Chapter 30

54 11 0
                                    

"Ano bang ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko kay Keighla. Kanina pa nagkakandahaba ang leeg niya na parang may hinahanap na kung ano. Para tuloy siyang giraffe sa ginagawa niya.

Sa halip na sagutin ako ay muli niyang tinignan ang sarili sa salaming hawak. Kanina pa siya maya't maya kung tumingin doon. "Ali, am I look pretty na ba?" baling niya sa akin at inayos ayos pa ang buhok.

Inirapan ko naman siya. Para kasing teenager kung umakto. Samantalang kaka-twenty lang niya last month.

"Hoy, ano? Maganda na ba ako?" tanong ulit niya sa akin.

Actually, maganda naman talaga si Keighla kahit hindi siya mag-make up. Effortless ang ganda niya at kahit pa yata guray guray ang damit na suot niya at puro grasa ang mukha, for sure maganda pa rin siya. Ganoon ako kabulag pagdating sa kaibigan ko. Lahat sa paningin ko, maganda. Charot!

Nabigla naman ako nang hatakin niya ako bigla. Bwisit talaga 'tong si Keighla eh! Pero kahit ganiyan siya, sobrang dami ko namang natututunan sa isang iyan. Loka-loka man siyang maituturing, may sense naman siyang kausap kapag kailangang kailangan ko. Kaya nga kahit sobrang sakit ng naging experience ko noon sa mga kaibigan ko, nagawa ko pa ring makipagkaibigan at magtiwala dahil sa babaeng iyan.

"Keighla! Alam mo para kang tanga. Kanina parang excited kang ewan kasi may kakatagpuin ka tapos ngayon naman nagtatago tayo rito sa likod ng puno. Nasisiraan ka na ba talaga?"

Itinapat niya ang daliri niya sa bibig ko, "shh. Quiet. Ang ingay mo, baka marinig nila tayo!"

Wala, nabaliw na talaga ang kaibigan ko.

"Tara na!" hinatak na naman ako ng siraulong ito at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang taong tingin ko ay ang kanina pa pakay ng bruhang humatak sa akin.

"Hi, Kevin!" pa-cute na sabi ni Keighla. Bruha talaga, hindi man lang ako hinayaang magreklamo o mag-walk out. Nagninja moves na kaagad ang bwisit na 'to.

Para namang naaliw si Kevin sa ginawa ni Keighla. "You know my name?" may amusement na tanong nito kay Keighla.

"Yep! Ali told me, yesterday!" malapad ang ngiting sagot naman ni Keighla. Napatampal nalang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga ang hilig manlalaglag ng isang 'to eh! Humanda talaga siya sa akin. Lalagyan ko ng isang kilong labuyo 'yong pagkain niya.

"Talaga ba?" naaaliw na tanong nito at makahulugang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang pagtaasan siya ng kilay. Oo, nasabi kong napatawad ko na siya pero bwisit! Nakakainis lang na hindi ko pa man din nasasabi, mukhang nasi-sense na agad nito ang gusto kong iparating rito.

"Yes! By the way, I'm Keighla." inilahad ng bruha ang kamay niya kay Kevin at walang pagdadal'wang isip na tinanggap naman iyon ng huli. Napailing nalang ako nang makita ang reaction ni Keighla. Para na naman kasing bulate na binuhusan ng gas kung magkikisay eh. "Oh my gosh! Hindi ko na-imagine na magiging ganito kabilis ang lahat sa atin! Akala ko talaga matatagalan pa bago ko mahawakan ang kamay mo, eh. Mabuti nalang talaga at magkakilala kayo nitong si Ali. Napakasaya ko talaga!" impit ang tiling sabi niya kay Kevin.

"Aray, Ali!" sinabunutan ko tuloy siya ng wala sa oras. Ang kirekire kasi talaga niya, kahit kailan!

"Bruha ka! Hindi ka na nagtino. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo ha? Pinagtitinginan ka na."

Luminga naman siya sa paligid at parang walang pakialam na pinagtitinginan na nga siya ng mga tao sa paligid namin.

"Sus, inggit lang sila! Huwag ka ngang kj, Alisha Marie Gan! Ang tagal kong hinantay ang moment na 'to eh!"

Aba't tignan mo 'to. Partida kahapon lang niya nakita si Kevin pero kung makapagsalita siya, parang isang daang taon na niyang hinantay ang oras na 'to.

"Nako, Kevin. Pasensya ka na kay Keighla ha? Kulang kasi 'yan sa buwan nang nilabas sa tiyan ng nanay niya eh. Kaya parang sintu-sinto. Pagpasensyahan mo nalang," baling ko naman kay Kevin. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkalukot ng mukha ni Keighla dahil sa sinabi ko.

"Excuse me! Kulang sa buwan ka riyan? Sobra nga 'ko sa 36 weeks eh! Biniyak pa nga tiyan ng nanay ko malabas lang ako kasi natae raw ako sa tiyan niya!"

Yak talaga 'tong babae na 'to eh! Minsan ang gross din ng pagiging honest niya. Mantakin bang pati pagtae niya sa tiyan ng nanay niya eh naikwento niya? Kaloka!

Nabaling naman ang tingin namin kay Kevin na ang lakas lakas na ngayon ng tawa. For sure, hindi nito nakayanan ang kagagahan ng kaibigan ko. Sino ba naman kasing hindi matatawa sa isang iyon eh? Ang gandang babae pero kabaligtaran naman sa mukha niya kung umakto. Akala mo kung sinong mahinhin sa unang tingin pero grabe talaga!

"See? Kevin already like me. Napatawa ko siya, Ali! Oh my gosh, heaven!" patuloy pa rin niyang pagpapantasya at nag-beautiful eyes pa. Sarap dukutin ng mata.

"May gagawin ba kayo ngayon?" tanong ni Kevin kalaunan.

"Wala naman, bakit?" ako naman ang sumagot dito. Baka kasi ano na namang lumabas sa bibig ng bruhilda kong kaibigan.

"Sama muna kaya kayo sa akin sa gym? May practice 'yong team. Manood muna kayo para may magawa kayo," aya ni Kevin sa amin. Tatanggi sana ako kasi kahit paano na-awkward-an pa rin ako pero dahil nga sa kasama ko ang kaibigan ko, ayon at walang kagatul-gatol na sinabing,

"Of course! Sasama kami! We'll be there to cheer you up! Promise! Ka-excite!"

Nagkatinginan nalang kami ni Kevin sa sinabi ni Keighla. At least this time, may isang bagay ulit kaming napagkasunduan. Ang maaliw sa kaibigan kong loka-loka!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon