Chapter 28

61 11 0
                                    

Present

"Alisha, okay ka lang? Natulala ka na? Sabi na nga ba, eh. Ganiyan ang magiging reaction mo once makita mo si Kuyang import. Ang gwapo ano? Makipagkilala kaya 'ko? Tingin mo papansinin niya ako?" nagniningning ang mga matang kausap sa akin ni Keighla. Binatukan ko lang siya. Nababaliw na naman kasi.

"Aray! Napaka-mapanakit mo talaga! Hindi nalang kasi amining na-gwapuhan ka rin kay Kuya, eh!"

At talagang pinilit pa rin niya ang hinala niyang na-hook ako sa lalaking iyon?

"Huwag mo nga 'kong itulad sa'yo. At kahit siya pa ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo, wala akong pakialam," may bitterness na sabi ko.

Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng taong magpapakita sa akin from my high school days, bakit siya pa? Nakakaloka!

"Hoy, natahimik ka na riyan."

"H-ha? May sinasabi ka ba?"

"Sabi ko, kahit si Empoy nalang ang natitirang tao sa mundo at si Kuyang pogi, hindi mo pa rin siya pililiin?" pag-uulit niyang tanong sa akin.

"Oo, kahit si Empoy nalang. Mas pipiliin kong si Empoy nalang kesa sa isang 'yan," inismiran ko siya at sinalampak ulit ang earphone sa tainga ko. Pumikit nalang ako at muling nakinig ng kanta.

🎶 Sorry na kung nagalit ka
Hindi naman sinasadya.
Kung may nasabi man ako,
init lang ng ulo.
Pipilitin kong magbago,
pangako sa iyo...🎶

Bakit parang nagsisisi akong isinama ko pa sa playlist ko ang kantang ito. Naiiritang pinuntahan ko ang folder sa files kung saan naka-save ang kantang iyon. Buburahin ko sana pero nagbago ang isip ko. Tatanggalin ko nalang pala sa playlist. Kahit naman gaano katindi ang inis ko, hindi naman pwedeng maging dahilan iyon para i-let go ko ang isa sa mga kantang nagiging escape ko rin naman whenever I am dealing with frustrations.

"Keighla, punta tayong cafeteria. Libre ko," aya ko sa kaniya na ngayon ay abala sa pagpo-post sa IG niya.

"Himala, manlilibre ka ata?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ayaw mo ba? Bilisan mo na. Minsan lang 'to kaya abusuhin mo na!" pagpupumilit ko.

"Sige na nga. Baka mamaya magbago pa isip mo eh. Gusto ko pa namang kumain ngayon ng baked mac. Tapos parang trip ko rin kumain ng nachos with matching halo-halo. Hmm, ano pa ba?"

"Bwisit! Ang dami mong request. Last day mo na ba? Bibigti ka na? Sabihin mo lang, lalagyan kong lason 'yong pagkain para hindi ka na mag-effort."

"Ito naman hindi na mabiro. Kahit iced tea lang happy na 'ko, tara na!" hinawakan niya ang braso ko at hinatak na nga ako. Madali naman palang kausap ang isang ito eh. Dami pang sinabi kanina, mauuwi lang rin naman pala sa iced tea.

At dahil mabait naman ako't malaki naman ang ipon ko dahil hindi ko naman gaanong nagagalaw ang allowance ko, binili ko pa rin ang mga sinabi ni Keighla kanina.

"Wow, may himala ba talaga?" may excitement and amusement na sabi sa akin ni Keighla. Parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Wala, gutom lang talaga ako. Tara kain na tayo. And hep! Bawal magsalita hangga't hindi nauubos ang lahat ng ito. Okay? Kapag narinig kitang magsalita, ikaw magbabayad ng lahat ng ito," may pagbabantang sabi ko at tototohanin ko talaga. Sayang 'yon pag nagkataon.

Hindi pa nakuntento si Keighla sa nainom niyang iced tea kanina. Ito, at bumili pa ng coffee jelly juice sa isang food stall malapit sa building namin ang bruha.

"Gosh, Ali! Balak mo ba akong patayin kanina? Ang anghang anghang ng nachos na pinakain mo sa akin kanina! Nanunuot sa anghang, eh! May galit ka ba sa akin ah? Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko 'yong anghang," patuloy na reklamo niya at inisang lagok ang coffee jelly. Hindi ko naman mapigilang matawa. Lalo na kanina habang kumakain siya. Pinanlalakihan lang niya ako ng mga mata at hindi magawang magreklamo kasi nagkaroon kami ng deal. Papayag ba naman akong makalibre siya ng ganoon ganoon lang? Pagkatapos niyang ituro sa akin ang damuhong lalaki na iyon kanina? Sorry siya, at sa kaniya ko yata nabuhos ang inis ko.

"Ayaw mo no'n? Hindi ka pa man din nagpupuntang gym, na-burn na 'yong possible fats na manirahan sa katawan mo? Afterall, nilibre kita kaya pasalamat ka pa rin!" tawang tawa na naman ako sa pang-aasar ko sa kaniya.

"Wow ha? Hiyang hiya naman 'yong tiyan ko ngayong halos wala ng paglagyan dahil sa mga ininom ko para lang mawala itong anghang?" sarkastikong sabi niya at hindi ko nalang pinansin.

"Kasalanan ko bang ang dami mong ni-request? Saka hindi mo naman sinabi sa akin kung anong flavor ng deep mo for nachos. Eh, na-curious ako roon sa super spicy flavor kaya ayon ang in-order ko!" paliwanag ko sa kaniya.

"HAHA! Magti-thank you na ba ako sa'yo? Alam mong hindi ako kumakain ng maanghang. Kaya nga kahit mahal na mahal ko pa si Lee Min Ho, hinding-hindi ako titira sa Korea kapag nagpakasal kami, eh! I hate spicy food."

"Nako, speaking of spicy food. Dapat pala sanayin mo na ang sarili mo. Lalo pa at kakasabi mo lang, kapag nagpakasal kayo ni Lee Min Ho! Gosh! Keighla. Natatawa ako sa na-i-imagine ko. Kumakain ka ng super spicy kimchi tapos bigla kang titingin kay Lee Min Ho at sasabihin mong 'Oppa, Saranghae!'", hindi ko napigilan ang paghalakhak ng malakas. Hindi ko lang maiwasang mag-react ng ganito dahil sa nai-imagine ko.

"Ewan ko sa'yo, Ali. Nababaliw ka na," aniya at natatawang umiling nalang sa sinabi ko.

"Sus, kunwari ka pa. Kinikilig ka naman diyan, deep inside!"

"Oo na! Wala eh. Lee Min Ho na usapan dito eh. Suko na talaga ako. Kahit isuko ko pa ang ---"

Hindi na naituloy ni Keighla ang sasabihin niya ng maagaw ang pansin namin ng taong tumawag sa pangalan ko.

"Ali!"

Nilingon naman namin ang taong tumawag sa akin at para namang bulateng binuhusan ng gas ang kasama ko. Nakuha pa 'kong tusukin ng loka sa tagiliran ko.

"Ali, hindi mo naman sinabi sa aking kilala mo pala si Kuyang pogi," mahihimigan ang kilig sa boses ni Keighla. Napailing nalang ako. At tuluyan na ngang nasira ang mood ko nang makalapit na ito sa amin.

At talagang nakukuha niya pang ngumiti ng lagay na 'yan? As if nothing happened four years ago? Bwisit!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now