Chapter 33

43 10 0
                                    

Halos araw-araw kaming dumadaan ni Keighla sa gym para manood ng practice nila Kevin. Naging okay na rin naman ang treatment namin sa isa't-isa at naging magkaibigan ulit kami. Tama si Keighla sa sinabi niya sa akin, forgiveness would free me from my burden caused by him.

Nalaman na rin ni Keighla na si Kevin ang tinutukoy ko noong tao na naging dahilan nang conflict ko sa mga kaibigan ko. Hindi kasi talaga ako nagbanggit ng kahit anong pangalan kay Keighla noong nagkwento ako sa kaniya. I only stated the story but I didn't named all the characters in that story. Naalala ko tuloy 'yong reaction ni Keighla nang i-kwento ko sa kaniya ang kinalaman ni Kevin sa drama ko.

"Gosh! Ali! I want to slap his face! I want to punch his tummy now! I want to kick him! How dare he do that to you? Pinagmukha ka niyang tanga! Bwisit siya!" inis na inis na sabi ni Keighla sa akin. Namumula na rin siya sa galit at para bang tototohanin talaga niya ang mga sinabi niya.

"Talaga, kaya mong gawin 'yan kay Kevin? Gagawin mo 'yan para sa akin?" hamon ko sa kaniya. Alam ko namang hindi niya gagawin iyon. Sus, si Kevin kaya ang involve. Alam ko namang tinamaan ng lintik si Keighla kay Kevin, eh. Hindi na kailangang i-explain pa.

"Of course not! Paki ko sa iyo? Hindi ko magagawa 'yon kay Kevin 'noh! Baka kamo pugpugin ko pa siya ng kiss eh. Oh my gosh! Kiss? Nako, kailan ko kaya siya maki-kiss 'noh? Pero sana naman siya na ang gumawa no'n sa akin. Ako na nga ang nag the moves sa first holding hands namin, eh. Dapat sa first kiss siya na! At kahit pa nalaman kong siya pala ang dahilan ng masakit na part sa past mo, okay lang! Sabi ko nga sa'yo, may reason kung bakit nangyari 'yon. Dapat kausapin mo na siya ng wala ng halong galit. For sure, maliliwanagan ka rin. Fighting!"

Natawa nalang ako sa ginawa niya at napailing, "ewan ko sa'yo. Kapag si Kevin na ang usapan, bumabaliktad ka."

"Of course! Si Kevin 'yon eh! Gosh, friend. I think I'm in love!" aniya at tumili tili pa ang loka.

"Ewan ko sa'yo. In love agad? Eh one week mo palang siyang nakikilala."

"Hindi ah! He's been my crush kaya since forever. Nakita ko na siya dati pa. Mas malaki lang ang in-improve ng itsura niya kaya nga ganoon nalang ang reaction ko no'ng makita ko siya ulit eh. I almost drool talaga and feeling ko nasa drama ako. At alam ko, pinagtagpo talaga kami ng destiny kasi kami talaga ang para sa isa't-isa!" determinadong sabi niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo, Keighla."

Nabalik ang isip ko sa kasulukuyan nang may marinig akong pamilyar na boses, "kanina pa kayo?"

Si Kevin iyon. Tumabi siya kay Keighla na halatang hindi mapigilan ang kilig na nadarama.

"Yup. Kanina pa kami rito, my loves," sagot naman ni Keighla at nagpa-cute na naman. Hindi na naman nakaligtas sa akin ang pamumula ng tenga ni Kevin. Naalala ko tuloy iyong time na nasa loob kami ng sasakyan ni Ate Jasmin. 'Yong time na nakita ko ang pamumula ng tainga ni Steve. Sobra akong naaliw noon. At hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko 'yon.

"Tinatawa mo, girl? Agree ka na bang bagay talaga kami ni Kevin?" puna sa akin ni Keighla. Hindi ko alam na napangiti pala ako. Ewan ko ba, dati kapag naaalala ko ang anumang may kinalaman kay Steve, nasasaktan ako. Pero mula nang maging okay na kami ni Kevin, parang nawala na ang lahat ng sakit.

"Nako, Kevin. Huwag mong intindihin 'yan si Keighla. Baliw lang talaga 'yan!" sa halip na sagutin si Keighla ay si Kevin nalang ang kinausap ko.

"How dare you, Ali! I thought you're my best friend. Huwag mo nga 'kong sinisiraan sa my loves ko. Baka maniwala siyang baliw talaga ako. Baliw na baliw sa kaniya!"

Okay, wala na. Natuluyan na talaga ang kaibigan ko. Kita ko namang namula ng bongga ang mukha ni Kevin sa narinig.

Oh come on. Mukhang may naaamoy akong malansa rito ah!

"Kevin, next week na ang championship ninyo 'di ba? Manonood kami ni Keighla, ha?" kausap ko ulit kay Kevin.

"Talaga ba?" masayang sabi niya. Napatingin naman siya kay Keighla at tinanguan siya ng kaibigan ko. Mas lalong nagliwanag at naging masaya ang awra niya.

"Yup. Saka 'di ba nga? Pini-preserve ni Keighla ang tili niya para mas energetic siya sa game ninyo? We shouldn't spoil her promise," sabi ko at kinindatan si Keighla. Isang pasasalamat na rin sa ginawa niya sa akin. Alam kong nagdadal'wang isip siya na makakanood kami ng game nila Kevin. Alam kasi niyang wala naman talaga akong hilig sa panonood ng basketball. Ayaw naman daw niyang manood ng hindi ako kasama. Baka magmukha lang raw siyang tanga roon. Mas mainam daw na nandoon ako para may mahahampas siya kapag hindi niya napigilan ang sarili niya.

"Really, friend? Oh my gosh! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya! Pa-kiss nga!" natutuwang sabi ni Keighla sa akin. At ang loka, ngumuso-nguso pa sa akin at para talagang hahalikan ako. Yuck, maisip ko palang. Nandidiri na ako.

"Shut up, Keighla. Kapag ako naasar hindi na 'ko manonood!" banta ko naman sa kaniya.

"Joke lang siyempre! Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Alam ko namang hindi ka papayag na ako ang maging first kiss mo!"

Aba't kita mo 'to! Sukat ba namang sabihin pa iyon? Sakit talaga sa ulo.

"Makapagsalita ka riyan! Wala ka rin namang first kiss!" ganti ko sa kaniya. Akala niya ha? Akala niya, papayag akong ako lang ang mabuko rito. Bwisit siya.

"You don't have a first kiss yet?" tanong naman ni Kevin kay Keighla. Para namang tangang nakangiwi ang kaibigan ko. For the first time, mukhang tinamaan din ng hiya ang kaibigan ko. Mabuti nga sa kaniya!

"Ah... Eh... Ano kasi... Actually, hindi pa ako nagkaka-boyfriend," nahihiyang pag-amin ni Keighla kay Kevin. At ganoon nalang ang pagkakangisi ko ng makita ang pag-glow ng awra ni Kevin.

Sabi na eh! Mutual talaga ang feelings nila. Bakit ganoon? Kinikilig ako para sa kanila!

Eh ikaw? Kailan ka kikiligin para sa sarili mo?

Shut up, okay?!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now