Author's Note

66 9 0
                                    

First of all, I am sorry to disappoint you, but I don't think writing its special chapter could be possible at this very moment. So again, sorry.

But one thing is for sure, one of these days its special chapter will be posted here. Just give me enough time to figure things out. Honestly, there's a couple of idea that tickling my mind and I don't want to waste it for doing an impulsive act.

For now, let us be contented with the way how the epilogue ended. It's still a happy ending, right?

At bago pa man maubos ang dugo sa ilong ko, tutuparin ko pa rin 'yung isa sa mga pangako ko sa A/N ng epilogue. I'm gonna give you my take and reflection to this story, please be ready for a one chapter nobela. Joke.

In case isa ka sa mga reader na hindi hilig ang magbasa ng author's note sa dulo ng bawat chapter, bibigyan na lang kita ng idea. I started this story 3 years ago. Yes, almost or maybe more than a thousand days before I finally write its ending. And I must say, kakatwang parang umakma siya sa title ng kwentong ito. Maybe this time.

Sa totoo lang, buburahin ko na talaga dapat 'to noon pa man. Kasi pakiramdam ko, hindi ko na kaya pang bigyan ng justice. Mas lalong hindi ako kumpyansa na baka hindi ko na maisulat ito sa paraang hindi mahahalata na kay tagal ko na pala 'tong nagawa. May chapter na 2017 na-publish, 2018, 2019, and yes this year. Oha! Parang kumuha lang ako ng isang course sa college tapos iba-ibang year ko na-take ang mga subjects. At aminin natin, hindi naman lahat ng subject ay pareparehas 'di ba? At iyon ang ikinatakot ko, baka hindi na maging parehas ang tunog o takbo nito kaya totoong napag-isipan ko talaga na burahin ito.

Pero blessing in disguise na nabagot ako because of quarantine/lockdown. Nakita ko na lang 'yung sarili ko na nag-install ulit ng wattpad, nagbasa, and eventually ay nagsusulat ulit. Yey!

So, anong take? Gusto ko lang sabihin sa inyo na lahat ng bagay ay may kaniya-kaniyang oras. Noon, sinukuan ko na 'to. Noon, hindi ko na naisip na matatapos ko pa 'to. Noon, hindi ko na inabala ang sarili kong ituloy ito pero ngayon? Tapos na! Congrats, self. Natapos mo na!

Katulad ng kwento nina Steve at Alisha, pwedeng maraming oras na nasayang. Pwedeng maraming doubts, regrets, what if's na pinagdaan pero hindi 'yun nakapigil para matuloy ang kwentong naudlot o tila sinadyang iudlot ng pagkakataon. At doon masasabing, may tamang oras talaga para sa lahat ng bagay. At madalas, nangyayari iyon sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon. At eventually, matututong i-deal ang routine. Matututong i-compromise ang situation. Matututong isuong ang sarili sa mas worth it na pangyayari.

Madalas kasi, napipigilan tayo ng sarili nating patibong. Gumagawa tayo ng mga pader na sa tutuusin ay may kakayahan naman talaga tayong tibagin. Napapahinto tayo sa paghakbang kasi napangungunahan tayo ng pangamba, takot, hakahaka, at galit. Nagiging bingi, bulag, o inutil tayo sa katotohanang dapat din nating makita. At ang masakit na parte, bakit kailangang pagdaanan pa 'yung mga shit na 'yun 'di ba? Kasi nga, baka may gustong ituro. Baka may gustong ipa-realize at kung papahintulutan natin ang sarili nating alamin iyon, tiyak na sa tamang pagkakataon ay masisilayan iyon.

Huwag kang matakot na masaktan. Huwag kang matakot na mahirapan. Huwag kang matakot na mabigo lalo na kung dahil sa pagmamahal. Sapagkat hindi ka tunay na nagmamahal, kung hindi ka handang pagdaanan iyan.
Dapat mo ring maunawaan na hindi galit ang kabaligtaran ng pagmamahal. Bagkus ay tinatakpan lamang nito ang katotohanang dapat ay nakita mo ng matagal. Ngunit ayos lang 'yan. Dahil hindi natin ma-a-appreciate ang ganda ng bahaghari kung walang ulan. Isa pa, wala kang dahilan para hindi panlabanan ang iyong kabiguan. Dahil may kakayahan ka upang ito ay lagpasan.

Naalala mo ba 'yung sinabi ni Keighla? Pag-iyak ang una nating ginawa nang isilang tayo sa mundong ito. Bukod sa sinisimbolo ng pagsilang ang pag-asang tangan, tila ba sinasabi rin nitong mapagkakayanan natin ang mga kabiguan at tiyak na ito'y malalampasan. Kailangan lang nating magdesisyon at payagan ang pagkakataong ituro iyon. Upang sa tamang oras, ay masisilayan mo rin ang mga dahilan kung bakit mo nga iyan pinagdaraanan.

Komplikado na ang buhay, kaya't huwag ka nang makisabay. Maaari namang sarili mo'y ihiwalay, upang totoong kaligayagan ay sumilay. At bilang pinagbigyan mo akong ibahagi sa iyo ang kwentong ito, hayaan mong ibigay ko rin sa'yo ang panalanging nawa ay tugunin Niya ang ninanais ng iyong puso. Magtiwala ka sa Diyos na lumikha, sapagka't Siya ang higit na nakakaalam ng mga bagay na dapat mong madama't makita.  For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. (Jeremiah 29:11 NIV)

Ikaw, anong take mo o natutunan dito sa kwento? :)

MULA PO SA KAIBUTURAN NG AKING PUSO, TANGGAPIN N'YO PO ANG DUGONG DUMADALOY RITO. JOKE. HAHAHA!

Eto na nga, seryoso na.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat po sa pagtitiwala sa kwentong ito. Diyos na po ang bahalang magbalik ng kabutihang taglay ng inyong mga puso. Hanggang sa muling kwentong isusulat ng inyong lingkod! God bless po. :)

At kung nagandahan ka man po, okay lang po bang i-request ko na i-suggest ito sa iba? Feel free na rin po sa pagbibigay ng mensahe kahit sa message board sa profile ko. Salamat ulit! :)

Yours truly,
xarisagape 💕
August 16, 2020; 1:55PM

--

May naisip lang ako, and I don't want to deprive you with this kind of scene. Hope you won't mind! :)

--

As I was looking to my friends, my parents and his whom I didn't know was here, I gratefuly met his gaze. And for the first time in my whole existence, I met his lips to mine. And yes, I Alisha Marie Gan, took a first move for our very first kiss 'cause I am too overwhelmed with emotions.

His eyes widen as his lips met mine. And after a few moment, he told me, "Ali! That kiss was supposedly be saved for our wedding!"

As I absorb his words, I panicked and realized that I crossed the line. God, forgive me!

Hmm. Masyado bang conservative? Ganoon talaga. Katulad ng white rose na ibinigay niya, we want this relationship as pure as possible. Pero alam kong maiintindihan ako ng Diyos. Nagmamahal lang naman kasi ako.

"Ali! You're amazing!" tila naaaliw at hindi makapaniwalang papuri sa akin ni Keighla na para bang hindi na inda ang bigat ng mga kaibigan naming nakapatong sa kaniya.

- the end -

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now