Chapter 58

39 10 0
                                    

Alisha's Point of View

Emosyonal na sinalubong ko ang mga tingin ni Steve habang kumakanta ako. Hindi ko ikakailang ramdam na ramdam ko 'yung lyrics ng kanta. Para siyang isinulat talaga para sa nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang ilahad sa pamamagitan nito 'yung totoong nararamdaman ko.

Lalo lang akong naliyo sa kakaibang sensasyon ng magsimula na siyang kumanta. Hindi ko alam, kung sa ibang pagkakataon niya sana 'to ginawa ay baka bumulanghit na ako ng tawa. Pero hindi eh, actually hindi ko nga naisip na magiging ganito katindi 'yung kilig na mararamdaman ko dahil sa pagkanta niya. Batid kong hindi lamang ako ang nakaka-appreciate nun ngayon kasi pati 'yung mga kaibigan namin ay tahimik lang na nakamasid.

Steve, lumaklak ka ba talaga ng maraming keso at kendi kaya ganyan ka?

Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko kaya napasugod na ako ng yakap sa kaniya. Mas lalo kong nagustuhan 'yung naririnig ko nang kasabay ko na rin ngayong naririnig 'yung tibok ng mga puso namin.

"Hoy, ganun na ba talaga kaganda boses ko para maiyak ka?" biro ni Steve sa akin dahilan para mapukpok ko 'yung dibdib niya.

"Baliw."

"Matagal nang baliw sa'yo," banat naman niya. Tuluyan ko na ngang inilayo 'yung sarili ko sa kaniya kasi baka mamaya hindi ko na kayanin 'yung kilig at mahalikan ko na siya. Syempre pabebe muna ako, wala pa naman kaming label kaya hinay-hinay muna. Saka isa pa, hindi babae ang dapat na nag-i-iniate sa ganun. Sabihan n'yo na akong conservative o anuman pero walang basagan ng paniniwala.

"Ayan, akala ko naman hindi mo na 'ko bibitawan. Kawawa naman 'yung t-shirt ko," muling hirit na naman niya.

"Mas inalala mo pa talaga 'yan ano?" kunwari'y nagtataray na turan ko. Umatras ako ng bahagya palayo sa kaniya para kunwari ay nagtatampo talaga ako.

Humakbang naman siya palapit sa akin sabay hawak sa mukha ko. Ikinulong niya nga ito sa dalawang palad niya at naramdaman kong unti-unti niyang pinupunasan 'yung mukha kong kababakasan ng luha. "Napaiyakin mo talaga kahit kailan," malambing niyang turan at hinawi ang ilang hibla ng buhok kong nakiki-extra na rin sa mukha ko. Iniipit niya ito sa likod ng tenga ko sabay yakap na naman sa akin.

Hay nako talaga, Steve! Masyado mo na akong sinasanay.

"Wah! Sulit 'yung pakikipagbuno natin," masiglang sabi ni Keighla matapos naming makarating sa Caleruega. "Tara picture!"

Ganoon na nga ang ginawa namin, kaniya-kaniya kaming post sa harap ng tinatawag na Fountain Compass. Dito kasi kami ni-guide na mag-park. Namamangha rin akong sipatin 'yung tinatawag na Cenaculum na siyang isa sa mga structure na makikita pagkarating na pagkarating dito sa Caleruega.

"Tara lakad muna tayo, mamaya na tayo pumunta sa Transfiguration Church. Let us save the best for last," suhestiyon naman ni Jhela. Silang dalawa ni Jules ang nag-aya sa aming pumunta rito tutal naman daw at nasa Nasugbu na rin kami. Ilang beses na raw kasing binabalik-balikan ng dalawa 'yung lugar at nabanggit din nila na balang-araw raw ay dito sila magpapakasal. Sabagay, maganda kasi talaga ang lugar. Hindi ko nga naisip na may ganito pala sa Pilipinas. Para kasing nasa ibang bansa ako kung vibes o ambiance ng lugar ang pagbabasehan.

At dahil nga first time namin dito ay sumunod lang kami sa dalawa.

"Sigurado kang first time mo lang dito?" tanong ko na naman kay Steve. Hindi kasi talaga ako naniniwalang hindi pa siya nakakapunta dito. Ang lapit lang kasi nito sa rest house nila, wala pa ngang 30 mins ang byahe namin kanina.

"Oo nga."

"Weh? Bakit naman? Ang ganda-ganda kaya dito tapos never mo man lang naisipang puntahan?"

"Wala akong panahon, saka anong gagawin ko dito? Isipin ko pa lang na sasabak ako sa HillCrest ay napapagod na ako," katwiran naman niya. Sabagay, may punto siya. Rough road kasi talaga 'yung sinuong namin makarating lang dito, tapos paakyat pa 'yung daan.

Maya't maya kaming humihinto at kumukuha ng litrato. Naroon na napadaan na rin kami sa Koi Pond, Hanging Bridge, at sa Tent Chapel. Sobrang aliw ko roon sa mga isda kaya kamuntikan na talaga akong mahulog sa pond. Di ko tuloy malaman kung anong naisipan ko at kulang na lang ay ingudngod ko ang sarili ko roon.

Bahagya naman kaming nakaramdam ng pagod kaya naghanap kami ng pwedeng mabilhan kahit inumin lang, mabuti na lang talaga at mayroong tinatawag na Garden Cafe dito kaya may nabilhan kami ng maiinom. Nag-stay muna kami dito pansamantala para makapag-relax.

"Grabe, ang ganda nga pala talaga dito ano? Akala ko talaga 'yung mismong chapel lang 'yung pwedeng puntahan dito," puri ko sa lugar. Actually sa sobrang curious ko sa lugar ay nag-search pa talaga ako. Puro naman litrato ng chapel 'yung lumabas at nagandahan na talaga ako. Kaya nga habang on the way ay na-excite na rin ako.

"Totoo yan. Saka alam mo ba, Ali. May botanical garden dito kaya mare-relax ka rin talaga."

"Talaga?" Hindi ko maiwasang ma-excite na naman. Siguro kasi na-miss ko lang talaga 'yung Zambales. Mula kasi ng umuwi ako ng Manila ay hinahanap-hanap ko na rin 'yung vibes ng probinsiya. At hitik na hitik din kasi sa mga halaman ang lugar namin sa Zambales. I must admit, nature is one of my weakness. Lumalambot ang puso ko sa tuwing nakakakita ng natural na ganda ng tanawin. Kaya nga ganoon na lang din talaga 'yung pagkamangha ko tuwing dumadalaw ako noon sa shop nila Ate Xia. Sa tuwing dadalaw kasi ako roon ay may panibago akong nalalaman.

"Yes," matamis ang ngiting sagot niya sa akin.

Nang matapos kaming makapagpahinga ay nagpatuloy ulit kami sa pagkuha ng mga litrato sa bawat madadaanan namin. Naroon na nakabili pa nga ako ng seedlings at souvenir na rin para sa aming lahat at sa mga parents ko.

"Steve, dali! Akbayan mo si Ali," aya ni Keighla dito. Hindi naman na nagpahatak pa si Steve at parang maamong tupa na sumunod lang sa suhestiyon ni Keighla. Naramdaman kong inakbayan niya nga ako. Iba't ibang pose pa 'yung ginawa naming dalawa habang kinukunan kami ng litrato.

"Ayan, perfect! Taray naman ng mga 'to, hindi pa mag-jowa may prenup pictorial na!"

"Sira! Patingin nga," kinuha ko naman 'yung DSLR na hawak niya at tinignan isa-isa 'yung kuha namin. Totoo nga 'yung sinabi ni Keighla, para nga kaming nasa pictorial ng prenup. Bumagay ang suot namin sa background naming Transfiguration Chapel o mas kilala sa tawag na Caleruega Chapel. Nakasuot ako ng simpleng yellow dress na tinernuhan ng peach na doll shoes. Si Steve naman ay naka-white polo na tinernuhan ng black pants. Sa tutuusin ay simpleng-simple lang talaga ang suot namin pero para sa akin, bumagay iyon sa lugar. Hindi ko tuloy maiwasang mag-imagine. Paano pa kaya kung totoong prenup pictorial na ano? Baka mas lalo akong mahulog kay Steve. Bakit ba naman kasi pinanganak na gwapo ang isang 'to?

Pagkapasok namin sa chapel ay saktong mayroon namang kinakasal na magkapareha. Kaya nanatili lang kami sa bandang likurang bahagi ng chapel at pinanood ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong hindi naman namin personal na kilala. Ngayon ko na-gets kung bakit gusto ni Jhela na dito ikasal, ang ganda kasi talaga at ang romantic ng ambiance. Tamang-tama lang ito para sa mga magkaparehang gugustuhin ang isang intimate wedding.

Napalingon naman ako sa katabi ko nang tumikhim siya, "amaze?"

"Yes, ano kayang feeling ng bride 'no?" sagot ko kay Steve. Para na naman akong tanga na nag-i-imagine. Kunwari ako 'yung bride tapos si Steve 'yung groom. Wah! Heaven.

"Malalaman mo rin 'yun, sa ngayon i-enjoy muna natin at bumawi muna tayo sa isa't isa. Pasasaan ba at diyan din naman ang tuloy natin," tila siguradong-siguradong sabi ni Steve at bigla nang lumakad palabas ng chapel.

"Yiee, narinig ko 'yun," nang-aasar na bulong naman ni Keighla sa akin. Wah! Pahingi ng hangin, please lang. Hindi ako makahinga!

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now