Chapter 57

35 9 0
                                    

Steve Point of View

Punong-puno ng paghangang sinundan ko lang ang bawat kilos ni Ali. Hinahayaan ko lang 'yung sarili ko na magpatangay sa emosyong sa kaniya ko lang talaga naramdaman. Minsan nga napapaisip ako kung tama bang nasa harap ko na talaga siya at kasama? May mga pagkakataon pa rin kasing hindi ako makapaniwala. Sa apat na taong hindi namin siya nakita at nakasama ay aaminin kong minsan ay nakuntento na lang ako na alalahanin 'yung alaala naming dalawa. Na nakuntento na lang akong tignan 'yung mga litratong kasama siya. Naroon din 'yung mga stolen shots niya na pasimple kong kinukuha kapag hindi siya nakatingin. Aaminin ko na kahit may bahagyang kirot sa tuwing titignan ko ang mga litrato at aalalahanin 'yung memories ay masaya pa rin naman ako. Kasi alam ko naman na kahit hindi umakma sa kagustuhan ko 'yung nangyari ay hindi naman maikakailang naging masaya ako. At 'yung mga larawan at alaalang iyon ang nagpapatunay nun.

Naalala ko tuloy noong fourth year highschool kami, naisugod ako noon sa ospital kasi ang taas ng lagnat ko. Nagpalitan sila noon sa pag-aalaga sa akin at nang magising ako't madatnang natutulog si Ali ay hindi ko napigilan ang sarili kong kuhaan na naman siya ng litrato, ang cute kasi talaga niya. At iyon din 'yung unang pagkakataon na nahuli niya akong kinukuhaan siya ng stolen shots. Kung bakit naman kasi napanatag akong huwag lagyan ng password ang lock ng cellphone ko noon?

Na-ospital ako noon kasi hindi ko na napigilan 'yung sarili ko sa sobrang pag-aalala kay Alisha kaya kahit alam kong medyo masama na ang pakiramdam ko ay sumugod pa rin ako sa malakas na buhos ng ulan para lang mabilhan siya ng damit. Kilala ko kasi siya, may mga pagkakataon na kahit nasa alanganin na siya ay hindi niya kakainin ang pride niya dahil sa takot na mapahiya. But don't get her wrong, ayaw lang kasi talaga ni Ali na napapasubo o humaharap sa conflict. Kung kaya niyang takasan iyon ay tatakasan niya talaga kasi madali siyang maapektuhan. Usually, nagpapalipas lang naman si Ali ng ilang oras o araw pero babalik din naman sa normal na parang walang nangyari. Kaya siguro hindi ko rin masisisi 'yung naging desisyon namin noon na hayaan muna siya. Hindi naman namin kasi in-expect na hahantong sa ganoon 'yung desisyon niya, to the point na hindi na talaga siya magpapakita pa sa amin.

Kaya malaking pasasalamat ko talaga sa Diyos kasi kahit medyo natagalan ay sinagot pa rin niya 'yung mga panalangin namin. At nasa harap na nga namin 'yung kasagutan na 'yun. She's back and we're good. Nagsisimula na kaming bumuo ulit ng panibagong alaala na para bang walang nangyari noon.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong maghiyawan na naman 'yung mga kaibigan ko nang magsimula na nga siyang kumanta. Hindi ko itatangging lalong bumilis ang tibok ng puso ko at napako lang ang tingin ko sa kaniya habang kumakanta.

🎶 If  you love me, like you tell me
Please be careful with my heart
You can take it, just don't break it
Or my world will fall apart 🎶

Panimula niya sa pagkanta. Hindi maikakaila na napakaganda ng boses niya, kahit yata itapat siya kay Lea Salonga ay makakasabay siya. Mas lalo akong napapatangay sa nararamdaman ko lalo pa at kitang-kita ko sa mga mata niya 'yung tingin niyang punong-puno ng emosyon. Katulad iyon nang mga rumehistro sa mga mata niya noong prom namin.

🎶You are my first romance, and I'm willing to take a chance
That til life is through, I'll still be loving you
I will be true to you, just a promise from you will do
From the very start, please be careful with my heart 🎶

Tumatagos sa puso ko 'yung bawat salita sa kinakanta niya. Para bang sinadya niyang ito ang awitin upang mas ipabatid sa akin 'yung gusto niya. At syempre, kahit hindi man niya sabihin sa akin ay gagawin ko iyon. Hinding-hindi ko gugustuhin na masaktan na naman siya, handa akong gawin ang lahat at palagi kong gugustuhin na alagaan ang puso niya.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon