Chapter 56

39 10 0
                                    

Kakarating lang namin sa rest house nila Steve. Maganda at malawak 'yung sakop ng lugar, kung gugustuhin mo ngang mag-soul searching ay tiyak na masusulit iyon dito. Bukod kasi sa sariwang hangin na dulot ng mga puno at halamang nakapaligid sa lugar ay kitang-kita rin ang malumanay na ambiance. Kahit na kailan, hinding-hindi ako mananawa na tignan ang dagat. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pinipilit ni Steve 'yung idea na magpunta kami dito.

"Grabe! hindi ako makapaniwala sa mga parents ninyo," ani Keighla at bitbit ang maleta niya. Mabuti nga at hindi ako nahirapang ayain ang babaeng 'to kahit walang kasiguraduhan na sasama siya. Sa pagkakaalam ko kasi, may balak siyang magpunta ng Hong Kong for a week.

"U-uy teka!" Pigil ni Keighla pero wala na rin itong nagawa. Sinundan na lang nito si Kevin na ngayon nga'y bitbit na 'yung bagahe niya.

Napasiko tuloy ako sa katabi ko ng wala sa oras dahil sa kilig na nararamdaman ko para sa dalawa.

"What?" ani Steve. Napatingin naman ako sa kaniya at hindi maipinta ang itsura niya dahil sa pagkakalukot ng mukha.

"Ano?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya tapos biglang kinuha 'yung maletang hawak ko. Napatulala na lang ako at nang mapagtanto ko 'yung ginawa niya ay sinundan ko na rin ang paglalakad niya. Medyo nagmadali lang ako, kung bakit naman kasi ang laki humakbang ng taong 'to?

"Mga babae talaga, gustong-gusto inaalila 'yung mga lalaki. Palibhasa alam nilang hindi kami makakatanggi." Narinig kong binubulong ni Steve. Ano raw? Pinagsasabi ng isang 'to?

Bahagya ko naman siyang hinampas sa balikat para sirain 'yung moment niya. Magsalita raw bang mag-isa? May imaginary friend siguro.

"Ano?" tanong na naman niya. Tagalog naman ngayon. Hays.

"Anong ano? Napapano ka ba riyan? Saka bakit mo ba inagaw 'yang maleta ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Napailing na naman siya at parang naguguluhan na rin. Siya pa 'tong may ganang maguluhan? Ang weird.

"Ang hirap n'yo talagang i-spelling-in na mga babae. Kanina gusto mong dalhin ko rin 'yung maleta mo tapos ngayon naman parang ayaw mo na. Ano ba talaga?" tila napu-frustrate nang sabi niya. Ayun nga't naihilamos niya pa 'yung kamay sa mukha niya.

Natawa naman ako nang makuha ko 'yung pinapatukuyan niya. "Bakit, narinig mo bang sinabi ko? Kaya maraming nasasaktan sa mundo eh, binabase sa interpretasyon ang mga bagay-bagay tapos ang ending? Hindi naman pala tama kaya ayun at sumablay."

Kinuha ko na 'yung bagahe kong hawak niya. Hindi dahil sa mag-iinarte ako o ano, syempre dahil sa kaya ko namang gawin 'yun. Nagpatiuna na ako at hindi ko na lang pinansin 'yung pagtawag niya sa akin. Natatawa pa rin kasi ako sa kaniya. At baka mamaya ay kung saan pa humantong ang pagkaaliw ko sa lalaking 'yun. Ang harot, Ali!

"Hello? Yes po... Opo, dito nga po sa... Wait po..." Kanina pa parang tangang kumakausap sa wala si Keighla. Hawak-hawak pa nga niya ang cellphone niya bilang props. "Saan nga ulit 'to sa Batangas?" Kausap niya naman sa amin.

"Nasugbu," sagot naman ni Althea dito. Hindi ko alam kung naniniwala ba siyang may kausap nga si Keighla. Diskumpyado ako, knowing her? For sure bored na naman 'yan kaya walang magawa.

"Ayun po, nasa Nasugbu raw po... Eh ayun nga po... Kanina pa po kasi kami nandito kaso mukhang may gera pong nagbabadya... Pwede po ba kayong magpadala ng tauhan dito? Pang-depensa lang po..."

See? Lakas ng sayad. Pero tama 'yung sinabi niya. Mula kasi ng makapasok na kaming lahat dito sa bahay ay wala namang nagtangkang magsalita liban kay Keighla. Para kaming mga nagpapakiramdaman lalo na at mukhang wala sa mood si Steve. Ewan ko ba naman sa isang 'to. Kanina naman maayos pa kami, kahit nga medyo naiirita na siya sa mga parents nila na hinatid pa talaga kami hanggang dito. Nagbago lang talaga 'yung mood niya matapos nga naming mag-usap tungkol sa maleta.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now