Chapter 52

43 11 0
                                    

Hingal na hingal na napahawak ako sa magkabilang tuhod ko. Hindi ko maiwasang huwag mapatukod doon dahil na rin sa pagod at kung anu-anong nararamdaman ko.

Alam ko namang sinabi ko na babawi ako sa kanila pero masyado yata nilang dinibdib 'yung pangako ko kasi halos maghapon na nila akong pinapahirapan.

Kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Steve sa kwarto ko ay nagkumustahan kami at nag-bonding. Nanood pa nga kami ng ilang episodes sa Boys over Flowers dahil sobrang naku-curious daw sila.

"Ayan na! Sasapakin niya na si Jun Pyo!" eksaheradang kwento ni Keighla. Kanina pa siya spoil ng spoil sa mga susunod na pangyayari.

"Ang ingay mo naman," puna sa kaniya ni Julie na tutok na tutok sa pinapanood namin. Mga ganitong eksena 'yung gustong-gusto niya eh, tipong nagsasapakan ang mga character. Napasuntok pa nga siya sa hangin ng mapaupo si Jun Pyo nang sapakin ni Jan Di. "Galing!" aniya at pumalakpak pa. Akala mo naman nanonood ng boxing tapos nakapuntos 'yung pambato niya.

"Huy 'wag kang ganiyan, Julie. Nakakaawa nga si Baby Jun Pyo tapos ang saya-saya mo pa," nakangusong tuon naman ni Keighla rito.

"Ayan na ba 'yung Jun Pyo na pinagmamalaki n'yo?" bigla namang sabi ni Steve. Halos sabay-sabay tuloy kaming napatingin sa kaniya. Kanina pa kasi kami nanonood pero parang hindi naman siya interesado. "Mas gwapo pa ako riyan," dugtong pa niya dahilan para sabay-sabay namin siyang batuhin ng hawak namin. Throwpillow kay Althea, nachos chips kay Keighla, remote kay Julie, at sa akin naman ay pagmamahal. Chos! Syempre binato ko lang siya ng nakamamatay na tingin, ayaw ko namang masaktan siya.

"Anong problema ninyo? Sa totoo naman," depensa ni Steve. Tawang-tawa naman si Kevin at Jules sa mga naging reaksyon naming mga babae.

"Nang nagsabog yata ng confidence sa mundo, sinalo mo lahat! Ang over, eh!" ani Keighla at tumayo pa saka nagtingkayad ng pagkataas-taas. Hindi naman sinasadyang na-out of balance siya. Mabuti na lang at naging maagap si Kevin kaya nasalo siya nito.

"Mag-ingat ka naman," paalala rito ni Kevin at dahil si Keighla ang kaibigan niya, ayun at nagkikikisay na naman ito. Kaloka talaga!

"Yiee, oo naman my loves. Basta para sa'yo!" aniya at hindi pa nakuntento, idinantay niya ang kamay sa balikat ni Kevin at akmang yayakap pa sa leeg nito. Pero bago pa mangyari 'yun ay hinatak ko siya. Napakaabusado naman kasi.

"Ali, ang kj mo talaga!" reklamo niya sa akin at hindi ko na lamang siya pinansin.

Nang mapadako naman ang tingin ko kay Steve ay medyo nailang ako. May kakaiba kasi akong nakikita sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng pangalan. Basta isa lang ang sigurado ko, tahimik siyang nakamasid sa amim at bahagyang tumaas ang labi niya nang makita niyang pinigilan ko si Keighla sa tangka nitong paglingkis kay Kevin.

Napansin marahil ni Steve 'yung pagtatakang gumuguhit sa mukha ko kaya napatikhim siya at walang babalang tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko sa kaliwang kamay at hinatak ako patayo mula sa kinauupuan ko.

"Ahm, Ali. Samahan mo ako," aya nito at inakay na nga ako. Lumabas kami ng bahay at dumako sa duyan na minsan na naming tinambayan noon ni Keighla nang mapadalaw kami rito.

"Pasensya na kung lumabas tayo," pagbasag ni Steve sa katahimikang pansamantalang bumalot sa amin. Magkatabi kami ngayong nakaupo sa duyan at dahan-dahang inuugoy ito gamit ang aming mga paa. Mabuti na lang at malaki ang duyan at matibay ang pagkakakabit kaya hindi naman ako nag-aalalang mapigtal ito katulad ng unang beses na naupo ako rito.

"Okay lang, napanood ko na rin naman 'yun," sagot ko rito. Bigla naman akong napatingin sa kamay niyang kasalukuyang kinukulong na ang palad ko. Sa sobrang occupied ko sa presensiya niya ay hindi ko namalayang hawak niya na pala ang kamay ko, napakagat-labi tuloy ako at pasimpleng ngumiti. Hindi ko alam, may hatid kasing kakaibang kilig 'yung nararamdaman ko ngayon. Basta, hindi ko ma-explain.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now