Chapter 10

108 27 2
                                    

Bago tuluyang makapuntang gym ay may nangharang sa aking estudyante. Sa tantiya ko ay nasa 3rd year high school na siya. Mukha kasing ahead ako ng isang taon sa itsura niya. Clean cut ang buhok niya, malinis siyang tignan. Lalo pa at mukhang hindi man lang nagkaroon ng kahit isang lukot ang polo nito at pants. Yung sapatos niya, napakakinis at kintab. Papasang model ng kiwi ang sapatos niya.

"Ikaw ang babaeng nasa picture na ito 'di ba?" sabi niya at pinakita sa akin ang pinaka-iniingatan kong picture. Oo, tini-treasure ko talaga ang litratong iyon at ingat na ingat doon. Ayaw kong ipakita iyon sa kahit na sino kasi mukha akong sinaniban ng mangkukulam sa picture na iyon, halloween party namin iyan noong elementary at ako pa ang nanalong best in costume. Ayoko ng malaman pa nila iyon. Baka pagtawanan lang nila ako. Mabuti na nga lang at isa lang ang kopya nito. Paano? Yung film camera pa ang gamit sa pagkuha nito. Actually, susunugin ko na dapat ito pero pinipigilan ako ng katotohang sayang ang perang pinan-laminate doon.

"P-paanong napunta sa iyo 'yan? Amin na yan!" natutulirong sabi ko at pilit hinablot dito ang picture. Iniwas naman ng batang lalaki na ito yung picture. Pumunta ako sa bandang likuran niya.

Jeez, gusto mong makipaglaro ah!

Humugot ako ng malalim na hininga at hinatak ang polo niya. Walang anu-ano ay nagkaroon ng gusot ang polo niya. Hinatak ko naman iyon dahilan para mapahinto siya sa pag-iwas. Humarap siya sa akin, hinablot ko naman 'yung picture at hindi ako nabigong kunin iyon. Mabuti nalang at hindi napunit.

Nginitian ko ng nakakaloko ang lalaking kaharap ko at akmang sasapakin ko na gamit ang nakatikom kong kamao ng biglang may narinig kaming nagsalita.

"Alisha, pati sa bata pumapatol ka?" kilala ko ang boses na iyon. Lumapit sa amin ang taong nagsalita. Hinawakan niya ang kamao kong nakahanda na sa pagsapak sa batang nasa harap ko. "Kung gusto mong sundan ang yapak ko papunta sa guidance office, sige ituloy mo. Pero kung ayaw mong maging dalawa sa classroom natin ang mapatawag sa guidance office this school year, ibaba mo na 'yan," may awtoridad na sabi nito at binitawan na ang kamay ko. Tumalikod na ito sa amin at naglakad na palayo.

Eto na naman ako, sinusundan lang ng tingin ang paglayo mo.

Binalingan ko na ulit yung lalaking nasa harap ko. Mukhang nawiwindang sa mga inaaksiyon ko. Kumalma naman ako at binitawan na ang polo niya.

"Saan mo nakuha ang picture na ito?" kalmadong tanong ko sa kaniya.

"E-eh, pinaabot lang po ng lalaking nasa labas ng gate eh. Sabi niya po iabot ko sayo once nakita kita. Eh, kamukha mo kasi talaga ate eh. Lalo pa po kanina noong nagalit ka," may takot sa boses na sagot niya sa akin.

"Sinong lalaki iyon? Nasaan siya?"

"Eh di ko lang po alam. Sa gate ko lang po kasi siya nakita."

"Tingin mo, anong year na siya?"

"Tingin ko po 4th year, kaso hindi siya dito nag-aaral eh," aniya at napakamot sa ulo.

"Psh. Ganoon ba? Sige pupunta nalang akong gate. Salamat ha?" sabi ko. Pupunta na ko sa gate, baka nandoon pa ang taong iyon. "Oo nga pala, anong itsura nung tao na nag-abot sayo nito?"

"Basta po lalaki siya. Matangkad po sa akin. Basta ate malalaman mong siya yun kapag may nakita kang naka-uniform from Academy of Virtue tapos hawk na kulay itim ang backpack niya. May sumbrero siyang pula ate tapos nakasalamin," describe niya sa lalaki. Tinandaan ko nalang ang mga sinabi niya. Sana nga nasa labas pa ang taong iyon.

"Okay, thanks. Oo nga pala, wag mo pagkakalat ang nakita mo ah? Or else," paalala ko dito at tinignan ito ng makahulugan. "You're dead," pahabol ko bago tuluyang iwan siya. Nakita ko namang pasimple pa siyang lumunok dahil sa sinabi ko.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 12:35nn palang naman, may 25 minutes pa ako. Sapat na iyon para kumprontahin ko ang taong lumapastangan sa picture ko.

Nang makalabas sa gate ay agad ko namang nakita ang estudyanteng nakaupo lang sa waiting shed. Kapag sinuswerte nga naman. Nakasuot ito ng red cup. Black ang hawk backpack nito. Walang anu-ano ay nilapitan ko ito. Nakayuko naman ito kaya di ko maaninag aninag ang itsura nito. Pero siguradong sigurado talaga ako na ito nga ang taong tinutukoy ng batang humarang sa akin kanina.

"Hoy, ikaw!" sigaw ko dito ng makarating ako sa harap nito. Napataas naman ang ulo nito mula sa pagkakayuko at tinignan ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ulit ang pamilyar na taong ito.

"Hindi ikaw ang pangalan ko, I'm Kevin. Nice meeting you again. Mangkukulam," anito at inilahad ang kamay nito. Akala naman niya aabutin ko iyon at tatanggapin.

In his dreams! Pagkatapos niya akong tawaging mangkukulam!

Sa halip na tanggapin ang kamay nito ay sinipa ko ito sa paa. Napapilipit naman ito sa sakit. Dala na din siguro ng hindi nito inaasahang pagkakasipa ko.

"Sa susunod, wag kang mangingialam ng gamit ko! Siguro kinuha mo yung picture sa bag ko noong natutulog ako sa jeep ano?! Hindi porket ginawa kong unan ang balikat mo ay pwede ka ng mangalkal sa gamit ko. Isa pa, sino nagsabing mangkukulam ako?" naiinis na sigaw ko dito. Tatalikuran ko na sana ito ng bigla naman itong nagsalita.

"Nalaglag kasi noong bumaba ka ng jeep. Ibabalik ko sana sa'yo kaso hindi na kita nakita nung bumaba ako sa jeep. Hahabulin sana kita eh kaso nakasakay ka na ata nun. Iaabot ko sana sayo ng personal kaso di naman nagpapapasok ng outsider dito. Kaya pinaabot ko nalang sa isang estudyante kanina. Sorry naman kung tinawag kitang mangkukulam. Hindi ko naman expect na magagalit ka pala," paliwanag nito dahilan para matigilan ako. Bakit ba napakahirap makakita ng pangit na ugali sa isang ito? Feeling ko tuloy ang sama sama kong tao dahil sa ginawa ko dito.

"Huwag ka ng magalit, Althea" pahabol na sabi pa nito.

Althea? Hindi ako si Althea. Hays!

Bahaw na napangiti ako at naglakad na nga pabalik sa school. Ni hindi ko man lang itinama ang pag-aakala nitong ako nga si Althea. Ewan ko ba.

--

A/N:

Yehey! May pangalan na si Kuya! Siya pala si Kevin! Sino nga ba si Kevin? Ano nga bang dahilan at parang curious na curious siya kay Althea? Siya, sige. Sabay sabay nalang nating subaybayan at tutukan. Happy readings! Mwah. 😘😘

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now