Chapter 18

73 16 0
                                    

He start the engine of his car after we went inside. Kakalabas lang namin sa CafeVeans at dumiretso kami sa parking lot. May dala palang sasakyan si Kevin. Mabuti na din at hindi ako magagastusan sa pamasahe.

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng sasakyan ni Kevin. Wala man lang kasing nagbother na basagin iyon. Pasimple ko lang siyang tinitignan habang nagda-drive. Seryosong seryoso ang mukha niya at tila napakalalim ng iniisip. I just wonder, kasing lalim din ba ng pagkatao niya ang mga tumatakbo sa isip niya ngayon?

Napabuntong hininga nalang ako. Napapaisip kung bakit ba ako sumama sa isang ito. After all, isa pa din siyang estranghero.

Nag-isip nalang ako ng kung anu-ano at nagpalinga linga sa sasakyan. Hanggang sa pati pagda-drive ni Kevin ay napansin ko na din. Ang galing galing niyang magmaniobra. Bilib na bilib ako sa mga driver eh. Kasi nakakahangang kabisadong kabisado nila ang pagpapatakbo ng sasakyan, na sa tingin ko never kong matututunan. Paano? Natatakot ako.

"Kevin?" sa wakas ay basag ko sa katahimikan.

"Hmm?" aniya at lumingon sa akin ng bahagya.

"Ang galing mo namang magmaneho. Paano ka natuto?"

"Tinuruan ako."

"Ang pilosopo ng sagot ah! Malamang hindi ka naman matututo kung walang nagturo. Even self study may nagtuturo pa din, either sarili mo o 'yung mga sources of information sa pinag-aaralan mo! Now tell me, paano ka nga natuto?" pagkatapos ng mahabang litanya ay inulit ko ang tanong ko kanina.

"Pinag-aralan ko siyempre," simpleng sagot niya.

"Nah. As if may makuha akong matinong sagot sa'yo. Eh kailan mo natutunan?"

"When I was aged 15. It's been 3 years ago."

"What?! 3 years ago? You mean!" nawiwindang na sabi ko naman. Paano? Sa pagkakaalam ko magkabatch lang kami! Pero hello? 16 palang ako ngayon ah!

"Yeah. I am 18 na. Turning 19 years old, next month," natatawang sabi niya. "But I know what's coming into your mind now, don't worry. I am not like that," dugtong na paliwanag niya.

"Wala naman akong sinabi na inisip kong tarantado ka kaya bumabalik ka ng high school ah," aniko at humalukipkip. Natawa siya ulit sa sinabi ko.

"Kakasabi mo lang," aniya at patuloy na nagtatawa. "Isa pa, hindi ka ba nagtataka? Nakakapag-drive ako sa main road at highways ng hindi natatakot sa possibility na baka mahuli ako? Syempre, I have my licensed now since I am on legal age na."

"Tss enough. Ang daldal mo naman. Parang hindi ka lalaki eh. Tsaka hindi ko naman hiningi paliwanag mo, ang dami mong sinabi," aniko para isalba ang sarili ko. Paano? Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi ako nagtaka o hindi ko man lang naisip na nasa mga legal age lang naman ang pinapahintulutan magkaroon ng lisensiya sa ganitong sasakyan. Unless, pinayagan na sa LTO iyong pinapaubra sa mga motor, yung student licensed. Ah ewan, ano bang alam ko? Wala naman. At wala akong pake.

Kinuha ko nalang ang earphone na nasa loob ng bag ko at ipinlug ito sa cellphone ko. Makikinig nalang ako ng kanta.

🎶 My head's in a jam
Can't take you off my mind.
From the time we met,
I've been beset by thoughts of you.
And the more that I ignore this feeling,
The more I found myself believing
That I just have to see you again 🎶

Hindi ko mapigilang mapikit sa kantang napapakinggan ko ngayon. Ang ganda kasi ng melody ng kanta, nakakarelax.

"Mangkukulam. Gising na," ani Kevin habang tinatapik ako. Unti unti ko namang idinilat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako.

"What?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya habang nagkukusot ng mata. Hindi ko mawari kung gaano ba ko katagal nakatulog.

"We're already here," aniya at sinundan ko ang tingin niya. Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa kaniya matapos kong makita ang tinitignan niya.

"Why are we here?" kunot noong tanong ko.

"Bumaba muna tayo. Then follow me," aniya at nagpatiuna na sa pagbaba. Naiiling na binuksan ko nalang ang pintuan sa tabi ko at bumaba na din.

Sinundan ko lang siya sa paglakad. Hindi ko namalayang may dala dala pala siyang bulaklak. Hindi ko man lang napansin kanina pagsakay ko.

"Here," aniya at walang pagdadalawang isip na sumalampak sa lupang tila binanigan ng mga bermuda grass.

Umupo na nga din ako at pumwesto di kalayuan sa kaniya.

"Why are we here?" ulit ko sa tanong ko kanina. Sa halip na sagutin ako ay isang napakalalim na buntong hininga ang ginawa niya. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin at hindi ko maarok ang lalim ng iniisip ngayon ni Kevin.

"Hey, okay ka lang?" pukaw ko sa pansin niya. Nagbabakasakaling kahit paano ay madivert ang atensiyon niya.

"Yes, I am fine. I just can't help but to ask myself some things that I know will not be possible to happened now," pagak ang ngiting sabi niya.

Umusod ako ng bahagya, sakto para makalapit ako sa kinauupuan niya. I don't know. I just have this urge na lapitan siya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at nahuli ko nalang ang sarili kong niyayakap siya.

"Sorry kung ginagawa ko ito. Feeling ko kasi, this is the only thing I can do to somewhat ease the pain that I am seeing now in your eyes," bulong ko sa kaniya at naramdaman kong gumanti din siya ng yakap sa akin.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now