Chapter 37

45 10 0
                                    

Wala pang thirty minutes ay nakarinig na kami ng door bell mula sa labas. Alam naming si Kevin iyon. Hindi naman kasi uuwi si Aling Rosa ngayon dahil araw ng dalaw nito sa pamilya talaga nito.

Walang pag-aatubiling tinungo ni Althea ang bakuran at binuksan niya ang gate. Nakasunod na nga ito kay Althea na papasok ng bahay.

"We'll give you a maximum of hour kaya sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Please, be direct to the point para hindi masayang ang oras mo. Marami akong tanong kaya 'wag kang magdadalawang isip na sagutin."

Tumango naman si Kevin at mahinahong naupo sa katapat naming sofa.

"Anong gusto mong sabihin?"

"W-wala na si Jude. P-patay na s-siya ," malungkot na sabi nito. Halata naman ditong masakit ang binitawang salita at hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Alam kong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay.

"W-what did y-you say?" naiiyak na sabi ni Althea rito. Halatang nabigla siya sa narinig. Para bang nawala lahat ng tapang na pinaghandaan niya kanina habang hinahantay si Kevin.

Nanatili lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Ikinwento ni Kevin kung gaano ito minahal ng kapatid. Ikinwento nito ang dahilan kung bakit nag-homeschool ang kapatid. Ikinwento nitong hindi sila magkasundong dalawa ngunit may isang bagay na hiniling kapatid nito bago ito mamatay. Isang bagay na sobrang pinagsisisihan nito.

"...Jude asked a favor. He told me to fetch you in Cavite. Sabi niya, sabihin ko raw sa iyong itatanan ka na niya. Hindi siya mapalagay no'n lalo na nang magkahiwalay kayo. Alam niyang nasaktan ka no'ng magdesisyon siyang makipaghiwalay sa'yo kaya ganoon nalang ang eagerness niya na hingin ang tulong ko. Magkita raw kayo. He texted me the details at hindi ako pumayag. Sinabi ko sa kaniyang kahibangan ang sinasabi niya. Mas lalong magagalit ang parents namin sa kaniya kung gagawin niya iyon. But he still insist. Noon lang raw siya humingi ng pabor sa akin kaya nakikiusap siyang pagbigyan ko na siya. Pero hindi ko talaga kayang sumuway sa parents ko, eh. Hindi ko kayang umalis ng gabing iyon at magdahilang pupunta ako sa kung saan for some reason. At nagulat nalang ako ng biglang agawin ni Dad ang cellphone ko habang kausap ko si Jude.

"Galit na galit noon si Daddy at sinabi niyang tumigil na sa kahibangan niya si Jude. Gawin na raw niya ang lahat ng kalokohan sa mundo, huwag lang raw ma-involve sa pamilya ninyo, Althea. My parents were aware of your relationship. That's the reason why Jude broke up with you. Hindi ka raw kasi titigilan ng parents namin hangga't hindi kayo nagkakahiwalay. Pero dahil mahal na mahal ka ng kapatid ko, naisipan niya ang pabor na iyon. At hindi ako pumayag," patuloy ni Kevin sa pagkukwento. Wala namang anumang namutawi sa bibig ni Althea. Para bang hirap na hirap siyang tanggapin ang mga naririnig. Alam kong nalinawan na rin si Althea kahit paano sa mga katanungan niya noon. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang ganoon nalang ang pagtutol ng magulang nitong ma-involve kay Althea?

"And after that call? Jude texted me how furious he was. He told me how cruel I am not to help him. He kept on insisting how unlucky he is for being my brother. Hindi ko man lang raw makuhang pagbigyan ang gusto niya. Ang duwag duwag ko raw na ni minsan ay hindi magawang tanggihan ang magulang ko. Umatras na raw ba ng tuluyan ang pagkalalaki ko at tila umaabot na sa puntong nagiging sunud-sunuran na ako? Nasaan na raw ang pride ko? Bakit hinahayaan kong sundin ang gusto ng mga magulang ko? Paano naman daw ang pangarap ko? And you know what? He told me that he'll do everything to win you back. Without my help. Without the help of anybody. Ikaw lang raw ang mayroon sa buhay niya at ayaw niyang pati ikaw ay tuluyan nang mawala."

"P-pero b-bakit may n-nakita akong picture niya sa facebook? He's with another girl. T-they were holding each other's hand and masaya sila. May caption pa ngang the love of my life," naguguluhang sabi ni Althea.

"That girl's our cousin. Dad manipulated everything. He made sure that Jude will not mess up again. Pina-hack niya ang facebook ni Jude at pinapuutol niya ang internet connection sa rest house sa Tagaytay. Kinuha rin niya ang cellphone ni Jude at siniguro niyang walang magagamit si Jude para makipag-communicate sa kahit na sino. Ginawa agad ni Daddy ang lahat after that call. Right after that call, pumunta kami sa Tagaytay at mas siniguro niyang hindi na makakalabas si Jude sa bahay. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at kuntodo ang bilin niya sa mga kasambahay na 'wag hahayaang makaalis ang kapatid ko.

"Pero dahil sa likas na matigas ang ulo ni Jude, nalaman nalang namin galing sa driver namin na pumunta roon para personal na sadyain ang nag-aalaga kay Jude at sabihin ang mga bilin ni Dad, nakatakas daw si Jude at ginamit ang sasakyang dala nito. Nagkataon namang nasa Cavite kami noon at sasadyain sana ang pamilya ninyo pero hindi kami natuloy dahil kailangan naming hanapin si Jude. We're on our way to Tagaytay noon nang bigla kaming maipit sa traffic. Sa sobrang inis ni Dad ay lumabas siya para sana alamin ang nangyari.

"P-pero ganoon nalang ang kabang naramdaman ni Dad nang malaman niya ang dahilan ng mabigat na trapiko. Nagkaroon daw ng aksidente at hindi sadyang nabangga ang isang kotse sa truck van. Napuruhan daw ang sakay ng kotse at agad ding binawian ng buhay. Nang tanungin niya kung ano raw itsura ng sasakyan, mas lalo siyang kinabahan. Bumalik siya noon sa sasakyan at nagtataka kaming sumunod ni Mommy dahil hindi maipinta ang mukha ni Daddy. Nakaramdam kami ng kakaibang kaba noon at ganoon nalang ang iyak ni Mommy noon nang makita si J-jude na wala nang buhay na nakayukyok sa manibela

"T-that was the biggest nightmare that happened in our life. Ganoon nalang katindi ang paninising ginawa ko sa sarili ko. Ganoon nalang ang galit ko sa Daddy ko for manipulating everything. I also hated my Mom for tolerating my Dad. Hindi ko alam kung bakit kailangang umabot sa ganitong punto ang lahat? Hindi ko alam kung bakit kinailangan pang mawala ang kapatid ko bago nila ma-realize ang mga maling ginawa nila?

"Nalaman ko ang rason kung bakit ganoon nalang katutol ang pamilya ko sa relasyon ninyo. Your mother and my Dad had a past. Nagkaroon sila noon ng relasyon pero mas pinili ng nanay mo ang tatay mo dahil na rin sa pinagkasundo sila. Your parents company were planning a merging that would hugely help the company because it's in the crucial state. Hindi matanggap ni Daddy ang naging desisyon noon ng Mommy mo. Ginawa niya ang lahat noon at pinatuyan kung gaano niya kamahal ang Mommy mo. He even showed them how qualified and capable he was to help their company. But he found out that it's not really possible. Dahil kompanya nila ang dahilan kung bakit nasa crucial state ang company ng parents ninyo.

"My lolo was very eager to defeat your parents' company. Mortal na magkaaway ang pamilya ninyo at pamilya namin Althea. Pero hindi pa rin noon sumuko si Dad. Kahit may relasyon na sila ni Mommy, sinusuyo pa rin niya ang Mommy mo. Pero nabigo pa rin siya. Hanggang sa nalaman niyang na fell out of love na ito sa kaniya at nagsisimula ng mahalin ang Daddy mo. At dahil sa bitterness na nararamdaman ni Dad, hindi niya papayagang may maging kaugnayan sa inyo. And the arrange marriage that you and Steve has, it's also because of my Dad..."

Bigla namang nagsikip ang dibdib ko sa huling sinabi ni Kevin. Paanong nangyari na may kinalaman ang ama nito sa set up namin ngayon ni Althea? Sobrang hindi ko maintindihan at naguguluhan ako.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now