Chapter 42

60 11 0
                                    

Alisha Point Of View

Ganoon nalang ang relief na naramdaman ko nang tuluyan na akong makaalis sa pwesto ko kanina. Sobra talaga ang pasasalamat ko at may baliw akong kaibigan na OA mag-react.

"My gosh, Ali! Ano pang tinatanga mo riyan? Tara na sa clinic! Let's ask for agua oxinada!"

Nandito kami ngayon sa labas ng gym kung saan kakatapos lang ng 3rd quarter sa laro nila Kevin. At natatawa nalang ako kasi kahit pala gaano ka-in love ang kaibigan ko, magagawa niyang i-ditch ang laro just to accompany me. Hindi ko tuloy namalayang nangingilid na pala ang luha ko.

"Hey, bakit? Anong problema? My gosh, Ali. I didn't know na nakakaiyak na pala ngayon ang katotohanang natagusan ka!" she said on a high pitch. She even rolled her eyes.

Pinahid ko nalang ang luhang kumawala na sa mga mata ko at nilapitan siya. I hugged her and sniffed as if I had a colds. I can't stop myself from shaking as I was crying on her shoulders.

"Uy, may problema ba? Nagjo-joke lang ako. Promise hindi ko na sasabihing," she paused then lowered her voice. "Natagusan ka."

Bigla naman akong natawa sa kaniya. Abnormal talaga.

"Sira," I told her.

"Luh. Ako pa ang sira ngayon?" protesta niya at inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya. Mataman niya akong tinignan bago nagsalita ulit. "Tignan mo nga 'yang sarili mo? Ikaw nga 'yong parang sira, eh. Natagusan ka lang, umiiyak ka na riyan. Tapos biglang tatawa. Gosh! Akala ko ba ako lang ang baliw sa ating dalawa? Nahawa ka na rin ba? O napagpasyahan mo lang talaga na lumadlad na?"

Instead of answering her. I told her, "thank you."

Napataas naman ang kilay niya at halatang halata na nawiwirduhan na siya sa akin.

"Ewan ko sa'yo. Tara na kasi sa clinic. Ang tagal na natin dito, oh. Baka mamaya pumangit ang performance ni my loves kasi wala ako sa loob. Wala siyang inspirasyon, you know?"

"Baliw. Can't you stay here for awhile?  Mahaba pa naman ang oras para sa last quarter. May time pa para makabawi sila just in case tama ngang pumangit ang performance since wala ka sa loob ngayon," sabi ko at hinatak ko siya papunta sa kubong malapit sa gym.

Nang makarating na kami sa loob ng kubo at makaupo, magsasalita sana si Keighla pero inunahan ko na.

"And please, don't insist that I should go to the clinic and ask for agua oxinada. There's no bloodstains kasi kakatapos ko lang last week. Kaya chill ka lang ha? I just want you to accompany me. I'm not okay," amin ko sa kaniya.

"Okay, spill it. We're running out of time. I badly want to support Kevin," she sighed. "Alam mo na, hindi pa napuputol litid ko kaya hindi pa ako 100% bigay na bigay sa pag-cheer sa kaniya."

Geez, feeling ko napaka-swerte kong tao ngayon. Kahit na sobrang roller coaster ang nangyayari sa akin ngayong araw, maswerte pa rin kasi napaka-considerate ng kaibigan ko. Alam kong pinapagaan lang niya ang usapan namin. At pinipilit lang niyang isingit si Kevin kahit na ang totoo, naawa na siya sa akin. Alam kong ayaw lang niyang ipahalata kasi quota na ako sa pagse-selfpity.

"They're here."

Nakita ko namang sobrang nagulat si Keighla sa sinabi ko. Alam kong hindi siya tanga para hindi ma-gets kung ano at sinu-sino ang mga tinutukoy ko.

"What? Seryoso ka?"

I nodded.

"Then why are we here?"

"Because I'm weak."

"Akala ko ba napag-usapan na natin? Na kapag nabigyan ka ng pagkakataon, iga-grab mo na at kakausapin na sila? Don't you think, ito na ang tamang oras?" paalala sa akin ni Keighla.

Yeah, hindi ko naman nakakalimutan 'yong naging usapan namin, eh. Ang dami ko na ngang pinrepare na script kung sakali mang magkita kami ulit. Nag-rehearse pa nga ako ng ilang beses sa harap ng salamin pero nakaka-letse lang. Hindi pala sapat 'yon. Kasi kapag nandoon ka na sa mismong sitwasyon, matatameme ka nalang bigla at hihilingin mo na lang na sana kainin ka ng lupa.

Hindi ko alam, eh. Akala ko kasi talaga handa na ako. Akala ko lang pala. Kasi noong nakita ko sila kanina? Parang bumalik ulit lahat ng sakit. Pakiramdam ko, parang ang unfair lang na ako lang yata talaga ang naging apektado at hindi sila? Nakakagago lang rin kasi para akong tanga na hindi maka-move on. Daig ko pa ang pinagtaksilan ng boyfriend sa inaakto ko.

But there's still Steve!

Damn. Si Steve nga pala. Akala ko kanina tatraydurin ako ng puso ko nang magtama ang tingin namin, eh. Halos pangapusan nga rin ako ng hininga kanina nang mapagtanto kong napakaliit na distansya nalang pala ang pagitan namin. Siya pala 'yong katabi ko. At gustong-gusto ko siyang yakapin. Promise! Gusto kong sabihin na na-miss ko siya. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon sa paghahawak kamay namin sa loob ng kotse ni Ate Jasmine while they're heading me to our house. Gusto kong kompirmahin kung tama ba ang nararamdaman ko noong may feelings nga ba sa akin si Steve? Kung mutual ang nararamdaman namin? But when I saw him sitting next to Althea, parang umatras bigla ang dila ko. I'm still disappointed pa rin pala talaga. At mas lalo akong nasaktan nang makita ko ang paghawak ni Althea sa kamay ni Steve. Gosh! Bakit ganoon? Ang saya saya ng pagkakasigaw ko kanina. Ang energetic nga ng dating, eh. Pero 'yong pesteng mga mata ko, tatraydurin pa yata ako?

Kaya ang ginawa ko, nag-text agad ako kay Keighla. Mabuti nalang talaga at hawak niya ang cellphone niya noong nagtext ako. I told her na tulungan ako. Emergency. Natagusan ako at kailangan ko siya. And knowing her? Hindi kataka takang mapapasugod siya ng wala sa oras. At hindi nga ako nagkamali.

"What if hindi pa pala perfect timing?" balik tanong ko kay Keighla.

"What if it is?"

I just sighed. Hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga.

"Alam mo, kung sinabi mo lang sa akin ang totoo. Nunca na puntahan kita kanina. Kung alam ko lang? Baka ako pa ang nag-push na mag-usap kayo. Pero sige, sa ngayon. Ire-respeto ko ang nararamdaman mo. Hindi ka ready? Fine. Mananahimik ako, fine. Pero kung sila ang gagawa ng paraan o ang fate na mismo ang gagawa ng paraan para makapag-usap kayo? Please, be brave enough."

Blangko ang mukhang tumayo na si Keighla at iniwan ako. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya habang pabalik siya sa loob ng gym.

Be brave enough.

Halos kalahating oras na akong nakatulala rito sa loob after akong iwanan ni Keighla pero naririnig ko pa rin ang huling sinabi niya bago ako iwan.

Be brave enough.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na nga sa kubo. Napagpasyahan kong bumalik na rin sa loob ng gym at ganoon nalang ang hiyawan ng mga tao sa loob --- specifically sa side kung saan nakapwesto ang school namin. At saka ko lang na-realize, nanalo ang team namin!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon