Chapter 43

61 9 0
                                    

"Grabe ang galing n'yo talaga kanina! Lalo ka na, Kevin. No doubt, worth it na mas sinusunod mo na ngayon ang gusto mo. Hindi malabong mapasama ka sa PBA. Ang galing mo," puri ni Althea kay Kevin. Halatang halata na proud ito.

Nandito kami ngayon sa restaurant na malapit sa school namin. Celebration daw para sa pagkapanalo nila Kevin. Hindi dapat ako sasama pero mapilit si Kevin eh. Kinonsensya pa ako kasi umalis daw ako at hindi ko man lang napanood kung paano nila tinalo 'yong kalaban.

Napangiti naman si Kevin kay Althea. "Thank you, Althea."

Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ni Kevin. Grabe, hobby na yata talaga ng isang ito ang mag-blush. Halatang hindi immune ang sistema sa mga compliments.

"Psh," Keighla hissed. Nilingon ko naman siya na kanina ko pa pansin ang pananahimik niya. Ni hindi ko nga nakita 'yong pagiging oa niya. Akala ko talaga pupugpugin niya ng halik si Kevin sa sobrang pagiging proud.

Siniko ko naman siya. Kawawa naman kasi 'yong steak na wala na ngang buhay, mini-murder pa niya.

"Girl, maawa ka naman sa steak," bulong ko sa kaniya. But instead na pakinggan niya ako, ayan at ibinagsak pa niya ang hawak niyang kutsilyo at tinidor. Hindi tuloy kataka-takang nakatingin na sa gawi namin ang lahat.

"Kei, what's the problem?" tanong ni Kevin. Pero ang loka, hindi man lang kinilig na tinawag siyang Kei ni Kevin. Eh, halos ipagduldulan nga niya sa aking sa wakas daw at may endearment na sa kaniya ang my loves niya.

"Wala."

"Are you sure, Kei?" kunot noong tanong ni Kevin. Halatang hindi convince sa drama ng friend ko.

"It's Keighla, okay?" mataray na sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko. Ano ba talagang nangyayari sa isang 'to? Sinapian na naman yata ng kabaliwan. Lakas ng topak. Promise.

Halata namang naguguluhan si Kevin sa kaniya.

"Keighla, mag-behave ka nga," pigil ko sa kaniya.

"Why would I?"

"Nakakahiya," sagot ko.

"Wala akong pakialam."

"Tsk. Tara na nga," aya ko sa kaniya at tumayo na. Hinawakan ko siya sa braso at hinatak siya.

"No, Ali! We're not going to leave unless you talk to them!" mataas na ang boses niya this time at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Na-shock naman ako sa inakto niya. Kita ko rin ang gulat na gumuhit sa mukha nila. My gosh, Keighla! What happened to her? Why is she acting like this?

Akala ko ba mananahimik siya? Akala ko ba irerespeto niya ako ngayon? Hindi ba niya halatang wala ngang nag-aattempt na magbukas ng topic about doon sa sinasabi niya tapos ito? Aakto siya ng ganiyan. Na-disappoint ba siya sa ginawa ko kanina? Sobrang disappointment ba ang naramdaman niya kaya hindi niya magawang maging masaya sa pagkapanalo ni Kevin?

Kailangan ko bang ma-flatter sa kaniya? Kasi concern siya? Sana hindi nalang. Kasi ang hirap. Issue ko 'to eh. Dapat hindi siya maging apektado.

"Go, ahead Ali. Talk to them. Don't worry, hindi ko gagawin sa'yo 'yong ginawa nila," kausap ulit sa akin ni Keighla na para bang walang ibang nakakarinig sa kaniya.

Naagaw ang atensiyon namin dahil sa temper ni Julie. Sukat ba namang ibagsak ang kamay niya sa table dahilan para makalampag ang mga nakapatong roon. Parang nakita ko na ang eksenang ito dati.

"Kung makapagsalita ka riyan parang may alam ka, ah! Bakit? Ikaw ba ang nawalan ng kaibigan, ha? Ikaw ba 'yong iniwan? Ikaw ba 'yong iniwasan? Sa'yo ba nag-MIA at hindi na nagparamdam? Ikaw ba 'yong napapaisip at napapatanong ng kung anu-ano kasi bigla nalang nasira 'yong hindi naman dapat masira? Ikaw ba 'yong nadamay ha? Ikaw ba 'yong nahirapan at nasaktan? Hindi naman 'di ba?" tuloy-tuloy na sabi ni Julie at parang madudurog ang puso ko nang makita ko ang pag-agos ng luha sa mukha niya. Ang sakit makita na umiiyak siya ngayon. Knowing Julie? She's the braviest one. Siya ang pinakamatapang at hindi siya umiiyak. That's her personality. Pero 'yong Julie na nakikita ko ngayon? Walang pinagkaiba sa mahinang Alisha. She's weak now and it's tearing my heart into pieces.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon