Chapter 20

76 18 0
                                    

"One week nalang at prom na natin. Ano bang balita? Are we allowed to invite outsider to be our prom date?" tanong ni Althea sa akin.

Nakatungo lang kami sa labas ng bintana habang hinahantay ang teacher namin sa next subject.

"Ewan ko," kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang message na kakatanggap ko lang. "Isa pa, hindi ako interesado."

"Halata naman. Mas interesado ka pa sa text eh. Patingin nga!" walang anu-ano ay inagaw niya sa akin ang cellphone ko. "Uy! Si Kevin ang nagtext sa iyo ah. Huwag mo sabihing!" pa-suspense pa na sabi niya.

"Ano ba? Akin na nga iyan," pilit ko namang inagaw ang cellphone ko sa kaniya.

"Ayoko. Babasahin ko muna," patuloy niya sa pang-aasar.

"Ano ba 'yan?" ani Steve at inagaw bigla ang cellphone kay Althea. Nakabalik na pala siya from washroom.

Walang pagdadalwang isip na binasa ni Steve ang message sa cellphone ko.

"Si Kevin mo, nangangamusta. Magkita daw kayo mamaya," madilim ang mukhang tuon naman sa akin ni Steve matapos basahin ang message. Iniabot nito sa akin ang cellphone at agad ko naman iyong kinuha at nagreply sa nagtext.

To: Kevin
Okay naman ako, ikaw ba? :)

Simula nang dalhin ako ni Kevin sa puntod ng kapatid niya ay palagi na kaming nagkakatext. Masaya naman na unti unting nakikilala ko siya. Minsan pa nga hindi na ako nakakasama sa aming magbabarkada dahil napapadalas ang pagsama ko kay Kevin kapag weekend.

"Magtetext ka nalang diyan?" puna sa akin ni Steve.

"Teka, rereplyan ko lang."

"Tss. Ano bang napapala mo diyan?"

"Bakit ba ang sungit mo? May sakit ka ba ha?" tinaas ko ang kamay ko upang hawakan ang noo niya nang mapigilan ako. Hinawakan niya bigla ang braso ko at mahigpit na hinawakan.

"Wala," malamig ang boses na sabi niya at biglang binitawan ang kamay ko.

Napatulala ako sa ginawa niya. Wala akong natatandaang ginawang mali sa kaniya, kaya bakit ang cold ng treatment niya sa akin?

"Steve? May problema ka ba sa akin ha?"

"Kung mayroon, anong gagawin mo?" may hamong sagot niya.

"Bakit? Anong ginawa ko?" clueless na tanong ko.

"Wala. Replyan mo nalang 'yang katext mo habang wala pa ang teacher natin. For sure, atat na atat na ang isang iyon sa reply mo," aniya at nagdrawing ng kung ano sa notebook niya.

"Ang labo mo naman, Steve."

Sa halip na sumagot sa akin ay nanatili siyang tahimik na gumuguhit. Naa-amaze na tinignan ko lang ang idino-drawing niya. Isang taong nakatayo at may tinitignan mula sa malayo na isang anino. Hindi ko mawari, pero sigurado akong napakalungkot ng sitwasyong nasa drawing.

"Ang galing mo talagang magdrawing!" nakangiting sabi ko at inilapit ang mukha ko sa ginuguhit niya.

"Ano ba, Ali!" aniya at umiwas sa akin. Hindi ko namalayang napakalapit ko lang din pala sa mukha niya. Hindi ko naiwasang tignan ang mukha niya. Tila naman may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa sistema ko. Kasabay ng pag-ahon ng lahat ng dugo sa mukha ko. Wala sa sariling umayos ako ng pagkakaupo at pakunwang ginamit ang cellphone ko.

Isang tikhim naman mula sa kabilang upuan ang nagpalingon sa akin. Si Althea iyon na abot langit ang ngiti.

"Ayiee. Nakita ko iyon," pang-aasar nito na ang tinutukoy ay ang nangyari kanina sa amin ni Steve. Pasimple ko namang ibinalik ang tingin ko kay Steve na ngayon ay ibinabalik na sa bag ang notebook kung saan siya gumuhit kanina.

"Huwag ka ngang magulo," bulong ko kay Althea at siniko siya.

"Ano ba, Ali. Huwag ka ngang naniniko!" asik niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Ang epal mo talaga."

"Bakit? Sa nakita ko naman talaga eh," aniya at binigyan na naman ako ng makabuluhang ngiti. "Sino ba talaga, Ali? Si Kevin o Steve?" bulong niya at hindi napigilan ang sarili na humalakhak.

"Ang ingay niyo," singit naman ni Steve.

"Siya lang," dipensa ko sabay turo kay Althea na pigil na pigil ang paghagikhik. "Shut up," muling baling ko kay Althea. Paano? Bumubulong pa ng 'Ayieeh', sarap sapakin.

"Oo nga pala, Steve. May naiisip ka ng ayain sa prom?" kausap ni Althea kay Steve. Bigla naman akong natigilan sa tanong na iyon. Kinakabahang naghahantay sa isasagot ni Steve.

"Mayroon na," maikling sagot ni Steve.

"Ohmy! Pwedeng malaman kung sino?" usisa pa din ni Althea. Mas lalo akong kinabahan sa posibleng isagot ni Steve, dagdag pang hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng tingin ni Steve.

"Ikaw," aniya na muling tumingin sa akin. Gosh! "Ikaw, Althea? May aayain ka na?"

"Paasa ka naman, Steve! Akala ko si Ali ang tinutukoy mo, tatanungin mo lang pala ako!" pagmamaktol ni Althea, dahilan para matawa si Steve.

"Wala pa talaga akong naiisip! Hihintayin ko nalang siyang ayain ako!" ani Steve at tumawa.

"Nye. Paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin 'di ba? Para ka ding si Jules eh, ungentle dog!" naaasar na sabi ni Althea.

"Siyempre, mahirap kasing ayain lalo pa ngayon na parang ibang tao naman ang gusto niyang makasama," biglang seryosong sagot ni Steve. Muli siyang tumingin sa akin.

Pasimple naman akong tumingin ulit sa cellphone ko. Saktong nagreply si Kevin. Itinuon ko muna doon ang sarili ko. Ayaw kong mahalata nila na unti unti na akong naapektuhan sa usapan nila.

Nakakainis naman!

From: Kevin
Haha. Basta tumitilaok ang manok. It's part of growing up, you know.

Natawa naman ako matapos mabasa ang reply ni Kevin. Sinabi ko kasi sa kaniyang kinakabahan ako sa upcoming prom namin. Bawal kasi ang hindi pumunta.

To: Kevin
Tatawa na ba ako? Haha. Joker ka pala. 😂

"Hoy, Ali. Para kang baliw diyan," puna na naman sa akin ni Althea. Saktong pumasok na ang next teacher namin kaya itinago ko muna ang cellphone ko.

--

A/N:

Hello guys! Super duper sorry kung hindi ko nasunod ang schedule for update. Taghirap na po kasi ang bulsa ko. Wala ng panload sa wifi. Haha. But still, I am finding way to update this. And nagulat nalang po ako that many of  you were added this story to your reading list. Okay lang sa akin na maging silent reader ka pero sana soonest makapag-usap tayo about this story hehe.

Happy readings guys! Labyaaa 😘😘

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon