Zombie 12

9.8K 395 7
                                    


Zombie 12: Plan

Megan's POV

"Hey, sleepyhead wake up! I said wake up!" naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa katawan ko.

"Hmm..." inis kong kinuha yung paborito kong unan at pinangtakip sa mukha ko.

Pero may kung anong humatak sa unan kong naka takip sa mukha ko. Nang pag dilat ko ay nakita ko yung mukha nyang naka busangot na naka tingin sa akin.

"Kuya, give my pillow you shitty bastard. Can you see that I'm sleepy." inis na naantok ko'ng sabi sa kanya.

Kukunin ko na sana yung unan ko na hawak nya kaso nilayo nya lang sa akin yun.

The fuck is wrong with him?!

"May pasok kaya kailangan mo na'ng kumain ng breakfast sa baba. May hinanda akong paborito mong pancakes at milk sa baba." sabi nya.

Bigla akong nagising nung marinig ko yung pancakes at milk. Parang naging spell yung mga sinabi ni kuya dahil napa bangon agad ako at nay ngiting naka paskil sa labi ko.

Agad akong tumalon sa kama na parang bata at yumakap kay kuya.

"Good morning kuya." naka ngiti kong sabi at hinalikan sya sa pisngi.

Napangiwi sya sa ginawa ko. Napa nguso ako.

"Ang anghel mo yata ngayon. Sana palagi ka nalang ganyan. Hindi yung palagi kang binabalutan ng masamang espirito." ngising sabi nya. Inis ko syang pinalo sa braso. Ganon ba talaga ako kasama sa paningin nya?

"Just kidding. Eto naman hindi mabiro. Bumaba na nga tayo baka bumalik pa yung dark aura mo." natatawa nyang sabi at hinila ako palabas ng kwarto. Hindi pa ako naka pag hilamos o mag toothbrush man lang. Bahala sya na mabahuan sa hininga ko.

"Hindi ka ba papasok ngayon kuya?" takang tanong ko sa kanya habang bumaba kami sa hagdan.

"Nope. I-che-check ko kasi yung main base military sa parteng Laguna. Ayun kasi ang inuutos sa akin ni Dad kahapon lang ng hating gabi." pag sagot nya.

Nang makarating na kami sa maliit na dining area ay agad akong umupo sa upuan at kumuha ng limang pancake at pinagpatong-patong yun sa plato ko. Ganon din ginawa nya sa harapan ko.

"Bakit hindi ako kasama?" Takang sabi ko sa kanya habang nag sasalin ng gatas sa malaking mug.

Talagang sinadya kong gumamit ng malaking mug, para marami akong mainom na gatas. Habang sya naman ay nag salin ng kape sa maliit na mug.

"Hindi muna ngayon. Mag relax ka muna, ok?" ngumuso ako. Mas gusto ko pang sumama sa kanya kesa pumasok sa school. Makikita ko na naman yung mga taong kinaiinisan ko sa school.

Lalo na yung Eren na yun. Akala nya hindi ko makakalimutan yung pag buhos nya ng juice sa mukha ko? Hell no.

Tandang-tanda ko yung mga pag mumukha nila. Kaya humanda sila kapag napuno na ako. Matuto silang rumespeto sa kapwa tao nila. Kapag hindi nila ako nirespeto bilang isang tao kundi isang halimaw talaga ang tingin nila sa akin. Pwes makikita na nila kung ano talaga ang totoong halimaw. Mag papaka halimaw talaga ako para lang sa kanila.

****

Nanlaki yung mga mata ko ng makalabas na ako ng bahay. Nandito na yung kotse ko!!

"Baby ko!" naka ngiti kong sigaw at tumakbo papunta sa kotse ko.

Kumikinang yung dalawa ko'ng mata habang pinapasadahan ng tingin yung baby ko. Lalong gumanda yung baby ko. Parang pinaganda pa lalo ito ni Tito.

"Masaya ka na nyan?" tanong ng nasa likod ko. Humarap ako sa kanya na may malapad na ngiti sa labi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now