Chapter 12

97 26 3
                                    

A/N:
Time check 1:41am! I checked my wattpad account and naoverwhelmed muli sa aking nasaksihan. I know, I'm kind a over reacting here but what the?! Never in my entire journey here that I expected this on going story to be on ranking in Romance. Though it's not my first time to experience to be on rank any of my works. But still, nakaka-overwhelmed talaga! Thank you po for continuously reading this story. I am really hoping that at the end of it, you'll end up smiling and inspired at the same time. Sana po walang bibitaw. Sama sama nating subaybayan. Hehe. God bless po ng bongga sa inyo! Labya 😘

Kinse minuto na ang nakakalipas mula ng iwan ako ni Steve

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinse minuto na ang nakakalipas mula ng iwan ako ni Steve. Ganoong katagal na din akong nakayuko at hindi ko malaman sa sarili ko kung iiyak ba ako o ano? Feeling ko tuloy matutuluyan ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko tuloy magkakasakit ako. Ilang sandali lang ay tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Pilit ko mang pigilan ay wala akong magawa, ang sama sama na ng loob ko. Para akong nasa isang napakalaking bangungot. Parang hindi ko matanggap na nangyayari talaga ito.

Maya-maya ay naramdaman kong may pumapatak sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Napatingala ako at kitang kita ko ang tila walang katapusang pagluha ng ulap. Parang nakikisimpatya sa nararamdaman ko. Nilinga ko ang paningin ko sa paligid at nagbabaka sakaling may masisilungan ako. May nakita naman ako pero imbes na tumakbo papunta doon ay nanatili pa din akong nakaupo. Sabagay, wala namang mababago kapag pumunta pa ako doon. Nabasa na din naman ako. Yumuko nalang ako at humalukipkip. Dinadama ang bawat patak ng ulan, kasabay ng muli kong pagluha.

Kung hindi lang sana ako sumunod sa kaniya, eh di sana nasa classroom din ako ngayon at nag-aaral. Eh di sana, hindi ako nababasa.

Napapaubo na ako. Sumasabay pa sa ulan ang ihip ng hangin dahilan para mangatog ako sa ginaw. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang humupa ang ulan. O humupa na nga ba talaga? Nagtataka kasi ako, naririnig ko pa naman ang mga patak nito pero hindi ko na kasi maramdaman ngayon ang patak nito. Tumingala ako at hindi nakaligtas sa akin ang payong na nasa ulunan ko. May taong nakahawak doon pero hindi ko alam kung sino. Kaya tinignan ko ang taong iyon na nasa likuran ko.

"Ang kulit mo talaga! Gusto mo ba talagang magkasakit ha?" hinihingal pang sabi niya. Parang kakatapos lang niyang tumakbo. Basang sisiw din siyang katulad ko. Imbes na sumagot ako sa kaniya ay yumuko lang ako at napahagulgol ulit. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko.

"Huwag ka ngang iyakin, Alisha. Lagi ka nalang ganiyan. Lagi mo akong pinag-aalala," kausap pa din niya sa akin. Napalakas pa lalo ang hagulgol ko. Pinapagalitan niya ako? Pinapagalitan niya ulit ako.

"Umurong na ba dila mo ha?" tuloy pa din niya sa pagsasalita. Dinig na dinig ko din ang malalim na hugot niya ng buntong hininga. "Sabi ko naman kasi sayo kanina, magcutting ka na eh. Kilala kita, di ka na babalik sa classroom kasi mahihiya ka sa mga kaklase natin and at the same time, ayaw mong mag-alala sila sayo. Tignan mo tuloy ang itsura mo, para kang basang sisiw. Gusto mo talagang magkasakit ano?" may pag-aalalang sabi niya.

"M-makapagsalita ka d-diyan. I-ikaw d-din naman. Mukhang. M-muk... Mukhang basang s-sisiw," paputol putol na sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

"Sa wakas, nagsalita ka din! Oh, kunin mo ito, magpalit ka ng damit mo. Tsk. Sa susunod ha? Huwag matigas ang ulo," aniya at iniabot sa akin ang isang plastic. Sinilip ko ang laman nito at kumpleto iyon. May underwear, t-shirt at shorts. Tumingin ako sa kaniya at nag-iwas naman siya ng tingin. Kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay doon ang payong na hawak niya.

"Oh, kunin mo. Kung ako sayo, pupunta na ako ng CR para makapagpalit," aniya.

"S-saan mo nakuha ito?" aniko na ang tinutukoy ay ang mga damit na inabot niya.

"Ano ba sa tingin mo? Eh di binili ko," sagot niya.

"Ano? Lumabas ka pa? Saka saan ka dumaan? Nag-over the bakod ka?" sunod sunod na tanong ko.

"Hindi ah! Nagpaalam ako sa teacher natin saka humingi din akong gate pass. Sabi ko bibilhan kitang damit kasi nagsuka ka. Oh, ayan. Lusot ka na. Dalian mo na, pumunta ka ng CR. Baka matuyuan ka pa."

"Teka, paano ka?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag mo kong intindihin. Kaya ko sarili ko," sagot niya. Sinabihan na naman niya akong pumunta na sa CR at magpalit.

"Samahan mo ako," aya ko sa kaniya. Paano? Kapag umalis ako, siya naman ang mawawalan ng payong at mababasa lalo. Baka imbes na ako ang magkasakit ay siya pa?

Napipilitan man ay sinamahan nga ako ni Steve. Ang weird lang, pero masaya na ako. Kasi kahit cold pa din si Steve, alam ko deep inside him. Siya pa din ang Steve na kaibigan ko.

Matapos makapagpalit ng damit ay binalikan ko na si Steve na nasa labas. Iniabot niya sa akin ang bag ko na hindi ko malaman kung paano niya nakuha. Kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kaniya.

"Ang iksi pala ng shorts na nabili ko, tapos ang luwag ng t-shirt. Nagmamadali kasi ako eh," aniya matapos suriin ng tingin ang outfit ko. Naramdaman ko namang umakyat ang madaming dugo sa mukha ko dahil sa ginawa niya.

"T-thanks, Steve."

"Wala yun. Basta huwag mo ng uulitin ah?" aniya at umubo. Shems, basang sisiw nga pala siya ngayon. Sunod sunod na ang pag-ubo niya at napasandal sa pader. Napaupo na din siya at nangangatog na humalukipkip. Natatarantang nilapitan ko siya.

"Steve, are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Itinaas niya ang kamay niya at nag-approve sign.

"No. I don't think you're okay," aniko at hinawakan siya. Halos mapaso ako sa init na bumabalot sa katawan ni Steve. "Ang taas ng lagnat mo, Steve!" nagpapanic na sabi ko. Bigla namang napatumba si Steve, mabuti nalang at nasalo ko siya agad.

"What happened?" ani Jules na hindi ko namalayang napaadaan pala.

"Jules, help. Ang taas ng lagnat ni Steve. Dalhin natin siya sa clinic!" hinging saklolo ko. Thanks God at dumating si Jules. Walang pagdadalawang isip na inalalayan namin ni Jules si Steve at pumunta na nga kami sa clinic.

--
A/N: Again, I checked it. So far, as of 10:47pm; Feb. 17, 2017. Tumaas ng bahagya ang ranking nito! Sobrang thank you po sa inyo. God bless! 😍😘

Truly yours,xarisagape 💕

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon