Chapter 36

45 10 0
                                    

Abot langit ang ngiti ko pagkababa sa sasakyan ni Ate Jasmin. Umalis na rin kaagad ang pinsan ko at hindi na nag-abala pang bumaba sa sasakyan nito. May pupuntahan pa raw kasi itong birthday party at sumaglit lang talaga para mahatid kami ni Alisha. Hindi na tuloy ako makapag-hantay na ikwento sa kaniya ang nararamdaman ko.

Malakas talaga ang pakiramdam kong mutual ang feelings namin ni Alisha. The way she looked at me, the way she talked to me, the way she reacted when someone asked me to dance with her, the way she asked me if I had a crush on her, the way she teased me, the way she hold my hands, I know there's a strong tie that connecting us. Alam ko at ramdam kong parehas kami ng nararamdaman. Hindi ako manhid para hindi mabigyan ng pangalan ang emosyong naglalandas sa mga mata niya kanina. Contentment, happiness, satisfaction, and love.

Kahit si Ate Jasmin, hindi nakaligtas sa kaniya ang tinging ibinigay sa akin ni Alisha. Kuntodo nga ang pang-aasar niya sa'kin kanina kesyo inuunahan ko pa raw siyang magka-love life!

Napatayo naman ako bigla mula sa pagkakaupo ko sa sofa nang tumunog ang door bell. Alam ko kung sino ang taong nasa labas. It's Althea.

Hindi nga ako nagkamali. Masayang mukha niya ang bumungad sa akin at alam kong uulanin na naman ako ng pang-aasar ng babaeng ito.

"Steve!" tili niya at walang pagdadal'wang isip na yinakap ako. "My gosh! I am really happy for you, both! Alam mo ba, sobra talaga akong kinikilig sa inyong dalawa. Kahit na 'yong pinsan kong si Nico? Halata niyang may something sa inyo. Hindi nga siya naniniwalang hindi kayo magjowa, eh."

Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. Mas lumapad at mas nadagdagan ang sayang bumabalot sa akin kanina.

"Mabuti talaga at napapayag mo ang parents mo na hanapan ka nalang ng partner ano? Kung hindi, baka hindi ko naaya si Ali."

Umismid naman siya, "hay nako. Katakot takot na paliwanag ang sinabi ko sa kanila! Sinabi ko pa ngang babalikan ko si Jude sa Tagaytay kapag hindi sila pumayag kahit hindi ko naman talaga gusto. Kahit mahal ko 'yon, ayaw ko na siyang makitang bwisit siya. At siyempre, I don't want to invade the happiness of my friends, 'no!"

Si Jude ang dahilan kung bakit parehas kami ng sentiments ngayon ni Althea. She's in love with another guy. At ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit mas in-insist ng parents namin ang kasunduan. Hanggang ngayon, hindi namin maintindihan kung bakit? Althea kept on telling me story about Jude. Sa Cavite noon nag-aaral si Althea at hindi sadyang nagkita sila ni Jude dahil sa isang common friend. Nalaman niyang hindi nag-aaral ang binata at mas matanda ito sa kaniya ng dalawang taon. Sa Tagaytay daw nakatira si Jude at pilit na pinapa-homeschool ng parents doon.

Very open siya sa story nilang dalawa. Alam ko rin ang malaking galit ni Althea kay Jude dahil sa pakikipaghiwalay nito sa kaniya. Hindi raw maintindihan noon ni Althea ang biglaang paglamig ng pakikitungo sa kaniya ni Jude at mas lalo niyang ipinagtaka na alam pala ng parents niya ang relasyon nila at parang mas ikinatuwa pa ng mga ito ang paghihiwalay nila. At minsan pa nga, naalala kong nagpa-appointment siya sa DFA para sa passport. Balak niyang magpakalayo layo at tumira ng Canada. Para lang matakasan ang mga nangyayari sa kaniya dito sa Pilipinas. Pero nang malaman iyon nila Tito Lex, sobrang sermon ang inabot niya.

Mabuti na nga lang at nagagawang umakto ng normal ni Althea kapag nasa school kami. Walang nakakahalata na sa iisang bahay lang kami umuuwi kasi may regular na sumusundo sa kaniya at ako naman? Walang pinagsasabihan kung saan ako nakatira. Nagko-commute lang ako, siyempre.

"Malakas ba ang internet connection ngayon? Gusto kong i-upload 'yong mga pictures natin, tonight."

"Hindi ko lang alam. Tignan mo nalang, hindi pa kasi ako nag-try mag-connect. Halos kakauwi ko lang rin, hinatid pa kasi namin si Ali," paliwanag ko sa kaniya.

"Ayie! Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Duma-the moves na ang semi-husband ko!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Mula nang maging close kami ay nakatuwaan na namin ang magsabi ng semi-husband/wifey sa isa't-isa. Katulad ko, pinipressure din siya ng Daddy niya at kaparehong pagbabanta lang rin ang ginawa ng mga ito sa kaniya. At least, sa larangang ito, nagkapareho kami. Parehas kaming bata pa walang alam sa buhay para kumita ng pera. Parehas kaming nakadepende pa rin sa allowance at pag-aarugang ginagawa ni Aling Rosa.

"Look, Steve! Ang pretty ni Ali dito. May picture din ako na kinunan nang magkasayaw kayo. Tignan mo, para kayong perfect couple!"

Nahawa naman ako sa kilig na nararamdaman niya nang makita iyon. No doubt, punong-puno ng pagmamahal ang malalarawan sa litratong iyon. Para bang pre-nuptial picture iyon ng dalawang magkasintahan.

Tinignan ko lang ang ginagawa ni Althea sa facebook niya. Gumawi siya sa friend request niya at pinag-aaccept randomly ang mga ito.

"Hindi mo naman ata sila kilala, bakit in-accept mo?" nagtatakang tanong ko.

"Wala lang! Para maraming likers!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Talagang likers lang ang habol niya? Napailing nalang ako. Bigla namang may nag-message sa kaniya.

It was Kevin Salcedo.

Bakit ganoon nalang ang kaba ko? At bakit parang napatulala naman si Althea sa monitor ng desktop?

Hello, Althea! Alam kong kilala mo ako. Nagkita na tayo noon sa Jollibee. Ako 'yong tumawag na mangkukulam sa kaibigan mo.

Ayon ang nabasa naming chat no'ng Kevin. So, tama nga ang hinala ko? Siya ang ang Kevin na palaging sinasamahan ni Althea. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nainis. Sobra ang pagseselos ko sa lalaking iyon sa tuwing bukambibig siya ni Alisha tapos ito, at bigla siyang nagcha-chat sa kaibigan namin? Anong gusto niyang palabasin? Magpapalakad ba ito kay Althea?

Napatingin naman sa akin si Althea at halata ang doubt niya na reply-an ito. Nagtataka naman ako sa nakikita kong takot sa mga mata niya. Muling nag-pop ang message ni Kevin.

Althea! I know it's you. Ikaw ang naging girlfriend ng kakambal kong si Jude. Yes, I am Jude Salcedo's twin brother. We're actually fraternal twins kaya hindi kami magkamukha. May gusto lang akong sabihin sa iyo.

Tama ba ang nababasa namin? Ito at si Jude ay magkapatid? Tumipa naman si Althea sa keyboard at nag-reply.

Oh. Is this a coincidence? Akalain mong friend mo pala ang kabarkada namin. Matagal mo na bang alam na magkakabarkada kami ha? Tapos ano? Katulad ka rin ng kapatid mo? Don't tell me, gagaguhin mo rin si Ali! Don't you dare!

Bigla namang nagdilim ang paningin ko sa nababasa. Mas lalo akong kinakain ng selos ko. Damn it!

No, it's not what you think. Hindi ko gagawin 'yon kay Alisha. She's a very lovable and sweet girl. And please, let's not talk about her. May kailangan kang malaman kay Jude.

Gusto ko ng manuntok! Bakit ba pakiramdam ko inaagawan ako ng isang 'to? How dare he described Ali as if he's into her? Paano nga kaya kung may feelings din ito kay Ali? Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit naaalarma ako. At mas lalong hindi ko kakayanin kung siya ang pipiliin ni Ali at hindi ako.

Okay. Fine. Pumunta ka rito sa bahay nila Steve. Nandito ako ngayon. I will wait for you. Marami rin akong gustong itanong sa iyo at malaman tungkol sa kapatid mo.

She gave our address. Kahit gustuhin kong tumutol ay wala akong magawa. Althea said sorry already. Pero dahil gusto ko namang makabawi, agad akong pumayag kahit na alam kong aware siya sa pagkainis ko sa lalaking iyon.

--

A/N:

Merry Christmas everyone! God bless po. 💕

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now