nakabalik na sila Jhela at Jules kaya hindi na din ako nag-alalang maiwan si Julie ng mag-isa. Mas mabuti na rin ito, nang matahimik naman ang pwesto namin. Kanina pa kasi nagbabangayan ang dalawa, eh. And knowing Julie? Hindi malabong makatanggap na naman ng mag-asawang sampal si Nico.

"You know what girl? Never kong pinangarap na may makasayaw na babae ah? Huwag mong iisipin na type kita. I'm just bored lang talaga and kind a irritated doon sa friend niyong pinaglihi ata sa sama ng loob," kausap sa akin ni Nico habang naglalakad papunta sa gitna. Natawa naman ako sa sinabi niya. Akala mo naman nanghingi ako ng opiniyon sa kaniya kung makapag-salita.

"Ang defensive mo, ah. Alam ko namang kaya mo lang ako inaya dito kasi aawra ka," biro ko sa kaniya. Nagpapaka-feeling close na rin ako sa kaniya since ayaw ko namang maramdaman niya na hindi siya belong sa grupo.

"Alam mo girl, witty ka. Sabi na nga ba, eh. Tama lang na ikaw ang inaya ko. Feeling ko magkakasundo tayiz!" kumikislap ang mga matang tumingin siya sa akin. Nagpipigil naman ako ng tawa sa itsura niya. Paano, halatang pigil na pigil niya ang pagpilantik ng kamay at pagkembot. Sa totoo lang kasi, hindi talaga halatang bakla siya sa itsura niya. Unless, you heard him talk. May mga babae pa ngang halos nag-360 degrees ang mga ulo kakasunod lang ng tingin sa kaniya. Feeling ko tuloy, inggit na inggit sila kasi may isang gwapong nilalang akong makakasayaw ngayon.

"Tingin ko rin. Saka huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, ha?" may pa-suspense na bulong ko sa kaniya.

Kita namang na-curious siya sa sinabi ko kaya inilapit niya ang mukha niya sa akin, "what do you mean?" kunot-noong tanong niya.

"Ikaw ang first dance ko," sabi ko sabay tawa. Natawa na rin siya sa sinabi ko at kung anu-ano nang lumabas sa bibig niya.

"Ang funny ng experience mo, girl! Magkakaroon ka na nga lang ng first dance, sa diyosa pa? For sure, hindi ka makakatulog mamaya. Kasi mapapaisip ka kung paano mo maa-adapt ang irresistable beauty ko! Oh, ha? Wapaks! Hindi mo kaya, girl!" aniya at muling napatawa. Ang arte arte niya talagang magsalita.

"Pero alam mo sayang ka. Gwapo ka, eh. Bagay rin kayo ni Julie."

"W-what?!" malakas na pagkakasabi niya at agad siyang lumayo sa akin. "Don't you dare tell that again! That was the biggest joke I have ever heard in my gorgeous and wonderful beautiful life! That would never happen, got it? That was impossible and a big no no for that! You're imagining too much! Gosh?!" naiinis na sabi ni Nico. Hindi yata siya aware na napalakas ang boses niya kaya rinig na halos ng lahat ang boses niyang malambot pa ata sa tinurbong baboy. Dinaig pa niya 'yong pata na sinalang sa pressure cooker kaya napakalambot.

Hindi tuloy nakaligtas sa pandinig namin ang bulungan.

"OMG! Friend. He's gay! Sayang, ang pogi pa naman!"

"Sabi na nga ba, eh. I smell something fishy kanina pa. Paminta pala siya!"

"For sure hiyang hiya ngayon ang ka-date niya sa kahihiyan. Bakla ba naman ang partner niya. I already pity her. Poor girl!"

"Pero grabe! Kahit lahing amazona siya, ang guwapo guwapo niya pa rin! Baka may chance pang maging straight siya! Willing akong magkaroon ng himala!"

"You guys! Shut up, pwede? Ang dami niyong satsat. Ano ngayon kung bakla siya? Ikakaunlad ba 'yon ng katawang lupa ninyo? Makapanlait kayo at maka-react diyan, akala ninyo kinaganda ninyo. For your information! Normal na ang gwapong bakla sa panahon ngayon. Makapagsalita kayo riyan, para kayong pinanganak sa panahon ni Kopong-kopong! Magsitigil kayo kung ayaw ninyong makatikim ng isang malupit na upper cut!" napangiwi naman ako nang marinig ko ang boses na iyon. Nagkatinginan kami ni Nico at parehong hindi maipinta ang mukha namin. Of all people? Talagang si Julie pa ang nagtanggol kay Nico. And knowing her? Siguradong handa na siyang tumiris ng tao, anumang oras. Kapag temper pa naman niya, iba na ang nagiging usapan. Kaya nga maraming nangingilag sa kaibigan naming iyon eh. Hindi lang kasi siya brutal magsalita. Mini-mean din niya ang mga sinasabi niya kaya hindi malabo ang sinabi niyang upper cut.

Bago pa tuluyang maubos ang pasensiya ni Julie, agad ko ng niyaya si Nico na lapitan ito. Halata ang pagdadalwang isip ni Nico pero wala rin siyang nagawa kaya sumunod din siya sa akin.

"Hoy, Julie. Chill lang. Hindi pa nagsisimula ang world war 3 pero 'yang temper mo parang pang-end of the world na," agad kong kausap kay Julie pagkalapit sa kaniya. Nag-eexpect ako na kahit paano ay kumalma na siya. Pero mali ang inisip ko. Sa halip na kumalma ay sinamaan niya lang ako ng tingin at bumaling na rin kalaunan sa kasama ko.

"Ikaw na bakla ka! Dayo ka na nga lang rito, gumagawa ka pa ng eksena!" ani Julie at piningot si Nico. Nanlalaki naman ang mga mata ko sa nasasaksihan, kita ko rin ang paglipat ng kamay niya sa buhok ni Nico. Napaka-sadista talaga ng isang ito kahit kailan!

"A-aray naman! T-teka nga! Bakit mo na ako sinasabunutan? Inaano ba kita?" palag naman ni Nico at pilit tinatanggal ang kamay ni Julie na nakahawak sa buhok niya.

"At talagang may gana ka pang magtanong ha? Rinig na rinig ko ang sinasabi mo kanina at alam kong ako ang pinatutukuyan mo! Anong akala mo? Palalagpasin ko nalang iyon? Letse ka talagang bakla ka, eh! Panggulo ka!" patuloy na sabi niya at sa sobrang inis ay binatukan, hinampas, at sinipa niya pa si Nico.

"Enough, young lady! Hindi ka na nakakatuwa ah!" napalakas na ang pagkakasabi ni Nico at patuloy na umiilag dito.

"Enough, your face! Ito tanggapin mo!" aniya at napapikit nalang ako nang unti unting napaluhod si Nico sa floor. Sapo sapo niya ang baba na tinamaan ng sipa ni Julie. "Sa susunod na insultuhin mo 'ko, hindi lang 'yan ang mapapala mo! Makaalis na nga!" sabi ni Julie pagkababa ng paa. Lumingon siya sa gawi ko at unconciously ay napahakbang ako paatras.

Grabe talaga! Hindi ko maapuhap ang boses ko! Hindi rin ako makakilos ng maayos ngayon sa kinatatayuan ko. Napagawi lang ang tingin ko kay Nico na ngayon ay halatang shock din sa mga nangyayari. Nang nilibot ko ang paligid, ganoon din ang reaksiyon ng halos lahat. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pag-iwas ng mga taong nadadaanan ni Julie. Para bang ilag na ilag at takot na takot sa kaibigan ko.

Sino ba namang hindi? Aware naman kasi talaga ang lahat na napakagaling na black belter ng isang iyon! At sigurado, pagkatapos ng gabing ito. Si Julie naman ang susunod sa yapak ni Steve sa Guidance Office.

At tama nga yata ang sinabi ni Nico kanina, hindi ko makakalimutan ang gabing ito. As in hinding hindi! At for sure, maging siya ay hindi rin makakalimutan ito.

"Alisha?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses na siyang ikinalingon ko. Bigla namang parang naglaho ang mga eksenang nasaksihan ko kanina. Parang nabaligtad ang mundo. Kung kanina, para akong nanonood ng isang action scene. Ngayon naman, para akong nasa isang fairytale at nasa harap ko ngayon ang isang prinsipe na siyang gumising sa nahihimbing kong puso.

"Gusto mo bang ihatid na kita? Hindi na maganda ang nangyayari ngayong gabi and Julie already screwed up everything. Tara, hatid na kita. Baka mamaya ma-stress ka lang kapag nag-stay pa tayo rito. Don't worry about Nico. For sure, ihahatid na iyon ng pinsan niya. Shall we?" nakangiti at may pag-aalalang sabi niya sa akin at inilahad ang palad niya. Tinitigan ko lang ito at hindi nagtagal ay tinanggap ko rin iyon. Para naman akong idinuyan sa isang napakataas na ulap nang maglapat ang palad namin. Parang may bolta-boltaheng kuryente ang naglandas sa blood vessels ko.

Sa halip na sumang-ayon sa sinabi niyang umuwi na kami. Nakangiting nasabi ko nalang na, "tara sayaw muna tayo."

Maybe This Time (✔)Место, где живут истории. Откройте их для себя