Chapter 55

47 10 0
                                    

Namamanghang nakamasid ako sa mga estudyanteng magkakapanabay hinagis ang mga itim na sumbrerong suot nila kanina. Ramdam na ramdam ko 'yung fulfillment nila at katulad din ito ng naranasan namin ni Keighla noong kami ang nag-graduate. Hindi katulad nila Steve, wala sila sa loob ng venue kung saan kami nagtapos. Limited lang kasi 'yung slot para sa guardian kaya nasa labas lang sila. Hindi katulad ko na buong seremonya ng pagtatapos nila ay nasaksihan ko. Sa totoo nga ay maya't maya akong pumupwesto sa bandang harapan ng stage kapag tinatawag ang pangalan nila. Ang dami kasi nilang awards na natanggap at naiinggit akong hindi man lang ako nakasama sa journey nila para makamit 'yun. Kaya nga kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako. Aba, punong-puno na yata ng mga litrato nila 'yung gallery ko.

"Ang galing talaga ni Steve, ano?" Nakangiting mukha ni Tita Alex 'yung nakita ko. Magkatabi kami ngayon sa pwestong nakalaan para sa guardian ni Steve. Hindi dapat ako makakapwesto rito kung dumating 'yung Daddy ni Steve kasi dalawang slot lang talaga para sa guardian ang nakalaan sa bawat estudyante.

"Yes po," sang-ayon ko at nanariwa sa alaala ko 'yung mga random moments na napapahanga ako kay Steve noon sa mga insights, performace, and skill niya bilang estudyante. "Maayos po ang pagpapalaki ninyo sa kaniya. Alam ko po na kahit hindi n'yo siya nasubaybayang lumaki ay baon-baon niya naman po 'yung mga pangaral ninyo sa kaniya."

Pagkatapos ng programa ay nag-group picture pa kami. Nandoon na nung paglabas namin ay kinunan na rin kaming walo ni Ate Jasmin. Noong una nga ay hesitant pa rin si Kevin at Keighla pero napilitan din. Choosy pa sila? Akala naman nila ikaka-strong ng feelings nila sa isa't isa 'yung pag-iinarte nila. May nalalaman pang hindi naman sila ka-group kuno, kutusan ko kaya sila? Para saan pa at sila 'yung naging kasama namin noong mga panahong hindi kami kumpleto?

"Guys, mauuna na kami. Nagpa-reserve kasi sila Mommy sa resto, eh. Alam mo na? Family celebration," paalam sa amin ni Julie. Saglit lang siyang nag-intay kasi bahagya pang nag-moment si Jhela at Jules, akala mo naman eh maghihiwalay ng pagkatagal-tagal.

"Uy, ako rin. Kanina pa ako pinapasunod sa sasakyan." Paalam naman ni Jhela kalaunan. Napailing na lang ako nang makita kong bitbit niya 'yung high heels shoes na suot niya kanina. Hindi kasi sanay 'yung babae na 'yun na magsuot ng ganoon.

"Kayo? Sasama ba kayo sa amin?" baling naman ni Steve kina Kevin at Keighla.

"Ah... Eh... Gustuhin ko man sumama sa inyo kaso naunahan na akong ayain ni my loves. Alam n'yo na, kaka-graduate lang din niya," sagot naman ni Keighla at halatang hindi mapakali ang bruha. Nako, kailan pa tinamaan ng hiya sa katawan 'tong babae na 'to?

"Paano? Una na kami. Kanina pa nag-aantay sila Daddy," sabi naman ni Kevin at humawak sa siko ni Keighla. Inakay niya na nga ang kaibigan ko na akala mo naman kung sinong tuod ngayong nagpapatianod.

Ending, kaming tatlo na lang nina Steve at Althea ang natira dito. Hindi ko naman malaman kung magpapaalam na rin ba ako kasi hindi naman ako katulad ni Keighla na may nag-aya sa kaniyang sumama sa celebration. Hindi naman kasi ako sinabihan ni Steve o ni Althea kaya baka um-exit na rin ako.

Saktong magpapaalam na sana ako pero natigilan ako nang makita ko 'yung reaksiyon ni Steve. Hindi maikakailang hindi niya in-expect iyon kaya sinundan ko na lang 'yung tinitignan niya. Isang BMW ang huminto sa tapat namin at lumabas doon ang isang may-edad ng lalaki.

"Sweetie!" masuyong tawag dito ni Tita Alex. Humalik ito sa lalaki at lumapit sa gawi namin, specifically kay Steve.

"Congrats, anak. Late na pala ako," anito at in-extend ang dalawang kamay. Yumakap nga ito kay Steve at akala mo'y isa siyang paslit nang hawakan nito ang buhok niya.

"Daddy, akala ko hindi ka makakapunta," may pananabik na sabi ni Steve.

"Pwede ba naman 'yun? Syempre gagawa ako ng paraan para makasama ka sa espesyal na araw mo."

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now