Chapter 13

95 22 1
                                    

To: Mom
Mi, mali-late po ako ng uwi ngayon. Samahan ko lang po ang friend ko dito sa ospital. Wala po kasi siyang kasamang parents eh. Sorry po, mi. Biglaan lang. Magri-ready nalang po ako sa sermon mo mamaya. Labyu po!

Message sent.

Pagkatapos magtext ay bumalik ang tingin ko kay Steve na kasalukuyang natutulog. Ang himbing ng tulog niya. Mabuti na nga lang at bumaba na ang lagnat niya. Sinugod na namin siya sa ospital. Panay kasi ang ubo niya at tumataas lalo ang lagnat niya kanina.

"Ali, sigurado kang okay lang na maiwan ka dito?" kausap sa akin ni Jhela. Kaming dalawa nalang kasi ang nandito ngayon at nagbabantay. Nauna na kasing umuwi ang kambal at si Althea.

Tumango ako kay Jhela at ngumiti. Nagpapaalam na kasi siyang uuwi. Tini-text na kasi siya ng parents niya.

"Sigurado ka ha? Basta mag-text ka lang kapag uuwi ka na, pipilitin kong bumalik mamaya," ani Jhela. Maya-maya lang ay umalis na nga siya.

Nakaupo lang ako sa upuang malapit sa hinihigaan ni Steve. Nararamdaman kong bumibigat na ang mga mata ko. Parang hinahatak ako at sinasabihang matulog na at magpahinga. Ilang sandali pa ay hindi ko na kinaya, nagdilim na nga ang paningin ko at tuluyan ng nakatulog.

Naalimpungatan ako ng marinig kong parang may bumagsak na kung ano. Kinakabahang napatayo ako at hinagilap ang bagay na bumagsak. Cellphone pala ni Steve ang nalaglag. Kinuha ko iyon. Di sadyang napindot ko ang lock key nito. Ini-slide to unlock ko ito at nagulat ako sa nakita. Ako yung nasa picture na yun ah! Nakaupo sa upuan, background ang puting pader. Nakapikit ako habang nakanganga.

Lapastangan ka, Steve!

Inilapag ko ang cellphone niya sa lamesa. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Niyugyog ko ang nakapikit na si Steve. Gumagalaw galaw ang mga mata niya.

"Hoy, wag kang magtulug-tulugan diyan! Trip mo ako ha?" malakas ang boses na sabi ko sa kaniya. Niyuyugyog ko pa din ang mga balikat niya.

Narinig ko namang humalakhak siya. Dumilat siya at tinignan ako na hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa magkabilaang balikat niya.

Gosh! Ang awkward ng position ko! Para ko tuloy siyang hahalikan! sigaw ng isip ko. Napatingin ako sa mukha niyang tuloy tuloy lang sa pagtawa. Napalunok ako ng magawi ang tingin ko sa lips niya.

"Sino ba kasi nagsabi sayong pakialaman mo ang cellphone ko?" aniya at kinuha ang cellphone niyang nasa lamesa. "Look, kulang nalang pasukan ng bangaw yung bunganga mo," aniya at humalakhak ulit. Hinarap niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko ulit ang picture ko.

"Burahin mo yan, Steve!" aniko at binitawan ang balikat niya. Napahilamos ako sa mukha ko at napu-frustrate na bumalik sa upuan ko.

"Ayoko nga," sagot niya.

"Isa," aniko at tinignan siya ng masama.

"Kahit umabot pa ng 1 trillion yang pagbibilang mo, di ko buburahin."

"Ang pangit ko diyan!" naiiritang sabi ko.

"Sino ba nagsabing maganda ka?"

"Nanay at tatay ko!" sagot ko sa kaniya. Ayan na naman ang malakas niyang tawa. Kainis.

"Uy, ang saya naman dito. Dapat pala kanina pa ako bumalik para di ako ma-OP eh," ani Althea na hindi namin namalayang nakabalik na pala. Ni hindi man lang namin narinig na bumukas ang pinto.

"Iyan kasing kaibigan mo eh. Ang lakas ng trip," parang bata na sumbong ko kay Althea.

"Ano ba kasi yan, Steve?" baling naman ni Althea kay Steve. Akmang ipapakita na ni Steve yung picture sa cellphone niya nang bigla ko siyang dambahan at inagaw sa kaniya ang cellphone niya. Dali dali kong binura yung picture at malapad ang ngiting ibinalik ko sa kaniya ang cellphone.

"Oh, ano? Manti-trip ka pa?" nakangising sabi ko kay Steve.

"Okay lang, nasave ko naman na sa facebook ko eh! Kahit burahin mo, may kopya pa din ako!" aniya at humalakhak ulit.

"STEVE!!!" malakas na sigaw ko at nagtitili. Litong lito naman si Althea sa aming dalawa ni Steve.

"Huwag kang mag-alala, Althea. Mamaya pag-uwi ni Alisha, ipapakita ko sayo."

Kumindat pa si Steve kay Althea.

"Hindi ako uuwi," madiing sabi ko. Naglalakihang tingin ang ibinigay nila sa akin. "Oh, ano? Bakit ganiyan kayo tumingin?"

"Di ka ba papagalitan ng parents mo?" ani Althea.

"Ke umuwi ako ngayon o hindi papagalitan naman nila ako. Lubusin ko na."

"Alisha," may bantang tawag sa akin ni Steve. Parang gusto niyang sabihin na kapag di ka umuwi, yari ka sa akin!

Inirapan ko lang si Steve.

"Umuwi ka. Huwag kang mag-alala, di ko ipapakita kay Althea."

"Ayoko."

"Isa!"

"Kahit magbilang ka pa ng 1 trillion. Di ako uuwi!"

"Sabing huwag ka ng makulit eh! Maniwala ka nalang sa sinabi ko, okay?" parang tatay na sabi ni Steve.

"Oo nga, Ali. Huwag ka mag-alala. Susumbong ko si Steve kapag pinakita niya. Saka di ko titignan. Promise," singit ni Althea na mukhang nakikiramdam lang sa tensiyong bumabalot sa usapan namin ni Steve.

"Hays. Oo nga pala, dito ka matutulog?" baling ko kay Althea. Umiling naman ito.

"Hindi ah. Uuwi din ako before 10pm. Aantayin ko lang bumalik yung kambal, sila talaga ang mag-oovernight dito. Kasama nila ang Mommy nila magbantay mamaya," sagot ni Althea.

"Okay. Sige, ayusin ko lang gamit ko. Uwi na din ako maya maya," aniko dahilan para tumango si Steve.

Mayamaya pa ay iniwan ko na din silang dalawa. Katakot takot na paalala pa ang sinabi sa akin ni Steve.

"Hoy! Mag-ingat ka pauwi ha? Tanga ka pa naman!"

"Hoy, magtext ka kapag nakauwi ka na ha?"

"Hoy! Dalhin mo yung payong! Baka mamaya umulan na naman!"

"Hoy! Kapag pinagalitan ka, huwag mong damdamin ha? Pasok sa isang tenga, labas sa kabila!"

"Hoy, Alisha! Thank you pala sa pagbabantay ha? Babawi ako pagkalabas ko sa ospital na ito!"

Hoy lang siya ng hoy everytime na aakma na akong lumabas ng pintuan. Mabuti nalang at natapos din siya sa kakasalita. Sumakay nalang ako ng taxi pagkalabas. Sinabi ko ang address namin at ilang sandali pa ay nakauwi na din ako.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now