Chapter 27

55 11 0
                                    

Galit na mukha ni Althea ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa classroom. Ang talim ng tingin nito at hindi ko maintindihan kung bakit? At dahil magkatabi lang ang upuan namin, wala akong ibang choice kundi harapin ang tingin nitong anytime ay parang kakainin ako ng buhay.

"Alisha, bakit nagsinungaling ka sa akin?" madiin ang salitang sabi niya sa akin. Six thirty palang ng umaga at isang oras pa bago magsimula ang first subject namin. Nagtatakang lumingon ako kay Steve na blangko lang ang expression ngayon. Naguguluhan ako sa inaakto nila, promise!

"Anong sinasabi mo?" kunot noong tanong ko kay Althea.

Napapalatak naman ito at tila nang-uuyam na tumawa, "my God, Alisha? Hanggang kailan ka magmamaang-maangan ha?" napalakas na ang boses niya at halata ang pagpipigil nitong saktan siya.

"T-teka! Hindi ko maintindihan, eh. Can you please be straight to the point? Anong aaminin ko sa iyo eh hindi ko nga malaman kung anong pinuputok ng butse mo!" napipikong sabi ko rito. Hindi ko naiwasang taasan na rin ang boses ko. Ang saya-saya ko pa naman kanina at excited pumasok sa school dahil makikita ko si Steve tapos ganito ang ibubungad nila? At ewan ko ba, ni hindi man lang ako magawang suportahan o ipagtanggol ni Steve. Talaga bang okay lang rito na ginaganito ako ni Althea ngayon? O baka masiyado lang talaga akong nag-assume no'ng JS namin kaya feeling ko, kahit paano ipagtatanggol niya ko?

"About Kevin! Ilang buwan ka na bang nagpapanggap na ako, ikaw? Akala ko ba, bakla 'yong taong tumubos sa akin noon sa jail booth? Bakit hindi mo sinabi sa akin ha? Dahil ba sa gwapo siya? Dahil ba sa mabait siya? At ano nga ulit iyong kinukwento mo sa akin last week? Masaya kang kasama siya at sobra kang nag-enjoy noong gumala kayo? O baka naman crush mo siya? Na-fall or what? In love? My gosh! Hindi ko pa malalaman na nagsinungaling ka kung hindi ko pa nakita ang facebook account niya at in-add ako? Nag-chat siya sa akin, Ali! Sinabi niyang nagpanggap kang ako, ikaw. And you know what? Para mo 'kong trinaydor lalo na nang malaman kong siya ang kakambal ni Jude!" tuloy-tuloy na sabi sa akin ni Althea. Oo, sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya at hindi ko maiwasang ma-guilty. Tama naman ang sinabi niyang nagsinungaling ako. Pero tama ba na sabihin niya ang mga assumptions niyang ni sa hinagap ay hindi ko naman talaga narararamdaman para kay Kevin? For Pete's sake! Mali bang samahan si Kevin gayong nakita ko kung gaano nito kailangan ng makakasama? Kahit naman nagsinungaling ako rito tungkol sa identity ko, kaibigan ko pa rin ang turing ko rito. At bilang kaibigan, ginagawa ko lang ang part ko since alam kong may parte sa buhay nito na sinisisi ang sarili sa pagkawala ng kapatid nito.

Tapos ano 'yong sinasabi na may facebook account ito at in-add nito si Althea? Ibig sabihin, alam na nitong nagsisinungaling ako? Kailan pa? Bakit kanina lang, kaka-text lang nito sa akin at tinawag pa akong Althea? Gosh! Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko. Parang gustong sumabog ng utak ko. Una, dahil sa biglang pang-aaway sa akin ni Althea na ngayon, naiintindihan ko na. Ang cold treatment sa akin ni Steve na hindi ko mabasa kung ano ng tumatakbo sa isip nito ngayon after hearing Althea's rant? And lastly, si Kevin. Bakit nagawa nitong magsinungaling sa akin? Pinapaikot lang ba niya ako? Gumaganti ba siya? Ito na ba ang tinatawag na karma?

Walang salita na tumayo ako at lumabas ng classroom. Sinarado ko ng malakas ang pintuan at wala akong pakialam kung makaagaw pansin pa ang malakas na ingay na pumailanlang dahil sa ginawa ko.

I hate it! Anong mukha nalang ang ihaharap ko sa kanila? Alam na rin ni Steve! My gosh! Baka i-judge niya ako dahil sa mga nalaman niya!

Nakita ko nalang ang sarili ko na papunta sa likurang bahagi ng school. Dito iyong lugar na pinagdalhan sa akin ni Steve at nabasa kami ng ulan. Dito iyong lugar na umiyak lang rin ako dahil sa pambabalewala ni Steve. Dito iyong lugar na nakita ko ang sobrang pag-aalala sa akin ni Steve. At ngayon? Gusto kong may isang Steve ulit na pumunta rito para damayan ako. Para palakasin ulit ang loob ko. Para patawanin ako. Iyong tipo na hahawakan ang kamay ko at gagaan ulit ang loob ko. Iyong tipo na yayakapin ako at sasabihing everything will be okay. Iyong tipo na guguluhin ang buhok ko tapos ngingitian ako na para bang iyon na ang pinakaperpektong ngiti na makikita ko.

Shit! Bakit ngayon ko lang na-realize na mahal ko siya? Sana noon pa. Noong hindi pa kumplikado ang lahat!

Naalala ko na naman ang itsura ni Steve kanina habang kinukompronta ako ni Althea. Hindi siya nagsasalita. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya at mas nasasaktan pa ako sa ginawa niya kanina kumpara sa mga sinabi ni Althea at sa mga nalaman ko.

Napagpasyahan kong umuwi nalang at huwag ng pumasok sa school. Nawalan na ako ng ganang bumalik sa classroom dahil ayokong makita sila Althea at Steve. Mas mahihirapan lang ako at hindi makakaakto ng normal since magkakatabi lang kami.

"Bakit umuwi ka? May nakalimutan ka ba?" bungad sa akin ni mommy nang pagbuksan ako ng pinto. Sa halip  na sagutin ang tanong nito ay umiling lang ako. This time, parang hindi ko magawang mag-open up sa kahit na sino. Siguro sasabihin ko nalang mamaya kay mommy na masama ang pakiramdam ko. Para kahit paano, maintindihan niya kung bakit ako umuwi.

From: Kevin
Alisha, can we talk?

Iyon ang text na bumungad sa akin nang mag-vibrate ang phone ko. Pero sa halip na reply-an siya, tinawagan ko siya.

Agad naman niyang sinagot ang tawag ko, "Alisha! Let me explain, okay?"

Wow, explain talaga? Ni hindi man lang nagawang mag-hello ng isang ito. Akala ko pa naman wala akong maipipintas sa kaniya dahil sa mga pinapakita niya sa akin pero mali pala ako.

"Explain? Kevin, alam mo ba kung anong ginawa mo, ha?" naiinis na sabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Okay, I know. It's my fault. In the first place, ako naman talaga ang nagsinungaling. Pero hindi mo ba naisip kung gaano kahirap sa akin na magpanggap na ibang tao? Tapos malalaman ko, alam mo na palang nagpapanggap ako pero hindi mo man lang sinabi sa akin? At sa ibang tao ko pa talaga nalaman ha? At doon pa sa taong inakala mong ako! Pinagti-tripan mo ba ako, ha? Gumaganti ka ba sa ginawa ko kaya nagawa mo 'yon?" nanggigil na sabi ko rito.

"H-hindi naman sa ganoon. Mali ka ng iniisip. Hayaan mo akong magpaliwanag, please."

"Tapos ano? Magsisinungaling ka rin? Baka pati 'yong friendship natin, joke lang rin 'yon? Baka pakulo mo lang rin? Gosh! I didn't know na ako ang magsasabi ng mga 'to sa'yo eh. Pero grabe, hindi ko matanggap! Didn't you know that everything was screwed up because of you? Althea get mad of me! I felt betrayed of what you did and now? The only person I like... The only person I love... Seems hated me! And it's all because of this crap. Sorry, Kevin. Alam ko na maling isisi sa'yo ang lahat pero hindi ko maiwasan eh. Now, before I end this call. Before we end this crap, tell me. Kailan mo pa nalaman, ha?" puno ng hinanakit na sabi ko.

"Noong nakita ko 'yong picture mo. Nakasulat sa likod no'n na that was your picture during your holloween party," pag-amin nito.

Napahawak naman ako sa sentido ko at hinilot ito.

Alisha Marie Gan's witch costume during their Halloween party

Ayon ang nakasulat sa likod ng picture ko. Bakit ba hindi ko naalalang may sinulat nga pala ako doon?

"T-then?" nahihirapan ng tanong ko rito.

"I created facebook account. Naghinala na ako noon at sobrang nagtaka. I searched for your account and na-confirm kong nagpapanggap ka nga. I even saw Althea's account then. At in-add ko siya. Pero nitong nakaraan niya lang ako in-accept. I'm really sorry, Alisha. I didn't mean to do it. Sasabihin ko naman talaga sa'yo kaso tuma-timing ako," paliwanag niya sa kabilang linya.

"P-pero huli na," tuluyan nang nabasag ang boses ko. Ang sakit lang. Ang sakit sakit tanggapin na sa huli, ako pa ang nagmukhang tanga. "S-sorry, Kevin. As much as I wanted to be friends with you, m-mas lalo lang akong nasasaktan. P-parang hindi ko kayang makipagkaibigan sa'yo dahil sa mga nalaman ko. And I'm sorry, also. Sana ito na ang huling beses na magkakausap tayo," and I ended the call without hearing his answer.

Binlock ko na ang number niya and I deactivated my facebook account. Ayaw kong magkaroon ng kahit na anong koneksiyon sa kaniya.

Nakatanggap naman ako ng text from Jhela, tinatanong niya ako kung bakit hindi raw ako pumasok ngayong araw? Even Jules and Julie, they called me asking the same question pero ang sinasabi ko lang sa kanila I was not feeling well.

Damn! Nakaka-letse naman talaga! Nagsisinungaling na naman ako at parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now