Zombie 9

11.4K 446 96
                                    


Zombie 9: First Encounter

SCHOOL

Yvonne Salazar POV

Busy akong nag ee-fb habang yung mga classmates ko naman ay nag lalaro ng kung ano-ano. Maya-maya ay dumating na din ang teacher namin sa Filipino. Pinasok ko yung phone ko sa bulsa ng palda ko at umupo ng maayos, ganon rin ang ginawa ng iba na bumalik sa kanya-kanyang upuan nila.

"Class, hindi ako ngayon makakapag klase sa inyong laha-" hindi pa natatapos yung sinasabi ni Ma'am Espiritu ng mag hiyawan silang lahat.

"Yown!!"

"Laro na ulit tayo!"

"May one hour vacant din!"


"Punta nalang tayo sa canteen, guys!?"

Umikot yung dalawang bilog ng mata ko. Lazy as always.

"Quite class!" inis na sabi ni ma'am habang pinapalo yung teachers table. Tumahimik naman silang lahat at hinintay kung ano pa yung sasabihin ni ma'am.

"May bago din kayong classmate dito, kaya sabihin nyo sa kanya ang rules and regulations dito sa loob ng classroom, maliwanag ba?" napuno ng bulungan pero agad silang sumagot na may kasamang pilyong ngiti na naka paskil sa mga labi nila.

"YES MA'AM!!" sabay nilang sagot habang nag pipigil ng tawa. Napa iling nalang ako. Alam ko'ng may masamang balak sila sa bagong transferee. How did i know? syempre nakita ng mga mata ko. Tss.

Good luck nalang sa transferee kung anong magiging welcome treat sa kanya dito. *iling-iling*

After 45 minutes.....

Mag iisang oras na pero wala pa rin yung transferee. Hindi ba yun papasok? Mga ilang sandali nalang at dadating na yung next subject.

"Psst! Yvonne! bakit wala pa kaya yung transferee? why so tagal-tagal naman yata nun?" maarteng sabi ni Patricia habang nilalaro yung dulo ng hibla ng buhok nya. Nag buntong hininga ako.

Hindi ko alam kung kapatid ko ba talaga si Patricia o hindi. Napaka childish ng babaeng yan. Nasa puberty na nga pero isip bata pa rin. Hindi naman aksidente o nauntog, pero bakit ganon ang ugali?

"Ewan ko. Bakit di mo tanungin yung transferee kung bakit?" mataray ko'ng sabi sa kanya. Inirapan nya lang ako at umiwas ng tingin.

Naka rinig ako ng hiyawan mula sa labas ng classroom. Tss. Alam ko na kung sino yun. Walang iba kundi-----


"Kyaahhhh we love you EREN!!"


And that's Eren and his jerk friends. Biglang nag tilian yung mga babaeng classmate ko ng pumasok na silang apat sa room.

Ok guys, alam ko naman na gusto nyong makilala yung mga walang hiyang tao sa buong mundo. Kahit labag sa sistema ng katawan ko ay kailangan ko parin na ipakilala sila sa inyo.

Mag simula muna tayo sa pinaka kulelat.

Si Jai Mendoza- Joker sya para sa lahat, but for me in not. Joker nga, pero hindi naman nakakatawa yung mga jokes nya. Corny. Sya ang pinaka tanga at bobo sa kanilang mag kakaiban. Hindi ko nga alam kung bakit pa yan nakatungtong ng 4th year eh, pang grade one ang talino nyan. Tinanong pa nga sa akin nyan kung anong spell ng 'orange'

Si Justin Trainor- ang pinaka gago sa kanilang apat. May kapangyarihan nga sya na hangin kaya kapag nakikita ko yung lalaking yan ay tinatangay na ako dahil sa sobrang lakas ng hangin kapag nakikita ko sya. Mahilig din yan sa mga mukhang higad, hipon, tipaklong at iba pa.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon