Zombie 44

6.2K 233 46
                                    


Zombie 44: Jai Mendoza is the master mind?

Megan's POV

Pag dating namin sa south zone ay hinahanap ng mga mata ko si kuya. Bawat madadaan ko ay may taong naka handusay sa lupa at wala ng buhay. Marami ding nag papa ulan ng bomba na galing sa eroplanong lumilipad sa ere.

"Baka nandoon sya?" sabi ni Eren at tinuro yung malaking bahay. Hindi naman ako nag salita at nag mamadaling pumunta doon. Pero agad akong napahinto nung maka kita ako ng sundalong patay. Lumapit ako doon at kinuha yung baril.

----

Nang pag pasok namin sa malaking bahay o mansion ay nililibot ko yung paningin ko sa paligid. Wala akong makitang kakaiba. Napaka tahimik na para bang hindi nag karon ng gulo.

"Mag hiwa-hiwalay tayo. Dito kayo sa baba Yvonne at Justin, mag hanap kayo kung ano yung mahahanap n'yo. Doon naman kami sa taas" sabi ko at tumakbo papunta sa taas. Sumunod naman sa akin si Eren.

Justin's POV

Nang maka akyat na sila Megan ay agad kaming kumilos ni Yvonne. Pumunta kami sa dining area, living area, kitchen area pero wala naman kaming nakita.

"Wala naman tayong nakita. Nasan na ba kasi si Colbie?" tanong ko. Nag kabit balikat lang sya habang palinga-linga sa paligid. Kumunot yung noo ko dahil parang may hinahanap sya na hindi ko mawari.

"May hinahanap ka ba?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Para kasing may kakaiba eh" kinakabahan nyang sabi. Anong kakaiba ang sinasabi nya?

Bago pa ako maka sagot ay may biglang tumakip sa ilong ko. Nag simula akong mag pumiglas sa taong nag tatakip ng ilong ko dahil nakita kong may nag takip din sa ilong ni Yvonne.

Kulay itim ang suot nya at naka maskara din sya na itim. Mga ilang sandali ay bigla akong nanghina. Pabagsak akong napahiga sa lapag at ganun din si Yvonne. Gusto ko syang puntahan at protektahan sa mga taong naka itim kaso nanghihina ang katawan ko.

Napa tingin ako sa mga naka itim nung dahan-dahan nilang tinanggal yung maskara nila. Napa kuyom yung kamao ko dahil hindi ako makapaniwala na isa pala silang mga traydor.

"M-mga traydor k-kayo" nanghihina kong sabi bago ako binalutan ng kadiliman.

Hindi ako makapaniwala na isa palang traydor ang tinuring naming responsibleng president ng pinapasukan naming school at yung naging kaibigan ko din na babae sa cheerdance.

Sila Bianca at Mich.

Megan's POV

Napa sipa ako ng malakas sa upuan dahil hindi ko nakita si kuya. Saan ko ba sya makikita? Halos lahat ng bahay ay nasira na. Tanging ito nalang ang matinong nakita ko.

Nagulat ako nung makarinig ako ng kalabog galing sa kwartong pinasukan ni Eren. Naka ramdam ako ng takot at kaba kaya agad akong tumakbo. Pero agad akong napatigil sa pagtakbo ng maka kita ako ng mga zombies.

Kinasa ko yung baril ko at pinagbabaril yun mga zombies na lumalapit sa akin. Napamura ako dahil hindi nababawasan yung mga zombies. Shit, paano ba to nakapasok? Diba nasa baba lang sila Yvonne at Justin?

Habang nakiki pag patayan ako sa mga zombies ay biglang bumukas ang pintuan kung saan pumasok si Eren. Nagulat ako nung makita ko yung mga armadong lalaki na buhat-buhat si Eren na walang malay.

Hindi ako makalapit kela Eren dahil maraming zombies ang nakaharang sa harapan ko. Nakakapagtaka dahil hindi pinapansin ng mga zombies ang mga sundalong naka itim. Hindi kaya mga tauhan ito ng master mind?

Nag tiim bagang ako sa naiisip ko sabay kasa ng baril ko. Handa na sana akong bumaril sa mga zombies ng may magsalita na ikinagulat ko.

"Wag mo ng ituloy yan dahil alam kong hindi mo na makukuha si Eren sa mga kamay ko" naka kunot yung mga mata ko nung makita ko sya pero may sumagi sa isipan ko.

"Jai?" ibang iba na yung aura nya. Hindi na yung masiyahing tao. Parang yung taong kapag lumapit ka ay nasa kamay na ni kamatayan ang buhay mo.

"Nasorpresa ba kita Megan?" naka ngisi nyang sabi. Napa kuyom yung kamao ko.

"Ikaw ang master mind?" hindi makapaniwala kong sabi sa kanya. Tumawa sya ng pag kalakas-lakas na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Ano ba sa tingin mo?" panunuya nyang tanong na naka taas ang kilay.

"Hayop ka!" Heck! Bakit ako nalinlang ng isang tanga at masiyahing tao? Niloko nya kaming lahat!

Sa sobrang galit ko ay tinutok ko sa kanya yung baril ay pinaputok yun. Nagulat ako dahil agad nya yun naiwasan. Pinagbabaril ko sya pero hindi ko sya matama-tama kahit galos lang sa balat nya ay hindi ko magawa.

Mga ilang sandali ay naubos na yung bala ng baril ko. Inis kong binato sa lapag yung baril habang nakatingin ng masama kay Jai. Naka pamulsa sya at naka ngiti pa sa akin na parang bang hindi sya napagod sa nangyari.

"Sigurado sa susunod mo nalang ako kalabanin. Mas magandang mag ipon ka na muna ng lakas bago mo ako patayin!" tawa tawa nyang sabi at umalis.

Napakuyom ako. Inis akong tumingin sa mga zombies na papalapit sa akin. Nang makalapit sa akin yung isang zombies ay buong lakas kong sinuntok. Rinig na rinig ko pa yung pag basag ng buto nya sa panga. Galit na galit ako dahil mukhang makakatakas si Jai.....ang mastermind. Ang masaklap pa ay hawak nya na ngayon si Eren.

Napa urong ako ng kaunti dahil dumadami na naman yung mga zombies. Tumingin tingin ako sa paligid at naka kita ako ng malaking bintana.

Akmang susugurin ako ng mga zombies ay mabilis akong tumakbo papunta sa malaking bintana. 

Hinarang ko yung dalawang braso sa harapan ng mukha ko para maka iwas sa bubog na tatama. Napa daing ako ng malakas nung bumagsak ako sa lupa. Napahawak ako sa gilid ng tyan ko dahil may naka baon doong malaking bubog.

"BUNSO! BUNSO!" rinig kong boses ni kuya. May naaaninag akong bulto ng tao. Hindi ko maaninag yung mukha nya dahil nanlalabo na yung paningin ko.

"A-anong nangyari sayo bunso?" nag aalalang sabi ni kuya. Hindi ako sumagot at tanging daing lang ang lumalabas galing sa bibig ko. Naramdaman kong binuhat ako ni kuya.

"K-kuya kailangan m-mo kong dalhin sa h-hospital" nanghihina kong sabi habang naka hawak sa tyan ko. Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi pwede.

"O-oo! Wait lang! malapit na tayo!" kinakabahan na sabi ni kuya. Hindi ko maiwasang maiyak dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin ngayon. Kailangan kong iligtas si Eren..........




Ang ama ng anak na nasa sinapupunan ko ngayon.

* * *

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now