Zombie 1

26.3K 731 188
                                    

Zombie 1: Daydream become reality

Megan Stainfield

Napa ngisi ako ng makita kong malapit ko ng matapos ang level 20 ng 'The Devil's House'.

Umupo ako ng maayos at mas lalong nag focus sa screen ng computer. "Malapit na....malapit na" bulong ko.

Makaka labas na sana yung ginagamit kong character sa bahay na malagim ng bigla itong mag off.

"Fuck!!" i hissed. Bakit na off yung computer ko?! hindi naman brownout huh! Naka bukas pa nga yung aircon.

"Tigilan mo na yang ginagawa mo. The breakfast is ready" nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Naka ngiwi akong napa kamot ako sa ulo ko ng makita kong si kuya lang pala yun. Naka pamewang sya at naka taas ang kilay na naka tingin sa akin.

Ganun ba ako kaseryoso na nag lalaro kaya hindi ko napansin ang presensya ni kuya? Tsk.

"Kailan mo ba titigilan yang pag lalaro mo ng online games? Hindi ka na nag sawa" panermon nya. Pasimple akong napa irap sa hangin. Heto na naman tayo.

Ngumiti ako ng matamis sa magaling kong kuya. Tumayo ako at yumakap sakanya.

"Good morning sa pogi kong kuya. Ano ba yung ginawa mong breakfast? Alam kong masarap na naman yun" bibo kong sabi. Tumingin ako sakanya at nakita kong naka taas pa rin yung kanan nyang kilay. Nag buntong hininga ako. Waepek yung panlalambing ko.

"Parang hindi ka na nasanay sa akin, kuya. Alam mo namang hobby ko itong pag lalaro ko ng computer games" pag dadahilan ko. Mas lalong napa taas yung kilay nya ng dahil sa sinabi ko.

"Hindi gawain ng babae ang mga ginagawa mo. Pati rin yung mga kilos mo parang hindi babae. Kesa pag aaral ang atupagin mo eh computer pa ang inaasikaso mo, Megan. Hindi ka rin madalas lumalabas ng kwarto mo para lang malaro mo yung mga video games mo. Matanong nga, tomboy ka ba?" kesa magulat ako sa naging tanong nya ay malakas akong napa halakhak.

Hindi ko akalain na mapagkakamalan din ako ni kuya na tomboy ako. Well, every one knows that im a lesbian. But nuh-uh. I'm not a tomboy. Mukha lang.

Yeah, kuya is right. Hindi ko hilig na lumabas ng bahay. Isa akong tambay sa kwarto ko. Hindi ako katulad ng mga babaeng mahilig mag mall o lumabas ng bahay para lang lumandi. Ako yung taong mahilig na mag laro ng kahit anong vídeo games or online games. Kesa mag basa ng libro pang school ay mas prefer pa akong basahin yung mga comics tungkol kele Batman or si Superman.

Ang pangalan pala ng kuya ko ay Derrick Stainsfield at ako naman ay Megan Stainsfield. May lahi kaming kano ng kuya ko. Namana namin ito sa papa naming Amerikano habang ang mama namin ay Pilipina.

Naninirahan kami dito sa Amerika. Kailangan naming manirahan dito sa Amerika dahil nandito yung trabaho ng aking papa. Si mama naman ay dating sikat na kongresista dito sa Amerika pero nung naipanganak na si kuya ay naging house wife nalang sya.

But sad to say my parents are dead. Isang taon na ang nakalipas na mawala sila sa amin ni kuya Derrick.

Wala kaming ideya ni kuya kung bakit sila namatay. Wala naman silang sakit.

Pero may nabuong clue sa utak ko. Alam kong may kinalaman ito sa pinagtatrabahuhan ni papa.

Isang Commander in chief ang papa ko dito sa USA. Maraming humahanga sa papa ko dahil isa syang responsableng tao sa mga taong pinag lilingkod nya. Alam ko din na marami syang kalaban sa kongreso dahil sa kainggitan. Kaya may posibilidad na sila ang may pakana kung bakit namatay ang magulang namin ni kuya.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now