Chapter 41

61 9 0
                                    

Nang maipaliwanag sa amin ni Kevin ang lahat noon, saka lang kami natauhan. Nakita namin na baka nga kinailangan lang talaga nito ng makakaramay at natatakot itong mawala si Alisha --- ang nag-iisang taong tinuturing nitong kaibigan. Kay Ali lamang raw kasi nagawang mag-kwento ni Kevin ng problema nito at tila baga isang manghuhulang nahuhulaan ni Ali ang mga gusto nitong marinig. He felt comfortable with her beside him. Pakiramdam nito ay muli itong nagkaroon ng kapatid. At natatakot itong mawala si Alisha kapag inamin nitong alam na nitong nagpapanggap lamang ito.

Kinlaro rin ni Kevin na wala naman itong anumang nararamdaman pa kay Alisha bukod sa itinuturing nitong nakababatang kapatid si Ali. Nang sabihin iyon ni Kevin ay bahagya akong nabunutan ng tinik.

Alam ko namang sobrang guilt ang naramdaman ni Althea nang maalala nito ang mga pinagsasabi kay Alisha noong umagang iyon. Hindi ko naman siya masisisi. Nang maging malinaw na ang lahat sa amin, napagpasyahan naming puntahan na si Ali sa kanila at sopresahin ito. Wala itong idea kung gaano namin ito na-miss!

Pero ganoon nalang ang gulat namin nang madatnang walang tao sa bahay nila. Napag-alaman din namin sa kapitbahay nila na lumipat na ang mga ito. Hindi naman daw nabanggit ng pamilya kung saan sila lilipat kaya wala silang idea talaga. At dahil pare-pareho kami ng sentimyento sa tuluyang paglayo ni Alisha, nakasundo na rin namin si Kevin. Though he's not officially part of the squad. Kahit kasi naging close namin ito, pabiro pa rin namin itong nile-left out at pakunwang sinisisi ito sa paglayo ni Ali. Kaya nga sinasadya rin naming huwag na itong isama sa exchange gifts and souvenirs na nauuwi namin galing sa bakasyon.

Sabagay, bakit naman nito gugustuhin pang sumama kung ito naman ang palaging punong abala sa mga gala namin ng barkada? For sure, mas nauna pang napuntahan ni Kevin ang mga lugar na iyon kumpara sa amin.

"Go, Kevin!" malakas na sabi ni Alisha at tila masayang-masaya siya nang marinig ang pagtawag rito ng announcer.

Damn! Bakit parang nagseselos ako?

Oo nga pala. Ang feelings lang ni Kevin ang naging malinaw sa akin pero kay Ali? Wala akong idea. Bakit ba hindi ko napaghandaan ito? O baka kasi masyado akong umasa na hindi pa rin magagawang kibuin ni Ali si Kevin dahil sa nagawa nito noon? Pero mali ako, siya si Alisha. Madali lang para sa kaniya ang magpatawad.

Tumikhim ako at sinubukang agawin ang atensiyon niya. Napalingon naman siya sa akin at ganoon nalang ang disappointment ko nang makita ko ang gumuhit na pagkadismaya sa mata niya. Hindi ba siya masaya na makita ulit ako? Nandito ako ngayon sa tabi niya. Ang lapit lang namin sa isa't-isa pero bakit parang gumagawa siya ng isang napakalaking pader sa pagitan namin?

Muli namang bumalik ang tingin niya sa gitna at muling nagtitili nang maagaw ni Kevin ang bola mula sa kalaban. Parang effortless lang na nagdribble ito at walang anu-ano ay umakma na itong magsu-shoot ng bola.

Ganoon nalang kalawak ang ngiti ni Alisha ng makapag-3 points shoot si Kevin. Napatalon pa nga siya ng wala sa oras.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Althea sa braso ko at ramdam kong sinasabi nito na lingunin ko ito. Isang nakakaunawang tingin naman ang ibinigay sa akin ni Althea dahilan para pilit kong kalmahin ang sarili ko.

Bakit ba napakadali lang sa kaniya ang apektuhan ako ng ganito? Wala siyang alam kung gaano ko katagal pinaghandaan ito! Kaya nga kahit nang malaman kong si Kevin ang unang nakahanap dito, mas pinili ko pa ring magpasalamat nalang kahit punong-puno na ng selos ang dibdib ko. Sino ba naman kasi ang gugustuhing maunahan ng taong dahilan kung bakit ka napupuno ng pagseselos?

Naunahan ka na naman ni Kevin!

Napailing nalang ako sa naisip ko. Kailangan kong supilin iyon dahil ayaw ko nang mabahiran ng kung ano pa man ang pagkakaibigan namin ni Kevin. He's been a great friend. Ito ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon at malaya nang nakikita si Alisha. Malaki ang pinagbago ng itsura ni Alisha. Mas lalo siyang gumanda at hindi kataka-takang marami ang nahuhuli ng gandang mayroon siya. Seeing her face this close? No doubt, I'm seeing now the most beautiful girl on earth. Simple lamang ang suot niya pero hindi maikakailang bumagay sa kaniya ang sa tingin ko'y organization shirt nila na may nakasulat na 'I am a proud MassCom student!" tinernuhan lamang iyon ng isang black skinny jeans at kulay puting sneakers --- very Alisha. Simple, yet stunning.

Mayamaya ay na-focus na lang ang tingin namin sa laro. Napakalapit lang ng score ng dalawang team. Isang puntos lang ang lamang ng team nila Kevin kaya ramdam na ramdam talaga ang tensyon.

"Steve, give it to her." Ang t-shirt ang tinutukoy ni Althea. Ilang araw kaming na-excite sa magiging reaction ni Alisha once makita niya ang pinagawa naming t-shirt para sa kaniya.

"Come on," muling bulong ni Althea at kinuha ko na nga ang paper bag na inilagay ko muna sa loob ng back pack ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang design ng paper bag. It's an image of pigs from Angry Birds. We knew how much she hated it. But don't get us wrong. Sobrang nami-miss lang talaga namin siya to the point na pati ang pagkainis na reaction niya gusto rin naming makita. Wala namang masama kung pati 'yon ay makita namin.

I find it cute!

Iaabot ko na sana ang paper bag sa kaniya ng bigla namang may babaeng pilit na nagsusumiksik papunta sa gawi namin. Natabig nito ang hawak ko dahilan para malaglag iyon.

"Ay sorry po. Kailangan ko lang po kasi talagang hatakin ang kaibigan ko eh," hinging paumanhin sa akin ng babaeng nakasuot ng katulad sa cheering squad na nag-cheer sa team nila Kevin.

"Ali, let's go!" baling naman nito kay Ali at may pagmamadaling hinatak siya.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na nagawa pang makapagsalita. Natuon nalang ang tingin ko sa paper bag na nasa lapag pa rin. Lukot lukot na ito ngayon at puno ng dumi. Bakas na bakas doon ang sapatos na nakaapak doon. At hindi ako pwedeng magkamali, alam kong si Ali ang nakaapak noon dahil siya lang naman ang nakaputing sapatos na dumaan doon.

At alam ko, hindi niya sinasadya ang nangyari pero bakit may parte sa akin na nasasaktan? Iyong tipo na hindi ko pa man din nasisimulan, parang binigyan niya na ako ng sign na manatili nalang sa kung anong mayroon kami ngayon.

"Shh. Steve, don't you dare cry. It's not the proper place para gawin mo 'yan. Keep calm, okay? Promise, I'll do everything. Hindi matatapos ang araw na ito ng hindi natin siya nakakausap, okay?" may assurance na sabi sa akin ni Althea. For almost half a decade, she's been my confidante.

"Smile," sabi pa ulit niya at napatingin na rin ako sa iba naming kaibigan. Kanina pa siguro sila tahimik na nakikiramdam lang. Nakangiti rin sila sa akin at bigla akong na-guilty.

Bakit ba parang nakalimutan kong nasasaktan din sila sa treatment sa amin ni Alisha? Kung tutuusin, nadamay lang rin naman sila. Mas masakit pa nga yata ang nararamdaman nila. Naiba lang ang kaso ko, kasi puso ko ang nakataya rito!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now