Chapter 35

45 10 0
                                    

Steve Point of View

Katabi ko siya ngayon. Hindi ako makapaniwalang katabi ko siya. Napakatagal kong hinantay ang araw na ito. Napakatagal kong pinangarap na sana magkita ulit kami. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Sa paggising sa umaga at bago matulog sa gabi. Hindi pwedeng hindi ko siya maisip.

Sa tuwing magkakaroon kami ng achievement sa barkada, palagi kong iniisip kung ganoon din kaya siya? Masaya ba siya kahit wala kami? Kahit wala ako? Kasi ako, hindi ako lubusang masaya. Hindi ko maramdamang buo ako kasi tuluyan niya ng nilayo ang sarili niya. Para siyang anino na nakabuntot sa aming lahat.

Walang araw na hindi namin siya naaalala sa tuwing may mga bondings kami. Palagi siyang included sa plano namin. Sa mga souvenirs na binibili namin tuwing may out of town or out of the country vacation, palagi kaming naglalaan ng para sa kaniya. Kapag nga may mga Christmas party kaming isinasagawa, kasama rin siya sa exchange gifts.

4 years. Apat na beses na akong walang natatanggap na regalo tuwing pasko. Apat na taon na akong walang ka-exchange gifts at apat na taong delayed na rin iyon. Pero iyong regalo ko para sa kaniya? Nandoon lang sa apartment na binili namin ng barkada at maayos pa ring nakatabi. Sadyang bumili kami ng isang apartment para gawing tambayan o kaya venue kapag may celebration. Hindi naman kami nahirapan kasi malaki rin ang naging ipon namin sa allowance na binibigay ng parents namin.

Kahit nga 'yong t-shirt na suot namin ngayon, mayroon ding inilaan para sa kaniya. Dala ko iyon ngayon at ganoon nalang ang excitement naming lahat ng malamang sa school pala niya maglalaro si Kevin as import. Iisang pamilya lang ang may ari ng St. Augustin's University --- school namin sa Manila at St. Monica's University --- school na ito sa Zambales. Devotee ang may-ari ng school na ito sa dalawang Santo kaya hindi kataka-takang ito ang ipinangalan sa dalawang university. Parehong prestige school ang dalawang university na hindi naman talaga kataka-taka. Maraming estudyante ang nangangarap na makapasok doon. At sigurado akong ang school din na ito ang pinakatanyag sa Zambales.

Aaminin kong sobra akong nagalit noon kay Alisha. Napakadaming tanong na pumasok sa isip ko at pakiramdam ko noon, walang totoo sa mga ipinakita niya sa akin. Nagalit ako kasi sobra akong umasa sa kaniya. Laro lang ba talaga para sa kaniya noon 'yong mga pag-aalalang ipinapakita niya sa akin? Wala lang ba sa kaniya noon 'yong nangyari sa amin ng JS? Sobrang kinatuwaan lang ba talaga niya 'yong idea na crush ko siya? Damn! If she only knew how much I wanted to show her my feelings, sana noon ko pa ginawa. Matagal ko na siyang gusto. Matagal na matagal na. Pero hindi ko lang magawa dahil kay Althea. Sinabi ko noon sa Daddy ko na 'wag niya nang ipilit ang gusto nila but he still insist and even threathened me.

Althea has been part of me since birth. Anak siya ng best friend ni Daddy at hindi lingid sa aming dalawa ang kagustuhan ng parents namin na kami ang magkatuluyan. Wala namang merging of business na involve sa kasunduang iyon. They just badly want us became an official family. I think. Hindi naman kasi ako pwedeng ipagkasundo sa ate ni Althea dahil mas matanda ito sa akin. And since unico ijo ako sa apat na magkakapatid, walang choice si Dad kundi ako ang ipagkanulo. Hindi ko maintindihan ang obsession nila sa bagay na iyon. Hindi ko makita ang logic o punto.

Akala ko noon, hindi tototohanin ng dalawa ang kasunduang iyon. Umalis ang family ko at nag-migrate sa ibang bansa. Iniwan nila ako ritong mag-isa at ipinagkatiwala sa kasambahay naming si Aling Rosa. They kept on telling me to check on Althea. Na dapat daw ingatan ko siya. Na dapat daw gawin ko ang lahat para kami ang mag-end up together. Sobra ang naging pagtutol ko noon hanggang sa isang araw, nag-transfer si Althea sa school namin. Para bang sinasadya na paglapitin talaga kami. Pero alam kong parehas kami ng nararamdaman ni Althea. Alam kong may iba rin siyang gusto at alam niyang gusto ko rin si Alisha. Supportive nga siya kung tutuusin sa nararamdaman ko pero ganoon nalang ang galit ko ng makatanggap ako ng tawag galing sa Daddy ko. He told me that I should lived together with Althea now. Like the hell! I'm just 16 during that time. Ano bang tumatakbo sa isip nila? Nasisiraan na ba sila ng bait?

Sa galit ko ay pinagsusuntok ko ang pader at hindi sadyang nahuli naman ako ni Ms. Dela Cruz --- ang guidance counselor namin. She kept on asking me but I didn't answer any of her question. Baka nga matawa lang siya kapag kinwento ko ang obsession ng parents namin ni Althea eh. Baka pagtawanan lang niya 'yong idea na nasa isang bubong nalang kami nakatira ngayon ni Althea. Na kaya ako nagwala kasi sinabi nilang hinatid na ni Tito Lex ang gamit ng anak sa bahay namin and I've no choice but to deal with it or else, hindi nila ako susuportahan. At sino ako para tanggihan sila? Ni hindi ko nga alam kung may tatanggap sa akin sa trabaho eh menor de edad pa ako nang panahon na iyon.

Iniwasan ko ang barkada ko kung saan mabilis lang na napabilang si Althea. Ewan ko ba naman kasi kung bakit agad nakasundo ni Alisha ang huli. Noong una, halos tutulan ko ang pag-insist ni Alisha. But who am I to say no? I can't even resist her charm!

Pero kahit na ganoon, naging pabor pa rin naman sa akin ang lahat. Naging masaya naman ako kahit pa nag-eexist sa mundo ko si Althea. Ang mahalaga lang naman sa akin noong mga panahong iyon, nasa malapit lang si Alisha. Nasa tabi ko lang siya. At alam ni Althea ang bagay na iyon. Alam niya lahat ng nararamdaman ko. And blessing in disguise na rin na kasama ko siya sa bahay. Para akong nagkaroon ulit ng pamilya sa presensiya niya. Siya pa nga ang halos nag-insist sa akin na ayain si Alisha noong JS namin. At nagkataon namang umuwi si Ate Jasmin noon kaya nagkaroon kami ng instant service. Alam kong hindi siya tatanggi kasi siya lang ang nag-iisang pinsan ko. Only child kasi si Mommy at isa lang ang kapatid ni Daddy. At si Ate Jasmin nga anak nito. Ate Jasmin knew everything about Ali. Siya ang palagi kong kinukwentuhan noon pa man. Kahit pa noong nag-migrate sila, nagkakausap pa rin kami sa chat. At katulad niya? Hindi rin niya ma-gets ang obsession ng parents namin ni Althea at sukat ba namang i-set up kami ng mga ito.

A/N:

Time check: 3:04pm, 2017 Dec 24

Advance Merry Christmas po! 😘

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now