Chapter 8

120 30 0
                                    

Kinausap ulit ako ni Ms. Perez at kinamusta. Tinatanong ako kung may improvement na daw ba sa pinapagawa nito sa akin. Negative pa din ang naging sagot ko. Lalo pa ngayon na napapansin naming napapadalas na ang pag-absent ni Steve. Katulad ngayong araw, walang Steve na nakaupo sa tabi ko. Walang Steve na present ngayon sa mga kaklase ko.

Uwian na at first time kong hindi nakasabay si Althea palabas ng school. Nag-early out kasi ito kanina at umuwi na. Sabi nito ay may schedule daw ito sa DFA ngayon. Kukuha ng passport. Nabanggit sa akin minsan ni Althea na baka sa Canada na ito mag-aral ng college. Malungkot isiping hindi man lang magtatagal ang bonding namin together as a friend. Isipin pang nasa floating stage ang barkada namin. Hindi kasi kami makumple-kumpleto, lahat kami ay apektado pa din kay Steve.

Nagpatuloy na nga ako sa paglakad at tinungo ang sakayan ng jeep. Maya maya ay may nahagip ang paningin ko na isang napakapamilyar na lalaki. Naka-school uniform ito, uniform ng school namin to be exact. Ibig sabihin ay nag-cutting siya? Sinundan ko ito at tinawag.

"Steve!" sigaw ko dahilan para lumingon siya sa akin. Hindi nga ako nagkamali.

"Uy ano ba? Can you please stop walking?" patuloy ko sa pagsasalita habang sinusundan pa din siya. Daig ko pa ang tumatakbo sa ginagawa ko. Ang laki naman kasing humakbang ng mga paa ni Steve. Mas binilisan ko pa nga ang paghakbang. Di nagtagal ay naabutan ko din siya. Hinawakan ko ang likod ng polo niya dahilan para matigil siya sa paglakad. Pumihit siya paharap sa akin at tinapunan ako ng malisik na tingin.

"Until when would you chase me ha? Hindi ka ba napapagod?" kausap niya sa akin. Nakakatakot ang awrang ito ni Steve. Napakadilim ng mukha niya at kulang nalang ay huwag ng bumuka ang bibig niya habang nagsasalita.

"Hindi ako mapapagod, Steve. Kahit ipagtabuyan mo pa ako. Come on, Steve. I am your friend right? We're you're friend. Why not talk to us about that baggage? Maybe we can help!"

"Help? Maybe? Naririnig mo ba ang sarili mo? Yes we're friends. And because we're friends, I know that no one of you is capable to help me. Specially you! You can't even protect or defend yourself to your strict parents. Then now? You're offering a help? No thanks, I don't need it. Weak," matalim na pagkakasabi ni Steve. Nakatulala lang ako habang sinasabi niya iyan. Parang sinasaksak ang puso ko sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. Nasaan na ang Steve na nakilala ko? Na nakilala namin? Yung Steve na palaging may pakialam sa grupo? Yung Steve na positibo? Yung Steve na never in-underestimate or judge ang mga kahinaan ng bawat isa sa amin sa grupo? Nasaan na si Steve na kaibigan ko? Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. At nahuli ko nalang ang sarili kong sinampal ang kaliwang pisngi ni Steve.

"Yeah, you're not different from them. Parehas ka din nila. Wala kayong ibang alam kundi saktan ako. Thank you, Alisha." Pinunasan niya ang dugong nasa kaliwang labi niya. Napalakas ang pagkakasampal ko sa kaniya kaya pumutok ng bahagya ang labi niya. Binigyan niya ako ng mapait na ngiti at tumalikod na. Wala akong ibang nagawa kundi tignan siya palayo.

Steve? Bakit ganiyan ka na? Bakit imbes na magsorry ka nalang sa mga nasabi mo sa akin ay mas lalo mo pa akong binaba? Bakit ba dinadamay mo ako o kaming lahat sa problema mo? I don't know what's going on. I don't know how to understand you. I'm sorry, Steve. I'm sorry because I'm weak. Sorry. Sorry.

Patuloy lang na umagos ang luha mula sa mata ko. Unti unting naging malabo ang nakikita kong Steve. Dala ng naiipong luha sa mga mata ko at patuloy nitong paglalakad palayo habang nakapamulsa at nakayuko. In his gesture, ramdam kong napakabigat talaga ng dinadala niya.

Sorry talaga, Steve. Wala akong magawa para makabawas man lang kahit papaano sa dinadala mo.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now