Chapter 53

46 10 0
                                    

Wala pang isang oras ay nakabalik na rin sila Steve at Althea. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling pero halata pa rin na may hindi sila sinasabi at parang masayang-masaya pa sila.

"Ali, may gagawin ka ba?" tanong sa akin ni Jhela.

"Wala naman."

"Tara samahan mo muna ako," aya niya sa akin at hindi na ako nagdalawang isip pa. Mas mabuti na rin ito kesa mainis lang ulit ako na makitang masaya 'yung dalawa.

Lumabas na nga kami ng bahay at kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay sumunod lang ako sa kaniya.

"Ali, alam mo ba ang dami-dami kong gustong ikwento sa'yo lalo na tungkol sa amin ni Jules," mababanaag 'yung kilig sa mga mata niya habang nagkukwento sa akin.

Nandoon na sinabi niya kung paano sila nagkaaminan ni Jules, kung paano siya nito niligawan, at kung gaano ka-epic 'yung moment na sinagot niya ito. Hindi maikakailang masaya si Jhela sa pag-alala sa mga iyon.

"Ikaw, Ali. Kailan ka magpapakilala sa amin ng taong mahal mo?" mayamaya'y tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng bahagya, hindi ko kasi inasahan na biglang sa akin mababaling 'yung usapan. Napagod na marahil siya sa pagkukwento sa akin kaya ako naman ang naisipang tanungin.

Sakto naman na nasa playground na kami ng village kaya humanap muna kami ng pwesto na pwedeng tambayan. Naupo na nga kami roon sa bench na nasa ilalim ng malaking puno.

"Sa totoo lang, kilala n'yo na siya." Sagot ko sa tanong niya. Ayaw ko nang magpa-mysterious effect pa kay Jhela. Kasi kahit naman itanggi ko, alam kong aaminin at aaminin ko pa rin sa kaniya. Katulad nga ng naikwento ko na rin noon, siya ang pinakamalapit sa akin. Pero siyempre, alam ko ring bukod kay Jhela ay may isa pang tao na pwede at malaya kong mapagsasabihan, iyon ay si Keighla. Hmm, ngayon ko lang na-realize na magkatunog pala ang pangalan nila. Bahagya tuloy akong natawa sa naisip ko.

"Sabagay, highschool pa lang tayo alam ko namang may something na talaga sa inyo. Alam mo ba, kung hindi lang talaga nangyari 'yun noon, hindi na ako magtataka kung mas nauna pang maging kayo kesa sa amin ni Jules," tila may kasiguraduhang sabi niya. Medyo nag-alinlangan naman ako roon. Pakiramdam ko kasi, baka mali siya. Oo, aminado naman ako sa kakaibang nararamdaman ko noon kay Steve at hanggang ngayon ay batid ko pa ring parang ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Sa tutuusin ay mas naging sweet nga siya. Nasasanay na nga ako sa madalas niyang paghawak sa kamay ko, sa mga panakaw niyang paghalik sa tuktok ng ulo o noo ko,sa nakalulunod na pagtingin niya sa akin, sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga, at sa kung paano niya nabubuo 'yung araw ko. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung may bahagi sa akin na pumipigil sa posibilidad na parehas kami ng nararamdaman? Ni minsan kasi ay hindi ko naman narinig sa kaniya na mahal niya ako. Ni minsan ay wala pa siyang ginagawa para ikompirmang tama nga ang naiisip ko. Ayaw ko namang umasa sa isang bagay na hindi ko sigurado kung tama nga ba ako o hindi.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Jhela at isa ito sa mga na-miss ko. Alas-singko y media na ng hapon nang mag-aya si Jhela na umuwi. Kamuntikan na rin pala kaming abutin ng gabi, ang dami kasi talaga naming napagkwentuhan. Naglakad na nga kami pauwi at nang nasa tapat na kami ng bahay ay may kakaibang kaba na biglang nabuhay sa dibdib ko.

"J-jhela, ano 'to?" baling ko sa kaniya at base sa nakikita kong reaksyon niya, may ideya siya sa kung anong nangyayari ngayon.

"Sorry, Ali. Kailangan ko lang talagang gawin 'to pero huwag mo isiping napilitan ako na ayain ka ha? Syempre na-miss din kita. Sige na, lapitan mo na siya," malapad ang ngiting sabi niya sa akin. Napadako na nga ang tingin ko sa taong tinutukoy niya.

Ganitong-ganito rin 'yung naramdaman ko nung gabing sinundo niya ako sa bahay namin para um-attend ng prom. Parang biglang nag-flashback sa akin ang lahat, at kakatwang mas nao-overwhelm ako kahit pa simpleng white polo at brown khaki shorts ang suot ni Steve.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now