Chapter 4

151 32 0
                                    

Matapos naming magkausap ni Ms. Perez ay bumalik na nga kami sa classroom. Pagkapasok sa room ay agad akong umupo sa aking upuan. Bago kumuha ng isang intermediate pad sa bag ko ay nilingon ko ang katabi kong si Steve na kasalukuyang nagsusulat ng essay. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang topic na nakasulat sa board para sa aming essay activity. Nagsimula na nga akong magsulat.

Pagkatapos ng dalawa naming subject ay isa isa ng naglalabasan ang mga kaklase ko palabas. Sa malamang ay pupunta sila ng canteen o kaya ay pupuntang washroom. Break time na kasi namin. Nag-stay naman ako sa loob ng classroom kasama ang iba ko pang classmate. May baon kasi kami for snacks kaya di na kailangang lumabas. Kinuha ko ang ham sandwich na baon ko at sinimulan itong kainin. Habang ngumunguya ay tumingin ulit ako kay Steve na kasalukuyang nakayuko lang sa armchair niya. Kanina ko pa napapansin na parang napakatahimik niya. Ni hindi man lang niya ko nginingitian o kinakausap. Naninibago tuloy ako sa kaniya.

"Steve?" tawag ko sa kaniya ng hindi ako makatiis. Isang minuto na siguro ang nakalipas pero nanatili pa din siyang nakayuko. "Uy, Steve." Kinalabit ko na siya.

"Bakit ba, Ali?" sabi ni Steve na nakayuko pa din. Sa wakas nagsalita din siya.

"Ano bang nangyari sayo noong nakaraan?" tanong ko sa kaniya.

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga sabi."

"Imposibleng wala. Alam kong meron, ano ngang nangyari? Share mo naman sa akin."

"Ang kulit mo talaga," aniya at umayos ng pagkakaupo. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakakatakot siya kapag ganiyan.

"Okay, sabi ko nga wala."

Itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Kasi naman si Ms. Perez eh, bakit ako pa ang in-assign para dito? Pwede namang iba? Lahat kasi kami concern sa kaniya. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit siya napatawag sa guidance. First time kasing may napatawag na estudyante sa klase namin. As per the record of this school, we're one of the better section here. Kung baga mas nakalalamang ang disiplina sa amin kung ikukumpara sa ibang klase. Kaya malaking palaisipan talaga sa amin kung bakit napatawag si Steve? Sabi ni Ms. Perez kanina, ultimo daw ang counselor na kumausap kay Steve ay hindi malaman ang pinakadahilan kung bakit siya nahuling umiiyak at sumusuntok sa pader ng parking lot. Kinausap ito ng counselor pero hindi daw nito malaman ang dahilan kasi di naman daw sumasagot si Steve sa lahat ng tanong nito. Kaya nga humingi na ito ng tulong kay Ms. Perez maging sa kaklase ni Steve. At ako nga ang napili ni Ms. Perez.

Mas lalong naging malaking palaisipan na sa akin ang lahat ng malaman ko iyon. Ano nga kaya ang dahilan at nagkaganoon siya? Kaya pala takang taka ako noong nakaraan, hindi kasi umattend ng foundation week si Steve at huling kita ko sa kaniya ay may nakita akong benda sa kanang kamao niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.

Ano man ang problema mo, I am willing to help. This time, ako naman ang tutulong sa iyo. You're once my saviour, Steve. And I'm going to pay it back. Sabi ko sa isip habang nakatingin kay Steve na kasalukuyang nakatulala sa blackboard. Isang malakas na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko dahilan para maagaw ko ang atensiyon niya. Lumingon siya sa akin at binigyan ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti.

If only I can erase those pain in your eyes, Steve.

Hindi nagtagal ay bumalik na ang lahat ng kaklase namin. Ilang minuto pa ay dumating na din ang teacher namin sa Math. Madugong discussion na naman ito, for sure.

Oh, Math! Why did you exist?!

Kinuha ko na nga ang aking scientific calculator at sinimulan ng magsolve ng activity sa Trigo.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now