Zombie 14 part 2

9.5K 425 13
                                    

Third Person's POV

Nang matapos ng mag volleyball praktis ang grupo ni Mich ay agad silang pumunta sa locker room ng pang babae, para makapag palit ng damit.

Masaya silang nag ku-kwentuhan tungkol sa ginawa nilang plano kay Megan. Pero hindi nila alam na may nag hihintay din sa kanila. Ang patibong ni Megan. Ang babaeng pinaglaruan nila.

Hindi nila alam na nag kakagulo na yung mga schoolmates nila dahil sa naging sopresa ni Megan​ para sa kanila. Hindi nila nakita yung itsura ng hallway dahil dumaan sila sa likod ng school.

Hinubad na nila yung PE tshirt nila at pumasok na sa paliguan ng Locker room. Nang mag simula na silang maligo ay hindi nila inaasahan ang susunod na mangyayari.

Kesa tubig ang lumabas sa shower ay malapot na dugo ang lumabas. Masangsang ang amoy at malapot na dugo ang dumadaloy sa kanilang mga balat. Pero ang mas ikinagulat nila ay may lumabas na uod na nakikisabay sa pag labas ng dugo.

"Yuck!!!"

"What the?!"

"Ewww! Huhuhuhu!!!"

"Worms!! Ewww! Dirty worms!!!"

Nag mamadali silang lumabas sa cubicle at iniwang naka bukas yung shower na napatuloy parin sa pag labas ng malapot na dugo at uod.

Halos madulas na sila dahil sa kakamamadali para lang mapuntahan yung kanilang locker's para kunin yung mga damit nila.

Pero nagulat nalang sila ng makita yung mga damit nila sa loob ng kanilang locker. Ang magagandang damit nila ay pira-pirasong tela nalang. Halos hindi na nila makikilala yung mga mamahaling damit nila. Punit punit at may bakas na mantsa na kung anong kulay na naka bahid sa mga tela.

Nanlumong napa upo si Mich sa malamig na semento at tinakpan yung mukha nya. Humagulgol sya at takot na takot na sa nangyayari ngayon.

-----

Hinihingal na lumabas ang grupo ni Eren sa loob ng building. Kinilabutan sila sa nasaksihan nila sa loob ng kanilang main building at sa classroom nila. Hindi nila nakayanan ang amoy ng hallway kaya agad silang lumabas ng main building ng school.

Pero laking gulat nila ng may bumuhos na pintura sa kanilang ulo hanggang sa maligo na sila sa iba't-ibang​ kulay ng pintura. Agad na umilag si Eren sa pintura pero kahit papaano ay natalsikan pa rin yung damit nya ng pintura. Habang yung mga kaibigan nya ay napapamura ng malakas dahil naligo na ng ibat ibang kulay ng pintura.

"Fvck!!"

"T*ngina yung damit ko!"


"S-shit! ang baho ko!! Huhuhuhu! Bakit ba umuulan ng pintura? Ang weird na talaga ng world ngayon"

Kumaripas sila ng takbo pa punta sa parking lot. Kailangan na nilang umuwi sa kanya-kanyang bahay nila para maka pag palit ng damit. Para maiwasan at makalimutan na yung nakakakilabot na nangyari na school.

Bumagal sila ng takbo ng makita na nila yung mamahaling sasakyan nila. Pero hindi pa sila nakakalapit sa kanilang kotse ay may hindi sila inaasahang mapapanood sa kanilang harapan ngayon.



*BOOM!!*

*BOOM!!*

*BOOM!!*

*BOOM!!*

Nanlaki yung mga mata nila dahil sa gulat ng kanilang nakita. Ang kanilang pinaka mamahaling sports car ay sumabog sa kanilang harapan. Sabay-sabay na sumabog yung naka hilerang sports car nila.

Nang matauhan sila ay kanya-kanyang malulutong na mura ang lumalabas sa kanilang mga bibig.

"Holy Fvck!!!"

"Shit! Ano bang nangyayari dito sa school?!"

"Y-yung kotse ko!! huhuhuhu!!"


"T*ngina lang talaga!!"

***

Habang nag wawala sa galit ang grupo ni Eren ay nasa di kalayuan lang si Megan at naka ngising pinapanood lang sila.

Naka upo sa sanga ng puno si Megan at kumakain ng pulang mansanas. Habang kumakain sya ng mansanas ay minamasdan lang nya ang grupo ni Eren na pilit pinapatay ang nag lalakihang apoy sa kanilang kotse.

Masaya si Megan sa kanyang nakikita. Sa hallway. Sa lahat ng classrooms. Sa locker's room ng panglalaki at pang babae. At panghuli ay ang paking lot. Kung saan nakikita nya ang grupo ni Eren.

Wala si Colbie dahil pinuntahan yung mainbase para i-check kung anong nangyari sa zombie na pinatay ni Megan sa eskinita.

"Pag babayaran nyo tong lahat. I will make sure that you will never ever forget my revenge to all of you. I will make your life miserable as hell"

Ngumisi ulit sya sabay kagat ng mansanas. Para kay Megan ay ito na ang pinaka masaya at hindi nya makakalimutang araw......

Ang makipag laro sa mga taong may isip pa.


Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now